Chapter 10: His Plan

68 3 0
                                    


Paolo's Pov

I didn't mean to blackmail her. Ayoko lang na tanggihan nya 'to. This is important. Ayoko naming iba ang gumawa nito. Dahil alam ko na magaling sya. Gusto ko na sya ang magdesign at magorganize para sa espesyal na araw na ito. Alam kong magaling sya kaya may tiwala ako sakanya. Pagkatapos naming magusap ay dumeretso ako sa mall para bisitahin ang pinaggawan ko ng invitation's and give aways. Hands on ako dito dahil ako ang nagasikaso nang kung sino ang mga iimbitahin at dito ko na din napagpasyahan magpaggawa ng mga give aways. Inuna ko na 'tong mga bagay na to, kesa sa mga seminars and such. Dahil wala pa naman ang bride ko. Pagkatapos ng mga inasikaso ko ay napagpasyahan kong tawagan si Wilmer upang sabihin sakanya ang mga plano ko, actually wala pang mga nakakalam nito kahit na parents ko. Bumalik na ako sakanila. Nung una, nasapak muna ako ni Dad, dahil din syempre sa kagagawan ko. Pero at the end of the day ay napatawad na din naman nila ako. Naexplain ko naman sakanila ng maayos kung bakit ko nagawa yun. Nagulat pa nga sila nung sinabi kong buntis nun si Yana, well pati din naman ako nagulat dahil akala ko sasabihin nya kanila mama ang kalagayan nya. Kaya pala hindi ako sinubukang hanapin nila mama. Nung sinabi ko nga na may anak na kami, gusto na agad nilang ipahanap sila Yana pero pinigilan ko sila. Ayoko naming mabigla sila, lalo na ang anak ko. 4 years akong nawala, sa apat na taon. Kahit isang saglit hindi sila naalis sa isipan ko. At ngayon na nahanap ko na sila, wala na akong planong pakawalan pa sila.

Pero ngayon na ganun na lang ang galit sakin ni Yana, hindi ko alam kung mapapatawad nya pa ba ko. Wala na bang pagasa? Sinara nya na ba talaga ang puso nya sakin? Geez man! Ano bang pinagiisip mo? Ang drama e. syempre ikaw pa ba ang susuko? Kaya mo yan! Oo, para na akong tanga ditto kinakausap ang sarili ko ng magisa. Napabalik ako sa kasalukuyan ng maramdaman ang pagtapik sa balikat ko.

"Zup, man. Musta?" si Wilmer. Nakarating na pala sya, hindi ko man lang napansin

"I've got to tell you something bro. I'm getting married." Shock was written all over his face

"Bullshit dude! To whom?" sabi na e, ganyan magiging expression nyan. Galit yan, dahil sa ginawa kong pagiwan kay Yana sa harap ng altar

"Just help me with this bro." at kinwento ko na sakanya ang mga plano ko, nakita ko naming sumangayon sya kaya wala ng problema. Sunod ay kanila mama ko naman sasabihin para makapagawa na ng mga papeles dahil alam kong may kilalang judge si Dad.

After a long and tiring day ay naisipan ko ng magpahinga. Pero kahit na anong gawin ko ay hindi ako mapakali, nagpabaling baling ako sa higaan. Ipinikit ko ang mga mata ko at iminulat ulit. Kinuha ko ang iphone ko sa bedside table at tiningnan ang litrato ng magina ko, no wonder kamukha ko talaga ang anak ko. Sino bang magaakala na kahit wala ako nang nagbubuntis si Yana, ako pa din ang naging kamukha ng anak ko. Hindi ko tuloy alam kong anong pakiramdam na nakita mo for the very first time ang anak mo, hindi ko din na experience magpalit ng diaper. Hindi ko narinig kung pano sya umiyak ng baby pa.

I dialed Yana's contact number. After a few rings ay sinagot nya na ito. Ngunit hindi sya nagsasalita kaya inunahan ko na sya.

"Meet me at the Black Cofee Shop tomorrow at 4pm sharp. Let's discuss about the upcoming wedding. Are you ok by that?" pahayag ko, ngunit makalipas ang ilang minute ay nanatiling tahimik ang kabilang linya.

"It's okay if you're busy tomorrow, we can still meet the other tim-" natigil ako sa pagsasalita ng magsalita sya

"No, tomorrow is fine with me. Para matapos na din agad 'to." Pagkatapos nyang sabihin iyon ay pinatay nya na ang tawag

Magdamag kong pinagplanuhan ang mga gagawin ko, sana lang gumana. Sana...

o5<


The Runaway GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon