CHAPTER 8. The ugly duckling who turned into a hunky swan...

23 1 0
                                    

Bakit ba parang feeling ko, nakatingin lang ako sa kawalan?  

Hindi 'yan. Conscious akong may teacher sa unahan, eh. Conscious ako.  

Okay, Charlize..  

..so, sino'ng niloloko mo? Sarili mo?  

Haaaaaay.  

Bigla akong napatingin sa kabilang side ng classroom. Napatitig ako sa..(sigh)..sa boyfriend ko.  

Hindi eh. Hindi talaga uubra eh. Pa'nong naging si HP 'yung lalakeng 'yun? Ang labo, eh. ANG LAYO.  

Si HP, geek. Nerd. May makapal na salamin. Sobrang dull ng buhok. Pa-kuba 'yung balikat. Walang sense of style. May malaking populasyon ng pimples sa mukha. In short, WALEY.  

Samantalang 'tong lalakeng boyfriend ko, sooobrang gwapo. Walang salamin. 'Yung hairstyle eh 'yung tipong basta lang ginulo, 'yung mukhang gwapo tingnan. Hunky. Straight body. May abs..sana? Hehe. Makinis pa. In short, HAVEY.  

Super laki ng pinagkaiba nila! Kaya pa'nong in just a snap eh nag-transform agad-agad si HP into a papable guy? PAANO?!  

Charlize.  

Charlize.  

"Maria Charlize Sy Maldonado!!!"  

"AY PUK--" oops! Don't! Bad! "--bwisit! Argh! Bakit ba? Ganado kayo ah! So, talagang kelangang sigawan ako sa magkabilang tenga?! Bad trip naman, o!"  

"Ang hirap kasi sa'yo, crush, nakatitig ka sa boyfriend mo. Dismissed na ho tayo, o."  

"Pwede ba, Yeonivan? Wala akong panahong makinig sa kahit anong joke ngayon, ok?!"  

"Di naman ako nagjo-joke ah. Sungit!"  

"B-babe? Ahm..uuwi ka na ba?"  

Napalingon ako bigla nu'ng narinig ko 'yun.  

Babe. What a word.  

Parang bigla akong nanlambot.  

"Ah sige, Liz! Una na kaming tatlo! Bye!"  

"H-ha? Uy, Len! Teka la--"  

"Usap kayo, kelangan n'yo 'yan," bulong sa'kin ni Ivan. "Oy, Porter! Ibibilin namin sa'yo si Charlize. 'Pag ito eh hindi nakauwi ng buong-buo, yari ka sa'kin. And I mean it. Are we clear?!"  

"Crystal." -HP  

"Great. Just great. Tss. Bye, Lizzie!"  

Ba't ganu'n? May mali sa aura ni Ivan. Parang sobrang seryoso? Ah ewan.  

Pagkaalis nina Lotis, unti-unti na ring naubos 'yung mga tao sa room hanggang sa kami na lang dalawa ni HP ang naiwan.  

"Charlize? A-ang tahimik mo naman..galit ka ba sa'kin? I..I'm sorry."  

"Kung magpapaliwanag ka, umpisahan mo na."  

"H-ha?"  

"Magkwento ka. Handa akong makinig, HP."  

Nagsimula nang magkwento si HP tungkol sa pagbabago niya, tungkol sa lahat.  

"Sinubukan ko lang naman eh. Pagkauwi ko galing sa mall nung lumabas tayo, bigla ko na lang naisip na baguhin 'yung sarili ko. M-manliligaw sana kasi ako k-kaya ano..gusto ko sanang magmukhang presentable sa'yo. Sinabi ko 'yun kina Justin nung gumabi. Um-absent kami nung Monday kasi tinulungan nila 'kong ayusin ang sarili ko para raw sa kinabukasan eh ibang HP na agad ang makita mo. Ayun, minadali namin lahat. Salon, derma, shopping..lahat..para lang malamang may long weekend pala tayo hanggang kahapon," then he smirked sadly. "Nakakalungkot, parang epic fail 'yung pagmamadali namin, parang gusto ko na lang mapag-isa."  

Oooh..I guess that explains why we saw him alone sa pizza parlor.  

"Pero 'yung kagabi, 'di ko talaga inaasahan 'yun. Ang plano ko talaga eh sumaglit lang sa may tapat ng bahay n'yo. Nakita nga 'ko ni Uncle Jack nu'n eh. Kaso hindi niya siguro ako nakilala kaya deadma lang siya."  

Eh? Ibig sabihin, ako 'yung 'somebody' na binisita niya?  

"Ta's nakita kong lumabas ka. Wala, sinundan lang kita kasi baka mapahamak ka. Kaso..ewan ko ba kung anong katangahan ang dumapo sa'kin at nilapitan kita du'n sa bakanteng lote."  

Sa bakanteng lote. Kagabi. Ahh..oo..ang simula ng lahat ng ito.  

"Believe me, hindi ko na talaga alam 'yung mga pinagsasabi ko sa'yo kagabi."  

Ah..pareho lang tayo, HP.  

"Nung nakahanap ako ng tiyempo, umalis na 'ko agad. Hindi totoong may emergency, natauhan na lang talaga 'kong mali na 'yung ginagawa ko. I'm really sorry, Charlize. 'Di ako nakatupad sa sinabi kong hindi muna kita liligawan"  

T-teka..bakit..sh*! Ba't ganito ang pakiramdam ko?! Ba't parang ayaw kong nagso-sorry siya? Nakakainis! Ba't ganu'n, parang wala naman siyang dapat ipag-sorry? Ano 'to???  

"Pwede mo 'kong sampalin, bugbugin, or just do anything that will make you feel better. This is all my fault. I'm..oh jeez, I might so sound annoying pero I still want to apologize, Charlize. Sorry talaga. P-pwede na nating itigil 'tong..k-kung ano mang meron tayo ngayon. I'm..so sorry."  

C'mon, Lizzie! Do as he says! Do anything that will make you feel better! Feel free raw sabi niya! Do..  

..sh* ka talaga, Charlize. Kaya hindi magkasundo ang konsensiya't katawang-lupa mo eh kasi pasaway ka..  

..yumakap ka pa.  

Ok, wala na 'kong sinabi! You're feeling better na nakayakap kay HP? Fine! JUST SO FINE.  

Bahala ka na, Maria Charlize. Malaki ka na. Tss.  

MY LOVE STORY WRITTEN ON GOD'S NOTEBOOKWhere stories live. Discover now