Chapter 11: Feelings

158 6 4
                                    

[Kennie's POV]

4 Months had passed... miss na miss ko na si Keshia, kumusta na kaya siya? kahit ngayon, wala parin akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Pumunta ako sa garden at umupo sa bench. Dumating si Jensen at umupo sa tabi ko. "Kumusta na school mo?" tanong ko kanya. "Okay naman kuya, ikaw... kumusta na ang puso mo?" natigilan ako sa tanong ni Jensen. Kumusta na nga pala tong puso kong nasasaktan pero wala namang ginawa para mawala? "Alam mo kuya, kahit hindi mo pa sabihin sa akin, alam ko naman ang nararamdaman mo ngayon eh" - Jensen

Napatingin ako kay Jensen "Patawad Jensen, patawad dahil hindi ko kayo naprotektahan ni Mama, patawad dahil hindi ako naging mabuting kuya sayo..." Ngumiti si Jensen sa akin "wala naman yun sa amin ni mama eh, sa totoo nga, mas iniisip pa nga namin ang nararamdaman mo ngayon eh, bakit di mo nalang sabihin ang nararamdaman mo sa kanya kuya?" - Jensen

Huh? Sabihin? hindi naman madaling sabihin ang nararamdaman mo sa isang taong hindi ka naman mahal, kundi ay itinuturing lang na kaibigan... "Mahirap na Jensen, papano kung may iba na siya doon? eh di mas masakit yun. dahil alam mong hindi na magiging sayo ang mahal mo" 

"Sa palagay mo? hindi ba mas masakit ang nasa ganyang sitwasyon, na yung itinatago mo lang sa puso mo ang nararamdaman mo? wag ka sanang maging katulad ko kuya, na nagsisi lang sa huli dahil hindi ko masabi-sabi sa babaeng mahal ko ang tunay kong nararamdaman? wag mo sanang pag-aksayahan ang mga panahong may pagkakataon ka pa" - Jensen

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, nalilito na ako sa kung anong dapat kong gawin. Bigla nalang kaming naalarma sa tawag ni Manang Jolie sa amin. "Sir Kennie! Sir Jensen! Ang mama niyo..." - Manang "Bakit manang? Anong nangyare?" - Jensen Dali-dali kaming nagpunta ni Jensen sa kwarto ni Mama, at hindi na ako makapagsalita sa nakita ko...

Lumuhod nalang ako at umiyak. "Sorry Mama, Sorry..."


[Jarred's POV]

Keshia's a nice girl, pretty, honest and well... cute. I know she's better. She's never like Karen and will never be like Karen.

Flashback

"Happy Monthsary Babe." I texted Karen, gustong gusto ko na siyang makita ngayon, I missed her so much... Alam kong busy siya sa acting career niya, but I want to see her and hug her now. Papunta ako ngayon sa condo niya, I know she's free ngayon, wala siyang lakad and I'm sure she's alone... Exited talaga akong mabigay sa kanya tong flowers and chocolates, I now she loves my gifts. May spare key naman ako sa condo niya kaya ay masusurprice ko siya. And as I opened the door, I saw Karen in her bed with another guy...

End of Flashback

Yeah I know that really hurts, and it hurts when the person you trully love is the one who is cheating on you. Pagkatapos ng araw na yun, binalak ko pa gna mag suicide, pero hindi ako hinayaan ni mommy na dun nalang magtatapos ang buhay ko. Paglabas ko sa kwarto, may assistant na na naghihintay sa akin sa hallway. "Good Morning Mr. Jarred, are you ready for your first day sa competition?" - Richie 

"I'm always ready Richie" 


[Keshia's POV] 

*Knock *Knock

"Ms. Keshia? Ms. Keshia?" Arggg... ANo ba yan? ang ingay? Natutulog pa gan yung tao! "Ms. Keshia, you are already 10 minutes late sa roll call! kailangan mo na pumunta sa training area para sa first activitiy niyo!" - Mitch 

Oh no! Bumangon ao sa higaan at nagmadali nang naligo. SHAKS! Kailangan ko pa pala magsuklay, nako! nasaan na yung shampoo? Ahhh!!! ano ba to?! Anong gagawin ko? Late na ako!!! Pagkatapos ko magbihis, lumabas na ako kaagad sa room dala dala ang aking heels.

"Ms. Keshia, hindi po runway ang pupuntahan niyo, kung di ay military training!" - Mitch 

O_O Patay! kailangan ko magbihis ulit? Argggg! Nung ready na ako nagmadali na kami ng assistant kong si Mitch sa paglalakad sa hallway. "Bakit ba kasi? para saan yang military training na yan?" 

"Nako Ms. Keshia, hindi mo pa po ba nabasa yung handbook na ibinigay ko sa inyo? Ang military training ang first activity niyo para sa finals, kasi sa finals, gagawa kayo ng action movie, at e cri-criticize kayo ng mga judges, kung papasa ba kayo sa action na genre" - Mitch

"Ay, ganun ba yun? may ibang genre pa ba?"  "Meron pa po, drama genre, horror genre, comedy genre at ang last genre ay romance genre" Nako! Napalunok ako sa romance genre, hindi ko ata yun magagawa "Kailangan ba talaga gawin yun lahat?" 

"Opo Ms. Keshia, TV show po kasi ito, kaya kailangan magawa mo ang ipinapagawa sayo ng mga jurees. Season 1 pa ngayon so action genre pa ang gagawin niyo, and sa prelim at midterm, lahat ng military training gagawin niyo, dahil sa finals ang movie making." - Mitch

"Ay ano ba yan? grabe naman pala tong KNA&A" ang naging sagot ko habang papalabas kami sa hotel para sumakay ng limousine.

* * *

Sumakay na kami sa Limousine at 15 min after, nakarating na kami sa workshop center ng KNA&A. Before pa ako makapunta sa line, may sinabi si Mitch sa akin. "Isa lang ang dapat mong gawin Ms. Keshia, dapat hindi ka matangal..." - Mitch 

Tumatak sa isip ko ang sinabi ni Mitch. Dapat hindi ako matangal sa competition na ito. Nakita ko si Jarred at ang iba ko pang competitors sa field. "Ms. Keshia! You're 45 minutes late! Minus 10 points, you only have 40 points left, kailangan niyo ng 80/100 points para maka proceed sa Season 2" - Coach Erik

Narinig kong nag groan ang mga ibang competitors at nagbigay ng masamang titig sa akin. "Sorry po coach" hay... :3 nakakahiya! ako lang yung late! arrg! "I'ts okay Keshia, you still have 40 points! I Know you can pass!" ang sabi sa akin ni Jarred sabay wink. Jarred just smiled at me! Ano bayan, yung mga babae dito, panay ang tilian! O_o

"Oh one thing... I don't want any of you 30 contestants to do your own business while I am talking, minus 5 points Mr. Jarred" - Coach 

Nako! Kasalanan ko kung bakit minus 5 points si Jarred! Coach? Pwede ba ibigay mo nalang ang 5 points ko kay Jarred? para 50 points parin siya? yan tuloy 45 nalang :/ reply ko sa kanya in a whisper.


[Karen's POV]

Look at him.. He's gotten so handsome! I remembered the days nung kami pa, I was so happy with him. I thought everuthing's perfect, not until nangyare yung sa amin ni Julian, kasalanan ko yun, I know I have hurt his feelings, and so gumagawa ako ng paraan to win him back. "Ms. Keshia you're 45 minutes late! -10 points, you only have 40 points left, kailangan niyo ng 80/100 points pra makapasa sa prelim or else hindi na kayo makakaproceed sa Season 2!" - Coach

That girl! she's hooking up with my Jarred this past few days! Kaingan siya mawala sa show nato! dapat siyang ma eliminate! "Sorry po coach" - Keshia 

Yeah right! you better be sorry! "It's okay Keshia! you sitll have 40 points! I Know you can pass!" - Jarred 

Jarred... he never talked to me like that... "Oh one thing... I don't want any of you 30 contestants to do your own business while I am talking, minus 5 points Mr. Jarred" - Coach Look what that girl did to Jarred? Magbabayad ka babae ka! kung mawawala si Jarred dito ng dahil sayo! makakatikim ka talaga sa akin!

I will surely make your life miserable!


Living with Lights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon