CHAPTER 2. To be or not to be...

42 1 0
                                    

"Edi makipag-date ka."  

"TOTI!!!" Ay walanjo, napa-chorus tuloy ang triplets!  

We are currently at my place to discuss the latest chika ever. Kanina kasi, bago kami umalis sa resto, kitang-kita ng apat na mga mata nina Lotis at Lenlen ang pagkausap sa'kin ni HP. Yeah, right. HP. Tss!  

Engkaso, hindi ko siya nasagot agad kasi SOBRANG SHOCKED PO AKO. Kahit hanggang ngayon nga eh nasa state of shock pa 'ko. Ayun, sabi ni HP pag-isipan ko raw muna, bale tingnan ko raw ang sched ko to decide whether or not I'm available this Sunday.  

Kaso, today's Friday kaya I'm so friggin' sure na he badly needs my answer tomorrow. Oh boy! Eh parang hindi naman tumatanggap ng negative answer 'yung mokong na 'yun eh T___T  

"Toti naman! Hindi naman po kasi 'yun date!!!"  

Si Toti pala 'yung panganay na kapatid nina Mama na umampon sa'kin. Binaligtad ko lang 'yung 'tito' kaya naging 'toti'. Mekaniko si Toti kaya 'wag magtaka kung ba't mukha siyang si Super Mario na laging naka-jumper. Wahaha! In fairness, tropa kami nito ni Toti. As in kabatak!  

"Ako pa'ng niloko mo? 'Kala mo sa'kin, 'di ko alam 'yang mga style na ganyan? Hah! Ako pa!"  

"Kaya pala single ka pa sa edad mong 52 eh," tinawanan naming tatlo si Toti. Eh totoo naman ah!  

"Oy, Charlize! Bastusan? Kelangang sine-segway 'yung edad-edad? Eh kung iitsa kaya kita sa Pasipiko?!"  

Aruy, lalong humagalpak 'yung dalawang lukaret! Tsk!  

"C'mon, Lizzie! Tell us na kasi why the hell did HP asked you out! Jeez! Of all people ha, ikaw pa!" -Len  

"Ano bang meron du'n sa HP 'yun at parang diring-diri 'tong si kumag ha?"  

"Eh kasi po Toti, nerd po kasi si HP. Ta's mayabang pa po, sobra! 'Kala mo kung sino!" -Lot  

"O, 'yun naman pala eh! De sabihin mong busy ka! Tayna, naturingan kang nasa section A ta's 'yan lang eh hindi mo pa malusutan?!"  

Aw, walastik namang tiyuhin 'to! Palibhasa 'di kilala si HP eh! Ka-bad trip talaga! -_-  

"Maiwan ko nga muna kayong tatlo't me pasyente pa 'ko sa labas. Hehe!"  

"Bye, Doc Toti," duet na naman nung dalawa!  

"O, Lizzie, watcha gonna do now?"  

"Ewan ko, Len. Waley pakey. Haaay..eh kung ikaw na lang Lotis 'yung sumama sa mongoloid na 'yun?"  

"Ang kay Pedro ay kay Pedro. At ang kay Charlize ay kay Charlize! Ba't mo 'ko ipo-proxy, aber?"  

"I agree! Ikaw 'yung niyaya ah! And as if naman he won't know na it's Lotis noh! He knows you well, ateng."  

"Wow, salamat ha! Ipagkanulo n'yo pa 'ko!"  

"Pero seryoso na, Liz," si Lotis. "Meron ka na lang 18 hrs. para pag-isipan ang isasagot mo kay HP. Is it a deal or no deal?"  

"Malalaman natin 'yan sa pagbabalik ng ating programa," nanlulumo kong sagot. Umub-ob na lang ako sa may lamesa. Haaay.  

- - - - - - - - - -  

At dahil mahal na mahal ako ng mga kakambal ko, binalewala lang nila ang pagyaya ko ng sleepover dito sa bahay. Shete talaga! Ayaw nila 'kong damayan! Huhuhu!  

Kaya eto 'ko ngayon, nakahiga sa kama ko habang nilalamas 'tong stress ball na 'to na wala namang tinatanggal na stress sa katawan ko. Parang ayaw pang mag-sink in sa utak ko nung mga sinabi sa'kin kanina ni HP.  

MY LOVE STORY WRITTEN ON GOD'S NOTEBOOKWhere stories live. Discover now