Dumaan pa ang mga araw at linggo sa buhay ni Ansirk, at medyo nabawasan na ang mga agam agam na raramdaman niya.
Isa sa mga dahilan nito ay ang pag tuklas niya na yung minsa'y nakita niya na kasama ni Garry sa love nest nila, ay ang tinutukoy ni George na pinsan nila si Ate Jas nila.
Hindi man sila ayos ni Garry ay mejo nagiging okay na sa sarili si Ansirk. dahil napalagay siya na hindi naman pala sya pa pinapalitan ni garry. At kung palitan man siya nito ay sana naman hindi mukang ninja turtle ang aurahan.
Samantala si Garry naman ay nasa Teresa nang kanilang bahay. Nag mumuni muni siya at nag iisip isip.
Napapalatak na lamang talaga si Garry sa tuwing naiisip niya ang kagaguhang nagawa noong nakaraang buwan.
Pumunta siya sa bahay nila Ansirk upang makipag ayos at hindi para mang hinye nang closure o kung anu pa mang katarantaduhan pa.
Pero dahil sa sobrang kaba ay iba ang lumabas sa bibig niya. Hindi niya makakalimutan yung nakita niya ang dissapointment sa muka ni ansirk.
"Put*ng in*!" saad niya.
"Ang tanga ko talaga kahit kailan!"
"San Ko nakuha yung closure na yun?!" sabi pa niya sa inom nang beer na hawak niya.
"Ang tanga ko talaga! ang tanga tang-"
"Oo na tanga ka na. bakit kailagan mu pang ipag mayabang?"
Napalingon si Garry sa nag salita. At nakita niya nakatayo sa pintuang nang terrace ay walang iba kundi ang kuya ni Ansirk na si Ias at si Millok ang isa pa sa mga kaibigan niya. si Millok ang nag salita.
" Anung ginagawa ninyo dito?" tanung ni Garry sa dalawa.
"Wala kang pake." supladong wika ni Ias kay Garry tsaka umupo din sa wooden chair na ktapat na upuan ni Garry.
Ganun Din Ang Ginawa Ni Millok.
"Oh eto, may dala kameng pulutan at dagdag na alak." saad ni millok Tsaka ito ibinaba sa lamesa sa gitna.
"Anu ngang ginagawa nyu dito?" tanung ulit ni garry sa mga kaibigan.
Si Ias at Millok ay iilan lamang sa mga kaibigan ni Garry simula pa nung elementary. Ka grupo niya ang mga ito sa isang Dance Grp. Dati nung high school. pero hininto muna nila ito nung nag kolehiyo na sila.
"Tss.. seryoso? tinatanung mu kami? eh muka ka na ngang gago kakaiyak jan tapos tatanungin mu pa kame kung anung ginagawa namen dito sa bahay mu? Baket kaya di mu na lang sabihin sa amin ang problema mu. Mga kaibigan mu kame brad, common! don't be shy! cry now!" wika ni Millok sabay inom nang beer.
Napailing na lamang si garry at naisip na tama si Millok.
"Si Ansirk kase." panimula niya. At Bahagyang binalingan si Ias na tahimik lamang naka tingin sa kanya. Tinignan niya ito na pa ra bang nang hihinye nang pirmiso, at ng tumango ito ay tsaka lang nagpatuloy sa pag kukwento.Kinuwento niya lahat mula sa umpisa hanggang sa nangyare kay Channel nang halikan na lamang sya nito bigla hanggang sa nag ka sira sila ni ansirk at masira at nag ka sakitan sila at na kung ano mang meron sila hanngang sa kasa lukuyang nagaganap sa kanila ngayun.
"MPU, brad." sabe bigla ni millok matapos maikwento ni garry lahat lahat sa kanila ni ansirk.
Napaku not ang noo ni Ias At Garry sa sinabi ni millo.
"MPU? anu yun?" naguguluhang tanung ni Ias.
Millok just shrugged. "Malabong Pagkaka Unawaan." binaba nito ang botetsakanagsalitaulit.
"Meaning, marunong kayo maglandi pero hindi kayo marunong makinig. Puro lang kayo landian, tapos pag ka may problema na imbes na pag usapan, eh iniiwasan. M.U talaga kayo, Mga Unggoy."
" Siraulo!" ani ni garry tsaka binato nang takep nang beer si millok.
"Kase naman brad, immature na nga si Ansirk, sinabayan mu pa. Man up brad. Hindi ka 16 yrs. old na may fickle mind pa. Gago, Gurang kana. Kung gusto mu talaga ang kapatid ko kumilos ka! wag mung hintayin na babae ang gumawa nang first move. Alam mu naman ang mga babae, pakipot at maaarte." dagdag wika pa ni Ias.
Napatitig lamang si garry sa mga kaibigan.
Hindi man aminin ni Garry pero tinamaan talaga siya sa sinabi nang mga kaibigan niya. seryoso man si millok at may pagka weird si Ias pero pag nagsalita Ang Mga ito ay talagang may laman.
M.U. dalawang letra, at dalawa sila ni Ansirk na nasa letra na iyan.
M.U ang initials ay Mutual Understanding, pero para sa kanila ni Ansirk Ay Magulong Ugnayan ito.
---
Maaga muling pumasok sa skwelahan si Ansirk upang iwasan ang taong ayaw niyang masilayan. Alas nuebe ang oras nang pasok nila ngunit alas otso pa lamang ay umalis na ito.
Dahil hindi naman nagkakalayo ang bahay nila Ansirk at Garry ay di sinasadyang minsan ay nagkakasalubong sila palabas nang subdivision. Kaya maaga si ansirk upang maiwasan iyong mangyare.
Medyo ok na ang pakiramdam ni Ansirk kumpara sa mga naka raang araw na lumipas. Dahil nararamdam nito na maaayos din ang lahat.
Kagabe lamang ay may nabasa itong si ansirk na quote habang nag fe-facebook siya na siyang nag pagaan ng kalooban niya at ito ay.
' Kung nasasaktan ka man ngayon, isipin mu na lang walang FOREVER. Lahat nang sakit na nadarama mo ay matatapos din. ' -, D End of quote.
Habang naglalakad naman si ansirk sa pasilya nang paaralan ay may namataan siyang pamilyar na muka.
" ha? si George yun ah?" wika niya tsaka lumapit sa lugar kung nasaan si George.
Nasa isang sulok nang pasilyo si George at may kausap na lalake at parang
nagtatalo.
Nang maka lapit si Ansirk ay para itong ninja na tumagilid upang hindi makita.
"Laseng lang ako nun kaya ko nagawa yun. Wag mo na ngang palakihin itong issue na to." wika ni George na animoy isang leon na nais manglapa sa galit.
" Oh Talga ba? pwes ako hindi ako laseng! malinaw sa akin ang lahat. Ginalaw mo ang birhen kong labi. ikaw ang first kiss kaya dapat i boyfriend mu ako." sagot naman ni Millok.
Natawa naman si ansirk sa pahayag ni millok. oo si millok ang kausap ni george. Napapailing na lamang si ansirk sapagkat Kung Si George ay galit na galit at hindi maipinta ang muka, si Millok naman ay pa petics petics lang at para bang ok lang ang lahat sa paligid.
Nakita naman ni ansirk na nanlaki ang mga mata ni george. "Ano!? ang kapal din naman nang muka mung gunggong ka! at ako p-"
Hindi na natapos pa ni george ang sinasbe dahil ninakawan sya bigla ni millok ng isang mabilis na halik.
"Daldal mu para kang kuya mu." saad nito tsaka ginulo ang buhok ni george. "Kita tayo later tweety bear."
sabi ni bago tumalikod paalis.
Naiwan namang nakanganga si george doon, at ayun ang kinuhang chansa ni ansirk upang magpakita na sa natuklaw niyang kaibigan.
"Eherm!" agaw pansing saad niya. "Tangna Tol, natuklaw ka!"
" Ansirk?!" gulat na sigaw ni george
" Yap!"
"shit" sigaw ni george tsaka pumalahaw nang takbo ito palayo kay ansirk.
" Anyare dun?" tanung ni ansirk na nagtataka sa nangyayare. Anlabo naman.