Chapter 6: I'm Back

110 9 1
                                    


Malapit na matapos ang November. Malapit na ring lumabas si baby, hindi na ako masyadong lumalabas ng bahay kasi malaki na ang tyan ko. Napagplanuhan ko na din kung sang hospital ako manganganak. Kumpleto na din ang mga gamit ni baby. Paglabas nya na lang talaga ang inaantay ko. Walang paglagyan ang saya ko iniisip ko pa lang na malapit na syang lumabas. Excited na ko makita sya, sino kaya samin ang magiging kamukha nya? --



NOV. 30; 11:39 PM



Naalimpungatan ako ng biglang sumakit ang tyan ko.. Nung una ay natural na sakit lang hanggang sa parang humihilab na sya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko.. Maya maya ay nawala na yung sakit, pagkalipas ng ilang minuto ay sumakit na naman. Bigla akong nakaramdam na parang naiihi ako, pumunta ko ng banyo ngunit ilang minuto na kong nakaupo sa toilet bowl ay wala naman akong nararamdamang lumalabas, pagtayo ko ay saktong may pumutok. Pagtingin ko sa mga binti ko ay may umaagos na kulay puting malagkit..



"TITAAAAA!!! Manganganak na 'ko. Pumutok na yung water bag ko.." pilit kong nilakasan ang boses ko upang marinig ni tita kasi natutulog na sila..



Maya maya pa ay bumukas na ang pintuan ng banyo at tinulungan ako ng tita maglakad palabas..



"Naihanda mo na ba yung mga gamit mo? Tatawagan ko lang ang tito mo upang maisakay ka sa mobil." pagkaupo ko ay aalis na sana si tita ngunit pinigilan ko sya.



"Ta, tawagan nyo na lang po si Doc. Llaguno. Dito na lang po ako sa bahay manganganak."



"Sigurado ka ba?" nagaalalang tanong ni tita.



"Opo tita. Andun po sa bag ko yung cellphone."



Agad naman si titang pumunta sa kinalalagyan ng bag ko upang tawagan si Doctora Llaguno.. Pinagpapawisan na ko ng malagkit, hindi ko na alam kung san nanggagaling ang sakit. Nangangatog na ang mga tuhod ko at nanghihina na ko.



"Hija, kumain ka muna. Hindi ka makakakain mamaya kapag lumabas na ang baby mo." saad ni tita na pinaghanda ako ng pagkain



"Hindi ko po kayang kumain tita, nanghihina na po ako. Tubig na lang po." dali dali namang iniabot sakin ni tita ang isang basong tubig. Maya maya pa ay nakita ko na si Doc na halatang galing pa sa tulog. Halatang nagmadali rin ito sa pag punta dito.



"Naku hija, kelangan nang makalabas ng bata matutuyo na ang lagusan mo. Kanina pa pala pumutok ang water bag mo." dali dali nya kong inihiga at hinubad at nagsuot ng gwantes. Naramdaman ko na lang na biglang sumakit ang precious thing ko dahil pinasok nya ang daliri nya upang kapain kung andyan na si baby.



"Naramdaman ko na ang ulo ni baby, sige hija. Ire,"



"Mmmmpppphhh" impit na sigaw ko sabay hingang malalim



"Wag kang huminga ng malalim! Nakakabalik si baby sa loob!" hala nagalit si Doc



"Hindi ko po alam kung pano."



"Umire ka lang, parang tumatae. Ire pa!!" sigaw ni Doc, pagkatapos ng isa pang ire ay naramdaman ko na ang paghila ni Doc kay baby. Maya maya pa ay narinig ko na ang munting boses na umalingawngaw ng iyak.



"01:57 AM. DEC. 1, Baby Girl." saad ni Doc


Gan'to pala ang pakiramdam kapag nakita mo na ang anak mo, maluha luha ako habang pinakikinggan ko ang pag iyak ng anak ko. Sulit lahat ng sakit at pagod. Lahat ng sakripisyo ko simula nung unang buwan na nasa loob sya ng tyan ko.



Pagkatapos linisan ay itinabi na ni Doc si baby sakin. Pinilit ko talagang wag matulog upang makita ko si baby for the very first time. Tinititigan ko sya sa mukha ng maramdam kong gumalaw sya papalapit sakin habang ang mukha nya ay umiiling iling na parang may hinahanap. Kamukha nya si Paolo. Nakakainis naman, yung gender lang talaga ang nakuha nya sakin. Halos lahat kay Paolo nya nakuha. Habang bini-breast feed ay di ko namalayang nakatulog na pala ko. Sa unang pagkakataon, sa tabi ng anak ko. --



"Anak, may nabili na akong bahay sa Novaliches. Pwede na kayong lumipat dun." sabi ni mama. Kasalukuyan kaming naguusap ngayon thru skype. Nasa saudi pa din sya, 1 taon pa lang. 5 months na ngayon si baby. Ang bilis ng panahon no? Parang kanina lang kakapanganak ko lang. :3



"Talaga ma? Kelan kami lilipat?" excited na tanong ko kay mama



"Ikaw bahala. Maayos naman na daw yun sabi ng Kuya Chris mo. Sya kasi ang tumingin nun at sya rin ang personal na nakipagdeal sa dating may ari.



"Sige ma, next month. Magreready lang po kami ni Baby."



"Kamusta na nga pala ang apo kong maganda? na mana sa lola."



"Wala ngang nakuha sayo ma e," biro ko kay mama



"Sayo din wala." sagot din nya na pareho kaming natawa --



KASALUKUYAN kaming nasa sasakyan paluwas ng Maynila. Parang kelan lang umalis ako dito, nasa sinapupunan ko pa si Baby ngayon kasama ko na syang bumyahe. Mabuti na lang sanay bumyahe si baby.



Pagkalipas ng labing dalawang oras na byahe ay narating na namin ang Cubao. Tinext ko na ang kapatid ko upang masundo kami at maihatid sa Novaliches kung saan nandoon ang bahay na binili ni Mama.



TO: Kuya Chris



Kuya andito na po kami sa terminal.


--


Pagkatapos ng ilang minutong pagaantay ay nakita ko na si Kuya na papalapit samin.



"Kuya!! Namiss kita!!" sigaw ko sabay yakap kay kuya.



"Di kita namiss." saad naman ni kuya. Kahit kelan talaga panira ng mood mga kapatid ko, yung panganay lang yung hindi. Pano ba naman pito na anak nun, mangaasar pa ba yun? Hahaha



"Dun muna kayo dumeretcho sa bahay para naman makita mo rin yung pamangkin mo't makapaglaro ang magpinsan."



"Sige kuya."



Mamaya pa'y nasa Kamuning na ulit kami, sa dati naming bahay. Ayoko na rin kasi makisiksik dito lalo na't may pamilya na din si kuya.



Pagkatapos ng ilang oras na pahinga ay napagpasyahan kong mamasyal muna sa dati kong mga pinupuntahan dito sa lugar namin dati. Matagal tagal din kaming tumira dito ni mama.



Dala-dala ko si Baby ng maisipan kung sa Mall na lang magpunta.. Nagikot ikot lang kami at kumain sa palagi naming kinakainan noon ni Paolo. Hahanapin ko ba sya ngayong nandito na ko ulit sa Maynila? Ano kaya magiging reaksyon nya kapag nakita nya si baby? Kamusta na kaya sya. Nakakalungkot isiping hindi nya man lang ako tinawagan sa paglipas ng isang taon mahigit.



Sa pagbabalik tanaw ko ay bigla akong tumingin sa lamesa di kalayuan sa inuukupahan namin. Nakita ko ang isang pamilyar na bulto ng lalaki. Naramdaman nya sigurong may tumitingin sa kanya kaya napalingon sya. Nakita ko syang napangiti ng makilala nya ako, maya maya pa ay nakita ko na syang naglalakad patungo sa amin ni Baby.


----



A/N: Dedicated to @Kalading <3 Hi float!! Mwahahahaha ngayon lang ulit nakapag-UD. Busy-busyhan e. Mwehehex :3 sorry po. Enjoy reading guys! Sino hula nyo? Si Paolo na ba yung guy? Comment pls. Thank youuuu!! :*

The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon