CHAPTER 6. I do...

37 1 0
                                    

Haaay! Ang sarap ng buhay nang walang pasok! Yebah!  

May general faculty meeting kasi ngayong Tuesday kaya walang pasok sa university. Ta's bukas, History lang talaga'ng subject namin, kaso may national chorvanes na pupuntahan 'yung prof namin kaya no class din.  

Sa Thursday naman, birthday ni University President, at ibinalato niya sa buong school ang araw na 'yun kaya wala ulit pasok. Friday, Battle of the Accountants sa aming sintang kolehiyo, eh nagkataong adviser-slash-coach si Mrs. Drazona, edi tagpas 'yung 3-hour major namin no'n!  

Tapos sa Saturday, magpa-panel daw si Ms. Windsor sa thesis defense sa college nila, ta's si Mr. Ruiz na prof namin sa Business Management eh injured daw dahil sa golf kaya hindi kami imi-meet (teka, me nai-injure ba do'n? Ah, baka natamaan ng golf club niya. Shunga naman!).  

Woohoo! Kung papalarin ka nga naman! Thanks, Lord! Ang saya-saya! ONE-WEEK WEEKEND!!!  

"Oy, ba't pasayaw-sayaw ka? Para kang buang. Maglaba ka na!"  

Ayoooon..panira ng moment si Toti. -___-  

"Bukas na lang po, please? Nagyaya kasi sina Lenlen gumala eh. Don't worry, Toti, libre 'to. 'Di n'yo na ko kelangang bigyan ng kwarta, okie? Gusto n'yo ng pasalubong?"  

"Gusto mong lumamon ng grasa?"  

"Naman? Sige na, Toti, spare me that! Promise, maglalaba po 'ko ng super dami bukas."  

"Anong oras kayo maglalakwatsa?"  

"Alas-tres po."  

"Anong oras na?"  

"Nine."  

"See da diprens? May anim na oras ka pa para maglaba. Hindi pa ba kasya 'yon eh iilang piraso lang 'yon?! Hala, kilos na!"  

"Grabe ka naman, Toti. Ibang level na ho 'yang pang-aalipusta n'yo sa'kin ah."  

"Aping-api ka na ba? Ayos lang 'yan, at least may malinis akong damit. Dali't maglaba ka na! 'Di ka mabigla, ah!"  

"Oho! Eto na nga po eh, nanginginig pa."  

Well, ito na nga ang masaklap sa alipin, sunud-sunuran din 'pag may time!  

Kinuha ko na 'yung mga labahin nami't dumiretso sa likod-bahay para maglaba. Tss!  

"Hus..aapat na pares lang naman, lalabhan na kaagad!"  

"Aapat na pares na nga lang eh ayaw mo pang labhan!"  

"AY BUTIKING BUKAKA!!! Ay, Toti naman! Ang gulat ko sa inyo! Ba't ba kayo nandito?!"  

"Naninigurado lang akong maglalaba ka. Pabulong-bulong ka pa! Sapakin kita d'yan eh! Ayusin mo 'yan ha!"  

"Oho! Areglado, boss!" pagkasabi ko nu'n eh umalis na si Toti.  

Kusot-kusot.  

Kusot-kusot.  

Banlaw-banlaw.  

Banlaw-banlaw.  

Actually, sisiw na sisiw lang naman talaga sa'kin ang maglaba eh. 'Ta n'yo, after 45 mins. eh nakasampay na'ng mga nilabhan ko! Expert ako eh! Ako pa! Bwahaha!  

"Tapos ka na agad??? Ano'ng laba ang ginawa mo?!"  

"Uy! Hi, Toti, nand'yan ka na pala. Ah ito? Labang-expert!"  

"Tayna, eh baka me sabon-sabon pa 'yan ah!"  

"Aw, come on! Tatlong banlaw, Toti. Tatlo ho."  

MY LOVE STORY WRITTEN ON GOD'S NOTEBOOKWhere stories live. Discover now