CHAPTER 12. Game over...(ENTRY 12.1 - Boss Battle)

19 1 0
                                    

"Pa'no ba 'yan? We won! Sagot n'yo na ang baon namin ni Ivan bukas ha!"  

"Ang weak n'yo naman! Tatlo na kayo pero ni isang panalo eh wala kayong nagawa!"  

"Ang yabang mo! Leshe ka! Madaya, larong panlalake kasi 'tong chess eh!"  

"Oy, kulotski, hindi kaya! Leshe ka rin! Talo lang kayo eh. Bitter! Oy, baon namin ni Dylan ha, matinong deal 'yun."  

"Oo na! Quit it, guys. Let's eat na! Si Lotis pa naman ang nagluto ng Adobo. Yum-yum!"  

May sleepover kami ngayon kina Lenlen dahil may tinatapos kaming research paper. Before Christmas break daw eh dapat naipasa na namin 'to. Since December na at may 2 weeks na lang kami bago mag-deadline, eto, inaayos na namin 'tong requirement na 'to.  

By four ang groupings, kaya lang eh may isang group na magkakaro'n ng five members kasi 29 kami sa klase. We've decided to be that group, at isinama ni Ivan si Dylan sa'min.  

Ayun, ka-tropa na namin si Dylan. Instant best friend nga sila ni Ivan eh! Kaso, hindi ako sumasama sa kanila 'pag kasama ko si HP, galit nga siya kay Dylan, devah? Alam n'yo naman 'yun, mataas ang PRIDE chicken! Tss.  

Pero na-hurt ako sa sinabi sa'kin dati ni Ivan na mas gusto pa raw niyang kasama namin si Dylan kesa kay HP. Well, konting hurt lang talaga ha? Promise. Super konti lang. Hehehe.  

Habang nagkakainan kami, napansin kong panay ang tawanan namin. Puro asaran, ang sarap ng kwentuhan! Buti na lang, solo namin 'tong mansyon ni Tita Araceli. She's on a business trip kasi. Ta's 'yung mga katulong naman eh sabay-sabay na pinag-day off ngayon ni Lenlen para raw masaya!  

"Liz."  

Paglingon ko kay Dylan nu'ng tinawag niya 'ko, nagulat ako kasi..ano..hinawakan niya 'yun labi ko!  

"Dylan..."  

"Ang amos mo naman kumain, Liz."  

'Yun naman kasi..assuming ka kasi, Maria Charlize! May ketchup ka lang naman kasi sa bibig! Dumi ng utak ah. May boyfriend ka, remember?  

"Alam mo, Liz, bagay pala kayo ni Dylan? Kung dati pa siguro natin siyang naging classmate, baka kayo pa 'yung naging couple," puna ni Lotis.  

"Weh? Eh kami nga ni Lizzie ang mas bagay. Kita mo, hindi naman naging kami!"  

"Kausap ka, del Sol?!"  

"Bakit, bawal magsalita? Batas ka? Kapal mo, ah."  

"Hey, you two! Hanggang dito ba naman ha? Tsaka ba't ba kayo ganyan? Lizzie's got HP na kaya! I thought we're all ok with it?" -Len  

"Ayos naman sa'kin si Papa HP eh! Napansin ko lang naman na bagay rin pala sina Lizzie't Dylan."

"Eh magkamukha lang naman kayo ni Liz, Lotis. So, bagay rin tayo?" hirit ni Dylan sabay tawa.  

"Ay nako, Papa Dylan! 'Wag ka ngang ganyan! Enebe! Kinikilig ako," at tumawa rin si Lotis.  

"PWE!!! Ano ba 'to? Adobo ba talaga 'to? Lasang malandi! Nagmana siguro sa nagluto!"  

"Hoy, Yeonivan del Sol! Bastusing bata ka talaga kahit kelan! 'Wag kang mag-alala, sinadya kong maglasang ganyan 'yang sa'yo! Bwisit ka! HAH!!! Sinaid ko talaga d'yan lahat ng poot ko! Maimpatso ka sana!"  

"Oist! Tumigil na nga kayong dalawa! Malala na 'yang away n'yo ha! Tama na! Lagi namang magkasama eh lagi nang nag-away. Timangers kayo ah!"  

"Eh pangit naman talaga'ng lasa nito, Liz, eh."  

"Humirit pa nga si Ivan!" -Dylan  

At tumawa na lang kami nang tumawa du'n sa dalawang 'yun! Mga baliw na talaga. Minsan nga eh nagdududa na 'kong inlababo na sa isa't isa sina Ivan at Lotis eh. Wadya think, eh?  

MY LOVE STORY WRITTEN ON GOD'S NOTEBOOKWhere stories live. Discover now