Chapter 1: Classmate

117 10 0
                                    


Nagmamadali akong maglakad sa hallway patungo sa classroom namin dahil late na ako. Pagdating ko sa classroom ay nandoon na ang aming guro for our first subject.


"You're late, Ms. San Pascual. Sit there and we'll start the discussion."


"Yes ma'am, I'm sorry."


After 1 hour ay natapos na ang aming first subject. At wala daw ang second subject teacher namin dahil may meeting ito. Kaya lumabas muna ako para pumunta ng canteen dahil nagugutom na ako, nakalimutan ko kasing magtanghalian kanina. Half day lang ang pasok ko, at pang afternoon class ang kinuha ko. I was a third year high school student in this public school. Yes, public school lang dahil hindi naman kami mayaman. Parehong mananahi ang parents ko at sa bahay lang sila nakabase. Dahil ayaw daw nilang mangamohan. Sapat lang naman ang nakukuha namin para sa araw araw na pangangailangan namin. Bunso ako sa apat na magkakapatid. At ako lang ang babae. Tahimik lang akong kumakain sa canteen ng biglang may umupo sa tapat ko.


"Hi Yana. pwede ba kong umupo dito?" sabi nya na nakangiti sakin. It was Paolo, classmate ko sya since 2nd year high school.


"Nakaupo ka na di ba?" mataray na sagot ko. Ganyan talaga ko makipag usap. Di ko kasi feel makipagusap sa mga taong di ko naman ka-close.


"Ang sungit naman ne'to. Gusto ko lang makipag-friend sayo. Napapansin ko kasi palagi kang magisa sa classroom. Wala ka man lang bang friend?"


"Ayoko kasi sa mga plastic."


"Ah." tipid na sagot nya. Nabobored na siguro 'to. Bahala sya, hindi naman ako entertainer para ientertain sya. Isa pa sya naman ang kusang lumapit sakin.


"Akyat na tayo Yans. Baka andun na si Sir Rubio. Masungit pa nman yun." tumango na lang ako sakanya at sinundan sya. Paakyat na kami sa room namin ng bigla ulit syang magsalita.


"Yans, pwede ko ba makuha number mo?"


"Isa lang number ko." pilosopo kong sagot, pero alam ko naman kung anong tinutukoy nya.


"I mean, may I know your contact number?"


"I'll give it to you later." sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad papasok sa classroom namin.

The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon