CHAPTER 3. Weirdness everywhere...

33 1 0
                                    

Sunday, 5:15 AM  

Whoa....ang aga ko namang magising?! Weh? Automatic akong nagising ng gan'tong oras? As in gising na gising! Weird.  

Ay onga pala, sabi sa'kin ng mga gaga kong kakambal eh tuloy daw kami ni HP ngayon? Seryoso? Grabe, um-oo talaga 'ko? Weh?! Parang hindi naman? Eh ba't wala namang sinabing time and place si HP? Achuchuy! Loko talaga 'yung dalawang 'yun ah!  

Engkaso, ba't parang kinakabahan ako ngayon ha? C'mon pips! Tell me why! 'Di akes 100% panatag eh..tsk tsk..makapag-Lactum nga. Hay buhay! Parang life.  

Pagbaba ko sa may dining area, nakita ko si Toti, lumalafang na. Nga pala, 6 AM siya nagbubukas ng talyer niya eh kaya early bird siya. Liligo pa 'yan ta's magdudumi rin 'pag nasa talyer na. Ay nako, sayang lang ang tubig kay Toti.  

"O, ang aga mong gumising? 'Di ba alas-otso ka pa sisimba? Hindi ka pa tatanggapin sa simbahan ng first mass."  

"Grabe ka naman, Toti! Eh ikaw nga eh hindi sumisimba!"  

"Sus! Alam na ni Lord 'yun."  

"Onga ho, A-Lister na nga kayo sa Kanya eh. Ano ba 'yan..uuy! Wow ah! Atay-balunan! Naks, pakain din!"  

"Oy! Akin lang 'to!"  

"Damot n'yo naman! Sana alam n'yong paborito ko 'yan, 'di ba, bago n'yo niluto?"  

"Eh eto una kong nakita sa pridge eh!"  

"Wah! Sosyal! Fridge ha? Napulot n'yo na naman 'yan kay Lenlen noh?"  

"Bakit, wala 'kong karapatang magsabi ng pridge? Yabang mo ah! 'Wag kang kumain."  

"Kayo naman, Toti, 'di na mabiro. 'Wag gano'n! Dadami'ng wrinkles n'yo niyan. Sige ka, 'di na kayo magugustuhan ni Aling Sabel!"  

"Wag mo nga mabanggit-banggit 'yang pangalang 'yan! Kaderder!"  

"Hala! Bakit, 'di n'yo na siya labs?"  

"Di na! Break na kami kahapon, at AKO ang nakipag-break! Dow menshoner!"  

"Ano ho? Baka 'don't mention her'?"  

"Ganun din 'yon. Walang basagan ng trip."  

"Sabi n'yo eh. Teka, naging kayo pala? Ba't 'di ko ho alam? Tsaka sana eh kumalat na 'yon dito sa lugar natin."  

"Syemperds, patago lang! Sabi ko sa kanya, gusto ko ng fraybeyt relasonship."  

"Eyng? Sows..kung tarayan nga kayo nu'n eh wagas! Naman? Umamin na kasi, binasted kayo noh? BWAHAHAHA!!!"  

"Di ah! Me lahing pakipot lang talaga 'yong si Sabel! Tsaka pwede ba, 'di ba ayoko nga siyang pag-usapan?! Seynge topic!"  

"Ahaha!!! Basted! Aray, Toti! Tagos sa puso't baga 'yan! Sakit!"  

"Manahimik! Sabi ngang break na kami! D'yan ka na nga! Ligo na me! Bwisit!"  

Ahahahaha! Pikon talaga 'yong si Toti kahit kelan! Ta's ang galing-galing mang-asar. Hahaha! Bawi na 'ko sa kanya ngayon!  

 (ding-dong!...ding-dong!)

Huh? Aga-aga me nagdo-doorbell sa labas? Agang customer naman no'n?  

"LIZ! BUKSAN MO NGA 'YUNG GATE! BAKA SI ESTONG NA 'YAN! SABIHIN MO SAGLIT LANG!"  

Hehe..nage-echo 'yung boses ni Toti.  

Dumiretso ako sa may gate para pagbuksan 'yung kung sinumang bumitin sa pagkain ko ng favorite ko. Hiyang-hiya naman ako du'n o! Bad vibes! Tapos...  

MY LOVE STORY WRITTEN ON GOD'S NOTEBOOKWhere stories live. Discover now