Chapter 3: I Like You?

54 9 4
                                    


Months had passed at ganun ang set up namin. Lagi kaming sabay kumain sa canteen, minsan nga hinahatid nya pa ko sa bahay kasi walking distance lang naman yung bahay namin galing sa school. Palagi nya kong sinasamahan sa mga lakad ko, pinakilala ko na din sya kanila mama. Friends lang naman kami. Akala pa nun ni Papa, boyfriend ko ipapakilala ko. Never pa kasi akong nagintroduce ng boyfriend sakanila. Hindi naman sa pinagbabawalan ako, I've never been in a serious relationship since my first boyfriend. Kumbaga, hindi ko nakikita sa kanila ang ideal man ko. Sinasagot ko sila para makilala lang. And they all ended up in a break up kasi im not satisfied, they dont meet up my standards. Until this boy came, I admit that I'm attracted to him. The way he talks, the way he smile, the way he plays his guitar, the way he sung. Im comfortable being with him. And I dont want to end this. Maybe we're just meant to be being friends, so Im not showing any motive that, yes maybe I like him.

Nasa school kami ngayon, it's saturday pero may mga requirements kaming tinatapos para sa 2nd quarter para pirmahan ng mga paVIP naming guro ang clearance namin. Pasosyal. Eto yung mga panahong, maghahabol ka sa mga teachers mo. Kung may mga bagsak ka, kelangan mo pa humingi ng special project para pumasa ka. Yun ay depende sa teacher.

"Bwisit naman kasing teacher yun, ngayon pa nawala. Malapit na kuhaan ng card. Ang deadline. Kelangan natin syang mahanap!" nagrereklamong pahayag ko kay Paolo na sa tingin ko ay parehong naiinis katulad ko. 8am palang andito na kami, maglalunch na hindi pa din namin sya nahahagilap kahit anino nya. Naku talaga.

"Kumain muna tayo. Nagugutom na ko."

"Kaya ang taba mo, kain ka ng kain e." natatawang sambit ko sa kanya.

"Kelangan kumain para mabuhay." defensive na sagot nya.

"E yung kain mo kasi pang tatlong tao e. Hahahahaha" tawa-tawa ko pang sabi sakanya. Nakita ko namang bigla syang sumeryoso kaya tumigil na ko. At inaya ko na lang sya.

"Tara na nga, san ba? Libre mo?"

"Mukha ka talagang libre."

"Ikaw nagaaya e. Ako okay lang ako hindi kumain."

"Kaya ka malnourish e." aba bumabawi ang mokong.

"Hoy hindi ako malnourish!! Sexy lang ako. Bwahahahaha"

"Sexy mo mukha mo. Wala ka ngang future e." aba bastos 'to a. Mabatukan nga.

"Aray ko naman. Oo na, sexy ka na! Sadista." hahaha ayan inamin nya na. Di ko naman sya pinilit diba? Sexy naman talaga ko diba? Nakikita nyo diba? Hahahaha joke lang.

Pumunta na kami sa pinakamalapit na fast food restaurant para kumain. Sya na lang hinayaan ko umorder para samin. Pag balik nya nakita ko syang may dalang tray na puno ng pag kain at sa likod nya ay isang crew na may dala ding tray na puno rin ng pagkain.

"Sino pa ibang kakain ne'to?" pabiro kong tanong sakanya. Ang OA a, dadalawa lang kami mukhang pang limang tao 'tong inorder nya.

"Ikaw. Ubusin mo yan lahat." seryosong sabi nya

"Kumain kana nga lang."

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa school, mabuti na lang at nagpakita na rin yung paVIP na teacher namin sa A.P 'kala mo naman napakaimportante ng subject nya. Nakakaloka.

Bago kami umuwi ay dumaan muna kaming grocery para sa bahay. At hinatid nya na din ako kasi madami akong dala. Bago man kami makarating sa bahay ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Lumingon ako sakanya at nakitang seryoso sya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Ah, may sasabihin ako sayo..

Gusto kita. Matagal na.. Hindi ko lang masabi sayo kasi hindi naman normal sakin na magkagusto sa isang babae lalo na't kaklase ko."

"Edi abnormal ka." pabirong sabi ko sa kanya.

"Panira ka talaga." nakasimangot na saad nya. Asar talo talaga 'to sakin e.

"Basta simula ngayon. Liligawan kita. And I wont take a no for an answer." natulala ako sa sinabi nya. Seryoso ba 'to? Kaya hindi ko namalayan ang paglapit ng mukha nya sa mukha ko at...

hinalikan ako sa noo.

"Sige na, tuloy kana sa inyo. Uuwi na din ako. Bye." nakangiti sya habang naglalakad na palayo na nakatingin pa din sakin. At di ko namalayan na nabanggit ko ang mga katagang..

"I like you too." pero hindi na rin naman ako sigurado kong narining nya pa yun. Naiwan akong nasa malalim na pagiisip. Totoo ba 'to? Manliligaw sya sakin? Pero...

Hindi ko na natuloy ang iniisip ko ng biglang lumabas si kuya..

"O yana, tunganga ka jan. Bibig mo papasukan na ng langaw." isa pa 'tong pang asar e. Dyan ko ata nakuha skills ko sa pangaasar kay Paolo e.

"Bitbitin mo 'to." sabi ko sakanya na binigay sakanya lahat ng dala ko. At nagpatuloy na sa paglalakad papasok sa bahay.

________________________________

A/N: Sabaw update ulit. Pagbigyan nyo na ko. Naguumpisa pa lang naman e. Support me guys. Dont forget to Vote, Comment and Share! Enjoy. <3

The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon