Chapter 3: Roommates

143 8 0
  • Dedicated kay all people reading LVWL
                                    

[Keshia's POV]

Inikot ko na halos ang buong airport, pero di ko parin sila nakita.

"Asan na ba kayo guys!" Umupo nalang ako sa waiting area at saktong nakita ko si Jane na paparating. "Jane!"  ang tawag ko sa kanya sabay wave. "Oh Keshia!" lumapit siya sa akin, at umupo narin sa tabi ko. "Jane, nasan na ba sila? Akala ko ba kailangan early, eh bakit ba tayo lang ata ang nandito?" 

"Sabi nila, sabay daw silang pupunta dito, nag bus daw sila para maka mura." wika ni Jane.

Tumawa lang ako "At talagang nag hire pa sila ng bus para lang makarating dito ng sabay ah? Ba't di nila tayo sinabihan?" Ngumiti nalang si Jane at nag shrug. Pagdating nila, napansin kong parang nag-eenjoy talaga sila, pero nainis ako nang nakita ko si Kennie na masayang kausap sina Eve, Janice, Kelly at May.

"Hmmf, pa show off talaga!" ang bulong ko sa sarili ko.

Nang nakita niya ako, iniwan niya sila Eve, at lumapit sa akin "Oh, kanina ka pa pala dito?" tanong ni Kennie.

CHE! wala ako sa mood para pansinin ka! Siguro sinadya mo talagang hindi ako isama sa inyo sa bus para ma solo mo mga chicks mo! PWES! Hindi talaga kita papansinin hanggang makarating tayo sa malaysia, Kennie! 

***

Habang nasa flight, hinanap ko kung saan nakaupo si Kennie at dumagdag ang pagkainis ko nang nakita kong si Kathrin ang katabi niya. Hindi ko talaga na enjoy ang flight lalong lalo na kung ang katabi ko ay si Ryan. Lahat nalang ng pagkain ko hinihingi niya. Saka ang lakas humilik kung tulog.

After a few hours, nakarating narin kami sa Kuala Lumpur Malaysia. At sa wakas, ay malayo narin kay Ryan. "Okay class, dahil complete kayo, babasahin ko na kung sino ang roommates niyo, kailangan niyo makinig, dahil I will only read once." sabi ni Prof.

So si Ninna pala ang roommate ko. Tinignan ko si Ninna. Parang hindi naman ata nakikinig tong babaeng to? Alam kaya niya kung ako ang roommate niya? "Sir Pwede po bang e repeat?" tanong ni Ninna "Di ba kasasabi ko lang na I WILL ONLY READ ONCE?!" Yickes, galit na si prof. Ninna kasi di nakikinig.

Wala nalang sinabi si Ninna. Lumapit bigla si Christian sa akin sabay "Hey Keshie!"

"May Kailangan ka noh?" napagrin siya sa tanong ko. Sabi ko na nga eh, pag Keshie ang tawag niya sa akin, lumalambing tong unggoy na to.

"Bakit? Ano bang kailangan mo?" ang tanong ko sa kanya "Pwede bang exchange roommate tayo?" sabi niya sabay puppydog eyes. Yuck! "Eh, sino ba ang roommate mo?" tanong ko.

"Si Andy." Hmm... Si Andy,  well okay din lang naman. Bahala na kung roommate ko pa ang ex boyfriend ko, ang challenging naman!

"Okay lang" ang mabilis kong reply sa kanya. "Yes! Thanks Keshie!" Ni hug ako ni Christian tapos ay nagmamadali na pumunta sa room na supposed to be ay room ko. This Kuala Lumpur Malaysia Tour is gonna be exciting!

[Kennie's POV]

Bad trip. Whole day na akong hindi pinapansin ni Keshia. Ano na naman ba ang maling ginawa ko? Mas lalong bad trip dahil roommate ko pa si Ryan. Pag minamalas nga naman. Ni focus ko ang tingin kay Keshia, at nakita ko na parang comfortable siyang kausap si Christian.

GRR! Itong Christian na to, may nalalaman pang pa hug-hug kay Keshia. Kung pwede ko lang suntukin to ngayon eh. Nagsipasok na kami sa room namin, ako naman, dumaan muna ako sa coffee shop para mag order ng sweet brew coffee. 

Gusto ko muna magtake ng time para sa sarili ko, lalung-lalo na't hindi ko gusto ang roommate ko. After drinking coffee, nagpunta na ako sa room at pumasok. 

Pagpasok ko...

Aba ang bilis namang magkalat nitong si Ryan at ang dumi na ng kwarto "Hoy Kennie, kain muna tayo." tawag pa niya sa akin habang naka higa sa kama at punong puno ng junkfood ang baba niya. "Uhm sige, kumain kalang diyan." ang gross naman ng taong to, parang parating untidy. 

Iniwan ko ang baggage ko sa room at nagpasya na maglakad-lakad habang gising pa si Ryan, saka na ako matutulog pag sure na akong tulog na si Ryan. Baka kasi di ako makatulog dahil sa ingay ng baba niya habang kumakain. Dumaan mun ako sa room nila Jimmy at Kurt. pagpasok ko, amoy ko na ang smoke galing sa cigarrette at napilitan tuloy akong mag cough.

*cough *cough *cough

"Oh bro, nandito ka pala. Halika sali ka!" bati sa akin ni Kurt. So nag paparty pala tong dalawang tong sa kwarto nila, ang mga smokers at ang mga alcoholic. Tsk tsk tsk. Bad influence to, ayaw ni Keshia ng mga ganito. "Sige, dumaan lang naman ako eh, gotta go. Enjoy niyo lang yan bro." Nagmadali na akong umalis.  Dahil para kasing na susuffocate na ako sa mga smoke na nalalanghap ko. Grabe talaga tong mga taong to, ang pro na talaga pagdating sa smoking at drinking.

For sure malayo ang mararating ng mga taong to. Kumusta na kaya si Keshia, ano ba ang kinaaabalahan niya ngayon?

***

[Keshia's POV]

Pumasok ako sa room hawak hawak ang iPhone ko sa kanang kamay at hinihila ang baggage sa kaliwa. Nasa sofa si Andy, naka boxer shorts lang, and as usuall, may kausap na girl. Nung nakita niya ako, hindi siya makapaniwala at ni hung up niya ang phone niya.

"Ikaw ang roommate ko? Akala ko..." 

"Akala mo si Christian? Tama, si Christian nga sana ang roommate mo, pero may favor siyang hiningi sa akin kaya naman heto ako ngayon, ka roommate MO!" sabay turo ko sa kanya. 

"Whoa! Easy lang Kesh." awat ni Andy sa akin "Alam mo, I'm so glad you're my roommate."  Talaga lang ha? I crossed my arms and tinaasan ko siya ng kilay. "Aalis muna ako" ang sabi ko sabay pikit mata. "Talaga Kesh?!" Aba at parang mas masaya kapa na aalis ako ah!

"CHE!" 

Iniwan ko ang mga gamit ko sa loob at bunuksan ko ang door nang,

"Kennie?! Anong ginagawa mo dito?" 

"Keshia?! Anong ginagawa mo dito?" 

Ang sabay naming tanong sa isat-isa.

Living with Lights (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon