Chapter 8: He's back?!

99 4 0
                                    



PAOLO's POV



Nandito ako ngayon sa isang Beach resort sa Laguna. After all the hard works i've done ngayon lang ulit ako nakapag relax. It's been 4 years, at ngayon ko lang nasolve lahat ng problema sa kompanya. Lahat ng mga papaluging negosyo ay naisalba ko na. At ngayon ay may panahon na ko para hanapin ko ang aking magina. Miss na miss ko na sila. Tatanggapin pa kaya ako ni Yana? Kamusta na kaya sila ng anak ko? May babalikan pa ba ko? I know I am such a jerk, not just a jerk I am an asshole for leaving her in front of the aisle knowing that we're having a baby. Kung hindi nya na ko mapapatawad, susubukan ko pa din. Alam kong hindi ganun kadaling bumalik sa kanila, pero sana naman bigyan nya ko ng chance na makilala ang anak ko. Sinundan ko sila dito dahil alam ko na birthday ngayon ng anak ko, ngunit kaninang nasa harapan ko na sila, ilang hakbang mula sakin ay para akong naubusan ng lakas na lumapit sakanila. Lalo na ng makita kong may lalaking laging nakadikit sa kanila. Eto na ba ang karma ko? Pinalitan nya na ba ko sa puso nya? Pero hindi, hindi ako susuko.. Para sa anak ko...



YANA's POV



Kinabukasan



Kasama ko ngayon si Ziey na naglalakad sa may dalampasigan. Gusto ko lang maenjoy yung moment na kami lang munang dalawa dahil alam ko after this vacation ay sasabak na ko sa trabaho. Nakaupo lang ako sa tabing dagat at pinagmamasadan ang anak ko na nageenjoy na nagtatampisaw sa tubig.



"Wag kang pupunta sa malalim anak," sigaw ko kay baby



"Yes mama, I'll be careful." sagot ni baby



Busy akong nakatutok lang ang paningin sa anak ko kaya hindi ko napansing may malaking alon na dadating ng biglang..



'Bogshhhh'



"Mamaaaaaaaaaaaaaasdfghjkl"



"Anaaaakkk!! Oh my ghad! Ziey.. Hindi ako marunong lumangoy. TULONG!!! Tulong!!!" sigaw ko na umiiyak na, maya maya pa ay may nakita akong lalaking lumusong sa dagat at sinagip ang anak ko na kasalukuyang walang malay, sumunod ako sa lalaki na patungong clinic malapit sa hotel. Medyo pamilyar sakin ang nakatalikod na lalaki pero hindi ko maisip kung sino..



Pagkapasok namin sa clinic ay agad nyang inilapag si Ziey sa higaan at pinacheck sa doctor.



"She's still breathing. Can you do a CPR? tanong nung doctor sa lalaki."



"Yes, Doc." at dali dali nyang binigyan ng hangin ang anak ko, maya maya pa'y narinig ko na syang umubo at dumilat ng mata..



"Oh my ghad. Anak, are you alright?" saad ko na humakbang papalapit sa kanya at niyakap sya.



"I'm alright mom, water please." sabi ni Ziey



Agad naman syang binigyan ng tubig ni doc. At pinainom ko sya ng tubig. Naisipan kong pasalamatan ang lalaking sumagip sa buhay ng anak ko. Ngunit paglingon ko ay biglang nanigas ang katawan ko na para akong naparalisado sa kinauupuan ko..



"Bakit naman pinabayaan mo syang magisa sa dagat alam mo namang delikado?!" galit na saad nya. Nagulat naman ako dahil sya pang may karapatang magalit. After all those years! Ngayon magpapakita sya at sisigawan lang ako?!



"How dare you?! I was watching her!! Ako pa ngayon ang pabaya?! Hah? Sino kaya satin ang nawala sa mahigit na apat na taon?! Tapos ngayon magpapakita ka sakin sa gantong paraan!!" galit din na sigaw ko



"Mr and Mrs. Hindi naman po sa pangingialam pero nakakasama ho sa bata ang nakikitang nagaaway ang kanyang mga magulang." saad ni Doc na parehong nagpatigil saamin. Bigla kong liningon si Ziey.



"Pwede ko na po ba syang iuwi Doc?" tanong ko sa doctor



"Oo, wala naman syang malalang injuries. Pagpahingahin mo na lang sya mrs."



"Salamat ho doc." pagkasabi ko nun ay agad kong kinarga si Ziey at dumeretcho na sa pinto, papuntang hotel upang makapagpahinga na si Ziey. Hindi ko na pinansin si Paolo. Galit. Oo, galit ang nararamdaman ko sakanya ngayon. Pagkatapos ng ilang taon.. Ngayon pa na nakapagdesisyon na ko. Guguluhin nya na naman ang boung sistema ko.



Pagkarating sa room namin ay agad ko syang pinunasan ng maligamgam at binihisan. Maya maya pa'y nakatulog na din sya, sa pagod din siguro. Magluluto na lang ako para sakanya ng spaghetti.



Habang nagluluto ay may kumatok sa pinto.


"Sandali." sigaw ko, at agad na hininaan ang apoy ng kalan at lumakad na papuntang pinto.



"Hi honey. We're gonna go swimming. Wanna join us?" tanong ni Karlo



"No, actually kagagaling lang namin dun ni Ziey. Kakauwi lang namin, susunod na lang ako mamaya pag kaggising ni Ziey. Pakisabi na lang kanila mama dito sila maghapunan sa room namin. Magluluto ako."



"Sure hon."



"Takecare." sagot ko, at ngumiti sya sakin sabay kindat. At naglakad na papuntang elevator.



Ng makapasok na si Karlo sa elevator ay may biglang nagsalita sa katabi naming room natatakpan ng nakabukas na pinto.



"Siya na ba ang bago mo?" sabi ng pamilyar na boses. Hindi ako sumagot bagkus ay pumasok na ko sa loob at sinara ang pinto.


--



PAOLO's POV



"Napakatanga mo!" sabi ko sa sarili ko. Ngayon pano na? Pano ko pa sya susuyuin kung mas lalo pang nadagdagan ang galit nya sakin? Lalabas na sana ako ng pinto ng makarining akong nagsasalita sa katabing room na inuukupahan ko na alam kong sa magina ko.



"Hi honey. We're gonna go swimming. Wanna join us?" tanong ng boses lalaki



"No, actually kagagaling lang namin dun ni Ziey. Kakauwi lang namin, susunod na lang ako mamaya pag kaggising ni Ziey. Pakisabi na lang kanila mama dito sila maghapunan sa room namin. Magluluto ako." sabi naman ni Yana



"Sure hon." sagot ulit nung lalaki, aba't may pa-hon hon pa tong nalalaman. Wait, what?! HON!!? May bago na sya??! Sila na kaya?! Malamang hon nga e. Bumagsak ang balikat ko sa isiping iyon. So, wala na talagang pagasa?!



"Takecare." sagot ni Yana, mayamaya pa'y nakarinig ako ng yabag papalayo, ng tumunog ang elevator pagbukas sara ay di ko napigilang magsalita.



"Siya na ba ang bago mo?" saad ko. Ngunit narinig ko na lang ang pagbagsak ng pinto pasara. Wrong move dude! Damn it.

The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon