CHAPTER 5. Afterwards...

34 1 0
                                    

"O, ba't ang aga mo? 'Di ba sabi ko kay Harvey eh gabi ka na iuwi? Hirap sumunod sa panuto?!"  

'Yan ang eksaktong bungad sa'kin ng minamahal kong tiyuhin nang makitang niya 'kong nanunuod ng TV sa may sala. Galing siya sa may likod-bahay kaya 'di niya napansin nung makauwi ako kanina.  

"Nasaan na si Harvey? Pinauwi mo agad? Ni hindi mo man lang pinameryenda. Sabagay, wala ka rin namang ihahain. O, kamusta'ng date?"  

"Toti naman, how many times should I tell you na it's not a date?!"  

"Hoy, ang conyo mo, boy! Akala mo naman eh magmumukha kang elitista sa pag-i-Ingles mo? Peeling ka ha!"  

Nako namaaan! Si Toti talaga, o!  

"Iniskoran ka ba?"  

"Neknek niya! Ako, Lizzie Maldonado, magpapa-score sa isang nerdy boy? Asa, dude!"  

"Mahina! Tsk tsk! 'Di marunong gumawa ng da moves si loko. BOO!"  

"Sa'n ho pala kayo galing, sa session?"  

"Saglit lang naman eh."  

"Iniwan n'yong bukas 'yung talyer para lang makipag-tong-its. Kamusta naman ho 'yun, 'di ba?!"  

Nga pala, FYI..ang aming tahanan, kung 'di n'yo maitatanong, eh half-home at half-talyer. Sa harapang ng bahay 'yung talyer. O, ayan, 'wag n'yo na ngang itanong.  

"Oy, 'wag mo 'kong sermunan, Doña Maria. Seynge topic ka ah! Teka, disaster 'yung date n'yo, ano?"  

"Hindi naman ho."  

"Eh ba't maaga kayong umuwi?"  

"Maaga pa po ba 'yung ala-una ng hapon?"  

"Oo! Syemperds, maliwanag pa!"  

"Ayun. Pwede n'yo nang palitan si Pilosopo Tasio."  

"Ayoko nga. Gurang na 'yun eh."  

"Look who's talking!"  

"Papalag pa?"  

"Hindi na nga ho eh."  

Tatayo na sana ako mula sa sofa nang marinig kong magsalita ulit si Toti.  

"Ayos lang sa'kin si Harvey. 'Wag kang mag-alala, hindi uso sa'tin 'yung 'strict ang parents ko' drama anthology. Kung mahal mo na, sige lang. Basta 'wag ka lang uuwi rito na may luha't uhog sa mukha kasi 'pag nangyari 'yon..sa palagay ko talaga eh makakapatay ako. Nagkakaintindihan ba tayo, Lizzie?"  

HUWAT?! Toti, is that you?  

Paglingon ko kay Toti, pasarang pinto na lang ang nakita ko. Lumabas na siya sa talyer.  

Know what I realized?  

Oo, binata ang tito ko.  

Choice niya 'yun.  

Mas gusto niyang protektahan ako hanggang sa huling hininga niya kesa magpakasal sa isang babaeng hindi naman niya masisigurong tatratuhin ng mabuti ang pamangkin niya 'pag nakatalikod na siya.  

Ako kasi ang lovelife ng tito ko. Masaya na siya sa pag-aalaga ng pamangkin, ganun.  

Ito talaga siguro ang tadhana niya, ang nakasulat sa love book niya.  

- - - - - - - - - -  

"Charlize, ano'ng nangyari?"  

"Ayos lang ba kasama si HP?"  

"Hindi ka ba nailang?"  

"Ano'ng ginawa n'yo?"  

"Sa'n ka niya dinala?"  

MY LOVE STORY WRITTEN ON GOD'S NOTEBOOKWhere stories live. Discover now