CHAPTER 7. My boyfriend...

29 1 0
                                    

Pagkauwing-pagkauwi ko, nakipag-confe agad ako sa mga kakambal ko. Kinuwento ko sa kanila 'yung nangyari sa'kin kanina sa may bakanteng lote. Hulaan n'yo kung anong sinabi nila sa'kin afterwards?  

"ANG TANGA-TANGA MO NAMAN, LIZZIE!!!"  

"Aray!!! Ano ba?! Kelangan bang parehong-pareho kayo ng sasabihin ha? Peste, ang sakit kaya sa tenga!!!"  

"Eh isa't kalahating lukaret ka kasi! Kundangan namang mag-I do sa isang stranger, kung 'di ka ba naman tungi!"  

"Eh Lotis, unconscious naman talaga 'ko nung sinabi ko 'yun eh. Alam ko talaga, iniisip ko lang 'yun!"  

"Unconscious your face, Lizzie! Naka-shabu ka ba? Grabe, ang harot mo, inday! Pati si kuyang estranghero eh hindi mo pinatawad!"  

"Korak! Hands down na talaga kami ni Lenlen sa'yo, Liz! Record-breaker 'yang kakirihan mo."  

Huhuhu T____T Ba't naman gan'to 'yung mga kakambal ko?  

"Uy, 'wag naman kayong ganyan, o. Sising-sisi na nga 'ko sa mga sinabi ko kanina eh!"  

"Kulang pa 'yan, Liz. Mangumpisal ka."  

"Magpabasbas ka na rin."  

"Tsaka magpausok ka ng insenso't kamanyang."  

"Ta's magpalahid ka ng santo olyo."  

"Ba't may santo olyo? Ano 'ko, me sakit?!"  

"Oo, sa utak! Wala na ngang remedyo d'yan eh."  

"Lenlen naman eh."  

"Ewan ko sa'yo, Liz. Sari-saring gulo na 'yang pinapasok mo. Sana makalabas ka pa. Sige na, goodnight, siztahs!"  

"Goodnight, Liz! Kitakits na lang sa school bukas! Goodnight, Lenlen!"  

"K. Night," nanlulumo kong sabi.  

End call.  

Oo nga naman, Charlize..ano ba kasing gulo 'tong pinasok mo ha???  

- - - - - - - - - -  

Kinabukasan, inaasar-asar ako nina Lotis at Lenlen sa classroom. Ok! Sige na! Ako na nga 'yung shunga!  

"Good morning, people! O, crush! Ba't para kang namatayan?"  

"Yo, 'Van." -ME  

"Da't nga eh ikaw 'yung mas magmukhang namatayan kasi wala ka nang pag-asa kay Lizzie. May boyfriend na siya!"  

"Alam mo, Lotis, kung wa--ANO?! May boyfriend ka na, crush?!"  

"Ulitin pa, Yeonivan." -Len  

"Sino? 'Yun bang nerdy boy na 'yon, ha?"  

"Nope," sabay na sabi nina Lotis at Lenlen. Lagi na lang silang duet ah!  

"Eyng? Kung 'di si HP, sino?"  

"Ewan ko."  

"Ewan mo? Huh? Pwede ba 'yun?"  

"Eh sa hindi nga alam ni Lizzie 'yung pangalan ng boyfriend niya eh." -Lot  

"Ha?! Pa'no naman mangyayari 'yun? Joker ka, Lotis?"  

"Hindi siya nagjo-joke, 'Van. Haaay..ganito kasi 'yun..."  

Kinuwento ko rin kay Ivan 'yung nangyari sa'kin kagabi sa may bakanteng lote. Ayun, inasar lang din ako nang inasar ni Mang Yeonivan, binatukan pa nga 'ko eh! Bwisit!  

"Hay, ano ba 'yan! Akala ko pa naman eh ako 'yung magiging first boyfriend mo. Tsk tsk! Ang weak mo naman, crush, hindi mo nahintay na ligawan kita."  

MY LOVE STORY WRITTEN ON GOD'S NOTEBOOKWhere stories live. Discover now