Chapter 13: Bestfriend

52 3 0
                                    

PAOLO's POV

Kung hindi lang dahil sa emergency na nangyari kanina, ako sana ang makikipagkita kanina kay Yana. I am not really expecting na mangyayari yun...

Hours ago....

3o'clock AM, my phone rang..

Argh! Kakatulog ko lang, may mambubulabog na naman! Sino naman ba ang tatawag ng gantong oras? Kinuha ko ang iphone ko sa bedside table at tiningnan kung sino ang tumatawag.. it was from Wilmer. I answered my phone, but instead a woman speak up.

"Hello. Kung kilala nyo ho ang mayari ng cellphone na ito. Please go to St. John Medical Center."

"What?! Why?!" pero imbes na sumagot ang babaeng tumawag sakin ay pinutol nya na ang linya. Dali-dali naman akong nagbihis para pumunta sa nasabing hospital. Damn! Ano na naman bang nangyari dun? Bakit ako agad ang tinawagan? Siguro contact number ko ang unang nakita. Mamaya ko na iiinform sila tita sa nangyari. Siguro pag natiyak kong ligtas sya. After ilang minutes ay nakarating na ako sa St. John M.C.

"Saang room nakaconfine si Wilmer Alarcon?" tanong ko sa nurse

"He is currently on the emergency room sir." Pagkasabi nya nun ay agad na akong tumakbo sa ER. Pagkarating ko ay sumilip ako sa glass door. Puro likod lang ang nakikita ko. Pagkatapos ng ilang oras ay lumabas na ang doctor.

"Kamag-anak mo ba si Mr. Alarcon?" tanong sakin ng doctor, tumango na lang ako para wala ng masyadong tanong

"Ano ho bang nangyari doc?" bumuntong hininga muna si doc bago magsalita

"I'm sorry but I can't sav-"

"WHAT?!!" hindi ko sya pinatapos magsalita dahil sa gulat ko?! Ano ba talaga ang nangyari?

"Patapusin nyo muna ako hijo. Ligtas na sya. It's just that, maraming nakapasok na bubog sa mga mata nya galing sa glass window ng sasakyan kaya pansamantala ay hindi muna sya makakakita. It can take years, pero hindi rin assured na makakaita pa sya. It's 25% out of 100. Pero my pagasa pa, you can search for a donor. Pair of eyes. Not from a dead person, it should be alive." Mahabang paliwanag ng doctor saakin.

"Maiwan na kita hijo, ililipat na sya sa room 216. Pwede mo na ding tawagan ang mga magulang nya."

"Sige ho, doc. Salamat po"

Makalipas ang ilang minuto ay napagdesisyonan ko ng tawagan sila tita. Nailipat na ng kwarto si Wilmer, at hanggang ngayon ay tulog pa din sya. It's already 9am. I dialed Tita Marcel's number. After a few rings ay sinagot nya naman na ito.

"Hello, hijo. Napatawag ka, kamusta?" panimula ni Tita

"Ah, okay lang ho tita. Pero si Wilmer po, nasa St. John po sya ngayon."

"Ano?! Sige sige hijo, papunta na kami jan." pagkatapos nyang sabihin yun ay binaba nya na ang linya.

Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay naandito na sila Tita. Pinaliwanag ko na lahat sa kanila ang nangyari at ang mga sinabi ng doctor. Napagpasyahan kong ako na muna ang magbabantay ditto kaya naabutan ako ng hanggang alas kwatro, nakalimutan ko na magkikita nga pala kami ni Yana ngayon. Kaya ko pa naman sanang humabol kaso ay wala pang magbabantay kay Wilmer. Napagpasyahan kong tawagan na lang si Reyna, ipinaliwanag ko lahat ng kelangan nyang gawin at sabihin kay Yana upang hindi kami mabuko. Pumayag naman agad sya kaya, maayos na. Sana lang hindi yun pumalpak. 6pm na ako nakaalis ng hospital nung dumating na ang kapatid ni Wilmer.

Pagkauwi ko ay agad kong pinuntahan si Reyna, upang tanungin sa nangyari kanina sa pagkikita nila ni Yana. Agd nya namang kiniwento sakin lahat, mabuti na lang at umaayon ang lahat sa nangyayari.

"Pero kuya, may nabalitaan ako kanina.." saad ni Reyna

"Ano?"

"500 muna." Demanding na pahayag nya

"Oh sige, total nagawa mo naman ng maayos yung trabaho mo." Kinuha ko ang wallet ko at binigay sakanya ang limangdaan

"Dahil sa pagiging chismosa ko, sinundan ko muna si Yana kanina hanggang sa office nila. May narinig akong naguusap na mga officemates nya. Sabin i girl 1, nakita nya daw ang Boss nila atska si Yana kahapon. Inihatid dawn g Boss nila si Yana gamit ang sasakyan nya. Sabi pa nung girl 2, usap usapan daw sa office nila na nagdedate na daw yung dalawa dahil palagi daw magkasama."

"Alam mo, Reyna.." saad ko

"Sasabihin mo pa lang kuya, hindi ko pa alam."

"Babawiin ko na yung limangdaan. Akala ko goodnews sasabihin mo eh!"

"Aba aba! Wala ng bawian kuya! Naibigay mo na eh! Atska good news din naman yun ah, good news dahil naka move on na sya sayo! Hahahahahaha!" sabay tawang parang demonyita, 'tong babaeng 'to talaga kahit kelan napakakontrabida.

"Umalis kana nga! Wala kang magandang nagagawa!"

"Bat ako paalisin mo, condo ko to!" may condo pero taghirap, namamalimos eh. Hahahaha!

"Edi aalis na ko." Umalis na ko dahil nababadtrip ako sa sinabi ni Reyna..

Nakamove-on?! Nakamove-on kana ba talaga?! Wala na bang pag-asa?! Pero kahit anong mangyari, tuloy ang plano. Nagde-date pa lang naman e. Eh kami? Ikakasal na kami! Hahahahah!

-

A/N: Mukhang taeng update! Hahaha! Sorry na guys. Anyway, gagawan ko din po ng story si Wilmer. Title is "I'm dating the Billionaire Blind Man" taray ng title nuh? Hahaha. I know right. O'sya. Tatapusin ko muna 'tong story ni Yana and Paolo bago tayp magproceed jan. support guys please! Kaunting kembot na lang, malapit na 'to matapos. Hit the star below! Thank you so much!! <3 Blueziey~

(! ]Ċ


The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon