CHAPTER 4. If my heart was a house...

25 1 0
                                    

Nagpunta kami ni HP sa Luneta after the Mass. Naglakad-lakad muna, ta's naglakad-lakad ulit, hanggang sa lumakad na lang kami ng lumakad! Ang boring talaga! Halos wala nga kaming imikan eh, puro lakad lang!  

Sabi niya kasi, hinihintay niya pa 'yung mall hours kaya dito raw muna kami magpalipas ng oras. Fuchsia naman o! Pati pasensya ko eh lilipas na rin 'ata! Konting kembot na lang talaga, sasabog na 'ko! Kainis!  

Saktong 10:30 AM kami umalis sa Luneta para magpunta na sa mall. Susmaryosep! 'Kala ko talaga eh forevah tengga na lang kami sa pook na 'yun. Anyways, buti't naisipan ni HP na magyayang kumain sa kainang may malaking M. At buti talaga, nilibre niya 'ko! Bwahaha! Gutom na 'ko eh. Kasalanan niya kaya 'yun noh! 'Di ko nga halos nakain 'yung atay-balunan sa bahay. Paktay na naman 'yun kay tsong! Oh my ulam! Huhuhu T.T  

"So, Charlize, what's your favorite color?" tanong agad sa'kin ni HP pagkaupo niya.  

Eto na nga, kinakain ko na ang masarap kong almusal. Mehehe!  

"Uhm..navy blue."  

"How 'bout flowers?"  

"Siguro, ano..Baby's Breath."  

"Ain't that those tiny, white flowers?"  

"Oo."  

"So cute! Eh, fave food?"  

"Food? Hmm..," teka, may bright idea ako. "Atay at balun-balunan! Tsaka lahat ng laman-loob ng baboy, baka, manok. Pati dinuguan!"  

Yesss! Gusto kong masuka ka sa mga pinagsasasabi ko, ginoo! Mwahahahaha!!!  

"T-talaga?"  

"Yep! Bakit? Yummy nga eh," uuy, nauutal si koya! Susuka na 'yan!  

"Eh pareho pala tayo ng favorite eh! Alam mo bang nung high school ako, nakita ako minsan nina Justin na inuulam 'yung pwet ng manok! Diring-diri talaga sila no'n! Grabe! Nakakasuka nga raw 'yung favorite foods ko eh. Akala ko talaga, ako lang ang may paborito ng mga ganun. Haha! Ikaw din pala! Ang galing naman!"  

ANO?! Pareho kami ng favorite foods? Hindi pala siya maselan? Waaah!!! Akala ko pa naman eh Mr. Prim-and-Proper siya. Sira ang plano ko, bwisit!  

"Ahehe..ano..matagal na ba kayong magkakasama nina Justin?"  

"Yeah. We've been friends since pre-school."  

"Edi bestfriends kayong apat?"  

"Hindi."  

"Huh? Hindi? Bakit?"  

"Corny kaya magka-bestfriend."  

"Hindi naman ah!"  

"Corny kaya. Basta, parang weirdo."  

Neh? Whatever! Baliktad yata ang utak nito eh!  

"Onga pala, pa'no mo nalaman 'yung bahay namin?"  

"Ah..eh..sinundan kita kahapon."  

"Ha? Sinundan?!" yari! Ini-stalk pa ata 'ko!  

"Oo eh. Nahihiya kasi akong magtanong sa'yo. Tsaka 'di na rin ako nakahanap ng chance na makausap ka kahapon kasi may klase na."  

"Ah. Ok."  

.  

.  

.  

.  

.  

.  

Kasalukuyan kaming naglalakad-lakad (NA NAMAN) ni HP sa mall. Ang nakakainis lang, sa bawat madaanan naming boutique eh lagi siyang magtatanong kung gusto ko ba 'yung naka-display du'n, blah blah whatsoever! Haller! Wala naman kaya akong pambili! Tsaka ano 'yun, lahat-lahat ba eh aking nais? Edi sana binili ko na 'tong buong mall kara-karaka noh!  

MY LOVE STORY WRITTEN ON GOD'S NOTEBOOKWhere stories live. Discover now