Chapter 11: Still into you

63 4 0
                                    

A/N: Listen to the song "Still into you By Paramore"

YANA's POV

Grabe. Hindi ko talaga alam na mapapayag nya ko ng ganun ganun na lang. syempre ayoko din naman mawalan ng trabaho. Totoo naman na madami saking kumukuha bilang kanilang designer and organizer. Ilang gowns, dresses and such na ba ang successful na naila-launch ko sa magazines. Worldwide world. Pero itong trabaho ko na 'to, ditto ako nagsimula. Kaya kahit ok lang naman sakin na mawala 'to, pero parang hindi ko kaya. May sentimental value sakin ang kompanyang 'to. Oh diba? Dinaig ko pa yung mayari. Haha. Back to the drama.

Office hours ended. At para akong tigang kanina, hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Bago umuwi ay dumaan muna ako ng WcDonald para sa pasalubong kay Ziey. Pagkatapos ay dumeretso na ko sa bahay. Pagkadating ko ay saktong naghahanda na si mama ng lamesa para sa hapunan. Hinanap ko agad si Ziey at nakita ko syang nasa kwarto at naglalaro sa tablet. Ang sosyal din minsan ng batang 'to e. dinaig pa ko sa tablet. Sya lang halos gumagamit nyan e. haha.

"Hey, sweetie. Here's your request." Saad ko habang papalapit sakanya at inabot ang supot na may lamang spaghetti, fries, ice cream and chocolate. Nakita ko namang tuwang-tuwa sya kaya napangiti na lang din ako.

"Yeeyyy! Thank you mama! You're the best!" at kiniss nya naman ako

"Let's go downstairs baby, dun mo na yan kainin sa lamesa. Magbibihis lang ako sweetie." She nodded, kaya pumunta na ko sa closet ko upang magpalit ng damit. Pagkatapos ko ay bumaba na kami upang kumain.

Pagkatapos kumain ay nanood muna kami nila mama ng TV sa sala. Si ziey ay naglalaro na lang ulit sa tablet nya, katabi ko.

"Mama, Papa. Wag na po kayong maghiwalay please..." iyak ng bata sa TV, hindi ko alam ang title nito. Akmang ililipat ko na yung channel nang biglang magsalita si Ziey.

"Mama, where's my Papa?" maang tanong sakin ni baby, akala ko busy sya sa paglalaro nakikinig din pala sya. Tumingin ako kay mama at nakita ko syang nakatingin lang din sakin.. anong sasabihin ko?

"Would you like to meet your father baby?" pagtingin ko kay mama ay halatang nagulat sya sa sinabi ko, maski ako ay nagulat din sa lumabas sa bibig ko, tumingin ako kay baby at napansin ko ang kakaibang kislap sa mga mata nya.

"Yes mama, I'd love to. Can we meet him?"

"Of course sweetie. Just give me some time and I will talk to him. Alright?" ngumiti sya sakin at tumango

"Ma, I'm sleepy."

"Okay sweetie, let's go upstairs." Bago pa man kami makaakyat, Mom gave me that maguusap-tayo-mamaya- look. I just nodded and smile.

Nang makatulog na si baby ay bumaba na ko, at nadatnan ko si mama na nanunuod pa din ng TV. I sat beside her and hugged her tight.

"What's the problem darling? Did you meet Paolo?" Oo nga pala, hindi ko sakanila nabanggit yung nangyari sa laguna. Alam ko kasing magaalala lang si mama nun. Okay naman na si Ziey. Atsaka sasabihin ko sakanila na nagaway kami dahil 'pinabayaan ko daw si baby' duh. Sino kaya nagpabaya. 4years?! Tapos ngayon ang lakas nya magpakita ulit sakin, tapos.. tapos... ikakasal na sya... tapos... ako pa ang magaasikaso ng reception, entourage, gowns.. etc nila. Waaaahhhh! Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko kaya mas lalo akong napayakap kay mama.

"Ma, what if.. may asawa na pala syang iba? May pamilya na sya? Ayoko namang maging sampot si Ziey sa pamilya nya. Ayokong paasahin si baby. Anjan naman si Karlo. He can give us a whole family. Pero ma..." naiiyak na saad ko

"Shh, it's ok darling. Nasa sayo pa din ang desisyon nyan. Basta, piliin mo kung ano ang sa tingin mong tama. Alam ko na mahal na mahal mo ang anak mo. Pano kung dumating ang panahon na sya na mismo ang maghanap sa tunay nyang ama at iwan ka nya? Anak mas masasaktan ka lang nun, dahil alam mo na kahit na anung gawin mo, hahanapin at hahanapin nya pa din ang tunay nyang ama." Mahabang paliwanang ni mama. I nodded. Nahulog ako sa malalim na pagiisip sa mga sinabi ni mama.

"Go to sleep darling, wag mo na muna yan masyadong problemahin. If you need me, I'm just here. I love you dear.."

"I love you too Mom."

I went upstairs and sit at the edge of the bed.. tinignan ko ang natutulog na si Ziey at hinaplos ang kanyang pisngi. Tumulo na naman ang luha ko habang iniisip kong ano ang mga gagawin kong plano.. nasa malalim akong pagiisip ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa bedside table at tinignan kung sino ang tumatawag. Unregistered number. Hindi ko sana sasagutin kasi hindi ako sumasagot ng mga unregistered. Pero parang may nagsasabi saking sagutin ko. Sinagot ko pa din pero hindi muna ako nagsalita, inaantay ko na sya muna ang magsalita para malaman ko kung sino.

"Meet me at the Black Cofee Shop tomorrow at 4pm sharp. Let's discuss about the upcoming wedding. Are you ok by that?" pahayag nang nasa kabilang linya, kilala ko na kung sino. The way he talks with the familiar coldness in his voice. Hindi ko magawang magsalita dahil kagagaling ko lang sa iyak baka pumiyok pa ko.

"It's okay if you're busy tomorrow, we can still meet the o-" hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil may sasabihin din naman ako sakanya, at ito na siguro ang tamang panahon upang masabi ko sakanya lahat..

"No, tomorrow is fine with me. Para matapos na din agad 'to." Pagkatapos kong sabihin iyon ay pinatay ko na ang tawag, mahirap na baka mapansin nyang umiiyak ako.. isa lang ang nasa isip ko ngayon. I am really, still into him.


The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon