-----
Kasulukuyan nasa canteen ang magkakaibigan at kumakaen. Natapos na kase ang exams nila kaya nakahinga na sila nang maluwag.
Kaninang umaga pagka gising ni Ansirk nang buksan niya ang kanyang cellphone, tumambad sa kanya ang 33 missed calls at 81 texts. At lahat ng iyon ay nanggaling lamang sa iisang tao, Kay Garry.
Pare parehas lang naman yung mga lamang ng text messages ni Garry.
'Bket di mo sinasagot tawag ko?'
'Tulog kana ba?'
'Kayo na ba talaga nung emman?'
'Ansirk mag reply ka naman.'
'Huy!'
Ayun ang mga laman ng texts ni Garry kay Ansirk.
Kaya maganda ang gising ni Ansirk.
"Mga Tol, pwede na kayang umuwe? wala na rin naman tayong ginagawa dito e." biglang sabe ni Matty habang kumakaen ng siopao.
"Ewan ko, pwede na siguro." simpleng sagot ko.
"Uy!" singit ni Karl. "Maaga pa naman e. Pag pwede nang umuwe, punta naman muna tayo kila George?"
Napalingon naman si Ansirk sa katabi niyang si Karl. at pasimple niya itong inismiran. Mga suhestiyon talaga nito. sa isip isip niya
"Sa amin?" turo ni George sa sarili. "Akin ok lang naman. tanung mo jan sa katabi mo." aniya tsaka sabay nguso kay Ansirk.
"Payag yan! tsaka ang tagal na nung nanyari sa kanila ni kuya garry ah! bitter pa rin ba?" tanung naman ni Kris na may mapang asar na muka.
Binato naman ni Ansirk ng balat ng zest-o si Kris.
"Ikaw! minsan ka na nga lang mag salita, nakaka bwisit pa.." aniya tsaka binigyan ng masamang talim na tingin si Kris.
Natawa naman sila Matty. "Himala ano, nang ngingiti na si Kris.." bati naman ni George.
"Syempre inlove e." simpleng saad naman ni Ansirk na ngingiti ngiti rin.
"Tss.. ewan ko sa inyo. Uwi na ko. bye." madaling sabi ni Kris tsaka walang paa- paalam na umalis ng canteen.
"Hahaha! Siraulo kase neto ni Ansirk e. Sige una rin ako." Natatawang sabi rin ni Karl tsaka tumayo at lumabas din. "See you tommorow guys!"
"So ano? tayo tayo na lang? Gusto ko kase talagang pumunta sa inyo George." pilip pa rin ni Matty.
Napaisip naman si Ansirk. Baket nga ba ayaw niyang pumunta kila George?
Tsaka si George
naman ang ipupunta niya doon hindi naman si Garry.Ngumiti naman si Ansirk kina George.
"Anu? Pag bigyan mo na to si Matty, kawawa naman..." natatawang saad din ni George na tinuturo si Matty
"Sige."
"Sa wakas! naka move on din!" biglang hiyaw ni Matty tsaka may palakpak pa.
Natutuwa lang si matty dahil sa tagal nilang hindi nakasama si ansirk sap pag punta kina george. Kaya nga umuwe na yung dalawa dahil ang akala ng mga ito hindi nila ulit mapapayagp si ansirk na sa pag punta kina george.
"Siraulo!" bulyaw sa kanya ni ansirk.
Natatawa na lamang si George sa kalokohan ng mga kaibigan.
"Oh? baket pang kriminal yang ngiti mo?" pansin sa kanya ni Ansirk.
Umiling lamang si George bilang pag sagot. Tsaka iginayak ang mga kaibigan palabas ng canteen.
Lihim namang napangiti si George dahil sa pag payag ni Ansirk na pumunta sa bahay nila.