Untitled Part 16

47 1 0
                                    


Hindi nila napilit si ansirk na pumunta sa bahay nila george, pero kahit ganun ay tmuloy pa rin ang mga ito para makapanuod lang nang Nba.

"Hi, mom!" bati nya sa nanay nya pagkapasok nya nang bahay nila at nakita nya ito sa sala nanunuod nang palabas sa T.V.

"0h? Aga mo ata?" tanung sa kanya nito. well, napaka aga pa nga nang uwe nya alas 4 pa lang nang hapon at ang normal na uwe nya ay ala sais na ng gabi. Kahit pa nga alas tres talaga ang uwe nya galing sa skwelahan.

" wala lang ma, mejo hindi maganda ang pakiramdam ko ngayun e." pagdadahilan na lang nya. well, kalahati ay totoo dahil masakit naman talaga ang ulo nya.

Napatango naman ang mama nya. "Ah ganun ba? sige umakyat ka na lang muna sa kwarto mu at magpahinga, tatawagin na lamang kita pag kakain na." sabi nang mama nya.

Ngumiti na lamang sya at umakyat na sa kwarto. pagkapasok pa lamang nya ibinagsak na agad nya ang sarili sa kama nya.

Naisip nanaman nya si Garry. " Hays! ang pangit mo talaga!! manloloko ka!" sigaw nya habang inaalog ang sarili sa ibabaw nang kanyang kama.

Inaamin naman ni ansirk sa kanyang sarili na namimiss pa rin nya si garry.

Kahit galit sya dito ay hinahanap hanap pa rin nya ito. lalo na at sa tuwing nag iisa sya lage iyong nandyan para patawanin sya at ilibre nang burger at siomai pag nagugutom sya at gagawa nang kung anu mang kalokohan pag galit sya.

" Hoy! Miss na kita!" sigaw nya ulit habang si garry ang laman nang isip nya.

"Aaaahh!!" sigaw ulit nya habang naiiyak.

"Hoy! para kang tanga jan! di mu kinaganda ang pag sigaw jan!" sigaw nang tao sa labas. ang Kuya niya.

"He!" balik sigaw nya rin.

Dumapa Na lamang sya at tahimik na nag emote.

---

" Anak! krisna? kakaen na."

Nagising sya sa boses nang mama nya na yun.

" Ay! nakatulog pala ko.." sabe nya habang papungas pungas pa.

" Krisna Anak, kakain na, para makainum ka na rin nang gamot."

tumayo sya para buksan ang pinto.

"Ok po ma. susunod na ho ako." sabi nya dito. ngumiti lang ang mama nya sa kanya at bumaba na rin.

sya naman ay nagbhis na rin at bumaba na.  

  Kakatapos lamang namen kumaen at nakainum na rin ako nang gamot.

haaayy..

Sa ngayon andito kame sa sala nanunuod nang Asia's Next Top Model kasama ko kuya ko dahil si mama umakyat na sa taas dahl maaga daw pasok nya sa trabaho bukas. Ewan ko ba dito sa kuya ko ang hilig manuod nang pambabaeng palabas. Bakla Ata to e.

Binalingan Ni Ansirk ang kuya nyang seryosong nanunuod.

kinalabit nya muna ito. "kuya, bakla ka ba?" tanung nya rito.

Nang lingunin sya nito sobrang sama nang titig ang binigay sa kanya nito. " Anung bang mga pinag sasabi mo jan?" singhal nito sa kanya.

"Hmm..? galit agad? pwede mu namang sabihing hindi e. simple lang." wika naman nya.

Napapailing na lamang ang kuya niya at bumalik sa pinapanuod nito.

Nagkibit Balika na lamang si ansirk at nakinig na lamang sa ipod nya pero maya maya ay nagsalita ito.

" Eh ikaw? M.U.O na ba kayo ni garry?"

Mabilis namang iniangat ni ansirk ang ulo nya at tinignan si toffer ang kuya nya "anu?" tanung nya. pero ngumiti lang ito at umiling iling.  

That womanWhere stories live. Discover now