CHAPTER 10. Meet the family...

18 1 0
                                    

"Babe, pwede ka ba bukas?"  

Magkasama kami ngayon ni HP na kumakain ng lunch sa ilalim ng mango tree sa may school quadrangle. Dito na kami kumakaing dalawa every Saturdays, ito lang naman kasi ang tanging araw sa sched namin na hindi kami half-day eh. Bale last class na namin 'yung 1:00-4:00 PM na Ethics.  

Sina Lotis naman, sa cafeteria kumakain. Ayaw raw kasi nilang maging panira ng moment. Sus!  

"Bakit?"  

"Kasi gusto ka raw ma-meet nina Mama."  

Meet the parents? Why not?  

"Itatanong ko muna kay Toti."  

"Ipinagpaalam na kita kay Uncle Jack. Ok lang daw, sabi niya."  

"Ha?! Agad-agad?"  

"Siyempre, sa kanya muna 'ko dapat magpaalam, 'di ba?"  

Sabagay, may point nga naman siya du'n, noh?  

"O! Eh ganyang napagkaisahan n'yo na 'ko eh ano pa ba'ng magagawa ko?"  

"Tumanggi. Pwede mo pang gawin 'yun, 'di ba?"  

"Ah..so ganyan? Pilosopohan, HP?! Eh kung ibuhos ko kaya sa'yo 'tong sabaw ng nilaga, ha?"  

"Uy, mainit 'yan! Sorry na! Eh, ano nga? Pwede ka ba?"  

"Ok lang."  

"Anong ok lang?"  

"Slowpoke, teh? Oo nga, pupunta na 'ko sa inyo bukas!"  

"Ah, ganu'n ba. Aah..babe?"  

"Ano na naman?"  

"Ba't ba lagi mo 'kong tine-teh? Mukha na ba 'kong bakla?"  

Bwahahaha!!! Loko-lokong HP 'to ah! Sobrang sensitive?  

"Hindi. Sige na, hindi na kita gaganunin. Expression lang naman kasi 'yun eh!"  

"Kahit na. Para kasing nakakabawas ng pagkalalake eh."  

ROTFL ;D hahaha! Nabawasan ng pagkalalake? Bwahaha! Ang drama! Hahaha! Talk like a folk!  

"Susunduin na lang kita bukas ha? Dinner."  

"Sige lang."  

"Mga 6 PM, babe?"  

"Sige lang."  

"Tamang-tama kasi kung bukas mo sila imi-meet. May send-off party kasi sa bahay."  

"Sino'ng aalis?"  

"Sina Daddy, uuwi na sa U.S."  

"Maiiwan kang mag-isa?"  

"Hindi ah. Kasama ko si Mama rito."  

"Eh sino'ng kasama ng Daddy mo, kapatid mo? May kapatid ka pala? Akala ko eh unico hijo ka?"  

"Oo nga! Wala 'kong kapatid. Alam mo, babe, para sure eh sumama ka na lang sa bahay bukas."  

"Anong para sure?"  

"Hay nako, babe. Ang dami mong tanong."  

"Eh sa hindi ko nga ma-gets! Ungas ka ba? Kaya nga 'ko nagtatanong, 'di ba?!"  

"Bukas, mage-gets mo na rin 'yan. Kain ka na lang muna ngayon, ok?"  

"Ewan ko sa'yo!"  

- - - - - - - - - -  

"LIZZIE!!! BAKA GUSTO MONG BILISAN DIYAN!?! NANDITO NA SI HP!!!"  

Wow naman! Makasigaw naman si Toti! Grabe, quarter to six pa lang, ah! Sabagay, ayos na rin.  

MY LOVE STORY WRITTEN ON GOD'S NOTEBOOKWhere stories live. Discover now