CHAPTER 9. New kid in town...

20 1 0
                                    

Phew! Time does fly so fast. Akalain mo 'yun, the week after last lang eh first semester pa! Aba, kita mo nga nama't second sem na ngayon! Nakakatuwa naman, wala pang non-BSA sa barkada namin. Rock on!  

"Babe, ang aga mo yata?"  

'Yon ang bati sa'kin ng boyfriend ko pagkarating niya. Opo, boyfriend ko pa rin si HP. Ewan ko nga kung ba't 'di ako nakipag-break eh. Landi, noh? Wala nang ligawan.  

Tss..'di ko na talaga maintindihan ang sarili ko ngayon. Eh..basta! Naiinis ako! Asar na asar ako kaya lang eh me feeling ako na..'yun bang ayokong makuha ng iba si HP. Gets?!  

Psh! 'Wag na nga! 'Di n'yo rin ako mage-gets! Ako nga mismo, 'di ko ma-gets 'tong sarili ko eh. Tsk! Pero, uy, 'di pa 'ko totally in love kay HP ha! Siguro..mmm..super konti pa lang?  

"Nasobrahan lang ako sa excitement?"  

"Patanong talaga? Sa susunod kasi, 'wag nang excited ha? Pagdating ko kaya sa inyo kanina eh sinabi ni Uncle Jack na nakaalis ka na raw. 'Di tuloy tayo nagkasabay sa pagpasok."  

Onga pala, nakita na ni Toti 'yung brand new HP. Ayun, hindi makapaniwala ang matanda. Bwahaha!  

Halos everyday eh nasa bahay si HP nung sem break. Magkachokaran lagi sila ni Toti, konting kwento, konting alak, those things. Eh alam n'yo namang wais 'yon si Toti kaya bet na bet no'ng laging nasa bahay si HP. Bah, libreng alak at pulutan din 'yon sa kanya!  

"Wala pa 'yung mga kakambal mo?"  

"Hindi, nandito na. Eto sa bulsa ko, o. HELLO! Obvious ba? Wala kang nakita, 'di ba? Edi baka wala pa!"  

"Sorry naman, babe! Para nagtanong lang eh. Ang sungit mo naman. PMS?"  

"Wala pa uy. Neknek mo."  

Tumawa si HP. "Di ka na mabiro! Patabi na nga lang," sabi niya sabay upo sa bakanteng silya sa kanan ko.  

Ayun, kung ano-ano na 'yung mga pinag-usapan namin. 'Di nga kami maubusan ng kwento kahit mas madalas ko na siyang nakita nung sem break kesa kina Lenlen. 'Di nga namin namalayan na dumarami na ang mga tao sa classroom eh.  

"Ah, kaya naman pala nagka-ant hill na rito sa room eh. Edi kayo na'ng sweet!"  

"Good morning, Charlene!" duet pa kami ni HP.  

"Asus! Kung 'di pa 'ko nagsalita eh hindi n'yo pa 'ko mapapansin. Sige, ganyanan na ah!"  

Ta's biglang bumukas 'yung pinto at napansin naming tatlo na...  

"O, himala! Ba't magkasabay kayong dalawa ngayon?" -ME  

"Huh? Sa may pintuan lang naman kaya kami nagkasabay ni Lotis!"  

"Uuuy! Denial! C'mon, pwede naman kayong umamin sa'min eh."  

"Hoy, Maria Charlene! Hindi ko gusto 'yang takbo ng utak mo, ha. Mandiri ka nga! Sabi ngang sa may pintuan lang kami nagkasabay nitong Ivantot-mabantot na 'to eh!"  

"Eh ba't defensive, aber?!"  

"Oh c'mon, Liz. Ako pa'ng defensive?! Tch! Get a load o' that! Bye the way, hi there, handsome!"  

"Hehe! Good morning, Charlotte!"  

"Hmm..balita ko eh marami raw ang nawala sa'tin ah. Lagot tayo, nasa 1A ta's maraming nag-non-BSA." -HP  

"Oh, how I wish na magkaro'n tayo ng bagong classmate, 'yung kasing papable ni HP!" -Len  

"Di pa ba kayo nakuntento sa'kin?" -Ivan  

"WOW! Grabe, guys, ramdam n'yo ba? Ang hangin, noh?! Sobra! Ang kapal at ang hangin!"  

"Ano 'yon, Lotis?! Pakiulit nga?"  

MY LOVE STORY WRITTEN ON GOD'S NOTEBOOKWhere stories live. Discover now