Chapter 5: Pregnancy

95 9 0
                                    

YANA's POV

Alas sais ng umaga ay nakarating na kami sa barrio kung saan ako nagkaisip at lumaki. Nagpasya na kong maglakad dahil malapit na lang naman at bahay na namin. Pagkarating ko sa bahay ay ganun pa din ito, kung paano namin ito iniwan ay yun pa din ang itsura nito. Medyo nahalata lang ang kalumaan nito. Kumatok ako dahil yung tita ko na ang nakatira dito ngayon, wala naman syang asawa kaya sya na ang napagpasyahan ni Papa na magalaga ng bahay na ito. Nang bumukas ang pinto ay bumungad sakin ang tiyahin ko na nasa mid 40's na.



"Oh hija, pasok ka. Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka." masayang saad ni tita Ana.



"Biglaan din po ang uwi ko. Atsaka hindi nyo na po kelangan mag abala. Salamat po." saad ko



"Magalmusal ka muna at magpahinga. Ipaghahanda kita mamaya."



"Sige po tita. Salamat po ulit."



PAGKATAPOS naming magkumustahan ay nagpasya na kong magpahinga muna dahil sa labing dalawang oras na byahe ko ay masyado akong napagod. Pumasok na ko sa dati kong kwarto, andito pa din naman ang mga gamit ko. At malinis naman ito dahil palagi naman itong nililinisan ni tita. Habang nakahiga ako ay pumasok na naman sa isip ko ang nangyari sakin nitong buwan na 'to. Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa sarili ko.. Mahal nya ba talaga 'ko? Pano nya nagawa sakin 'to? Akala ko ba mahal nya ko..



NAALIMPUNGATAN ako sa boses na naguusap sa labas ng kwarto ko.



"Mamaya mo na nga sya gisingin at kakatulog lang nyan. Mahaba ang byahe nyan kagabi, pagod pa yang pinsan mo." boses ni tita na hindi ko pa matiyak kong sinong kausap



"Okay lang yan tita, pag nakita ako nun mawawala pagod nun." boses ng pinsan ko na kung hindi ako nagkakamali ay boses ni Wilen. Ang pinaclose ko sa aming magpipinsan.



"Hay naku bahala ka ngang bata ka." sumusukong saad ni tita, mamaya maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nagkunwari akong natutulog pa. At narinig ko na lang na bigla syang sumigaw



"Beware of the upcoming Typoon!" yun lang at naramdaman kong bumagsak sya sakin kaya napasigaw ako



"Aray!!! Ano ka ba naman bhe!! Aaahh." mabuti na lang at hindi sa tyan ko tumama yung ulo nya dahil nakatagilid ako.



"Hi ate! I miss you too" nakangiting sambit ni baby len. Yan kasi tawag ko dyan e. 16 years old na yan pero isip bata pa din. Ayaw nga aminin na nireregla na sya e.



"Heh!! Istorbo ka. Nagpapahinga yung tao e." reklamo ko naman sa kanya.



"Walang anuman. Ginising talaga kita para kunin yung pasalubong ko. San nakalagay ate?" sabi nya na papunta na sa kinalalagyan ng maleta ko, hindi ko pa pala nalalagay sa damitan ko.



"Wow!! Sakin ba 'to ate?" tuwang tuwang sabi nya habang nakahawak sa isang black tribal tshirt na pang lalaki. Binili ko yun para sa kapatid nya, hindi para sakanya.



"Hindi yan sayo! Kita mo ng panlalaki. Yung white yung sayo."



Agad nya naman hinanap ang sinabi ko at kita ko ang pag busangot ng mukha nya nang makita ko ang itsura nya. Dahil alam kong ayaw nya sa binili ko. Gino-good time ko lang 'to.



"Ate!! Seriously?!! Hello kitty??!! Kelan ako nagsuot ng Hello Kitty?!! Ate naman eh!! nakakainis ka talaga." naiinis na sambit nya



"Welcome. hahahaha!" mas lalo pang nagusot ang mukha nya sa sinabi ko, ang sarap din ne'to pagtripan minsan e



"Lumabas kana nga dun ng makakain kana!" napipikon na saad nya



"Joke lang yun, hahaha. Yung kulay blue yung sayo. Hanapin mo na lang jan. Lalabas na ko." lalabas na sana ko ng bigla akong nagcrave sa kamias

The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon