#####
"Krisna san nga?" tanung ulit ng kuya nya sa kanya. Sinundan siya nito sa kusina at paulit ulit na kinulit tungkol pa rin sa sa sinabi niya kanina.
Umiling lang si Ansirk bilang sagot at ipinag patuloy ang pagkaen ng paborito niyang almusal na fried rice with hotdog.
"Krisna. saan nga? at kelan mo kame nakita?" tanung nito ulit sa kapatid.
Hindi inintindi ni Ansirk ang kanyang kuya at nag patuloy lang siya sa pag kaen at ang kuya naman niya ay kinukulit pa rin siya.
Natatawa na lamang si Ansirk sa loob ng kanyang isip. Pinagtatawanan lamang niya ito dahil sa kakulitan nito. Ang totoo niyan kahit anung tanung ni Ias sa kanya ay wala namang isasagot si Ansirk sa kanya, Dahil hindi naman totoong nakita niya ang mga to. Sa katunayan ay nasagap lamang din niya ito at sinabe lang din ito nang madaldal niyang kaibigan sina Matty at Karl.
Nang matapos kumaen si Ansirk ay tumayo na ito at hinugasan ang pinagkainan.
"Ansirk anu ba? kanina pa ko nagtatanung dito di mo naman ako sinasagot." reklamo ni Ias sa kapatid.
Matapos mag punas nang kamay ni ansirk sa hawakan ng fridge ay hinarap niya ang kanyang kuya. "Secret." aniya na may ngisi sa labi.
"Ano? Sige ka pag di mo sinabe sa akin sisiraan kita kay garry." pananakot na sabe ni Ias.
Natawa naman ng malakas si Ansirk. "Ako tinakot mo? edi siraan mo. Kala mo matatakot mo ako? hah!" sagot naman ni ansirk ng may kumpiyansa.
"Baka dapat ikaw ang matakot. Baka gusto mong ipag kalat ko na may something sa inyo ni Kris.."
Namutala naman si Ias sa narinig kay Ansirk. 'Hindi pwede' bawal niya sa isip niya. Hindi pwedeng may makaalam ng tungkol sa kanilang dalawa ni Kris.' Kung hindi magagalit ito sa kanya at baka di siya ulit nitong pansinin nito. Maba-back at one nanaman siya nito.
"Wag!" pigil ni ias sa kapatid. "Kahit wag mo nang sabihin. Basta wag mo na lang ipagkalat." natatarantang pahayag nito. Ang laki talaga nang takot ni Ias kay Kris.
Nagtataka naman si Ansirk sa ikinilos ng kapatid. Para bang takot na takot ito sa sinabe niya.
"Ok. In one condition."
Panimula ni Ansirk. Gusto lamang niyang subukan kung hanggang san ang kayang gawen ng kanyang Kuya Ias..
" Ano yun?"
"Sagutin mo lang ang tanung ko ko.."
"Anung tanung mo?"
Huminga ng malalim si ansirk bago magsalita ulit. "Anung yung ibinebenta sa tindahan na hindi gawa nang tao?"
Gusto niyang matawa sa naging reaksyon ng kuya niya. Para tong natatae na hindi mo mawari. Litong lito ito at hindi alam kung anung gagawen.
"What the fuck!?" sigaw ng kuya niya.
"Anak ng lintik! Anung bunganga ang meron ka Elliasandro?!" kapag kuway sigaw ng nanay niya na kararating lang sa palengke.
"Ikaw bunganga mu na bata ka! wala nang mbuting lumalabas jan!" hiyaw ulit nito at pinalo sa braso si ias.
SI Ansirk naman ay hindi na magkamayaw sa kakatawa nang makitang parang makahiya na tumiklop ang kuya nya sa harap ng nanay nila.
#####
Nanunuod si Ansirk sa kanilang sala nang saado nang hapon. Dahil wala ngang pasok, wala rin naman siyang gagawen so minabuti niyang manood na lamang mag hapon pampalipas oras.