Chapter 1

136 26 24
                                    

Chapter 1

Akala nila swerte ako dahil bestfriend ko lang naman ang lalaking pinakasikat at pinakagwapo sa buong campus. Pero syempre ay akala lang nila yun.

Ang lalaki pa namang iyon eh napakabastos ng bibig, manyak, baliw, adik, gago, babaero saka siraulo. Ay sorry! Nasabi ko na yata ang mga good qualities niya agad agad.

"I"m hungry... kain tayo, Becs." Anyaya niya sabay hikab.

Kakatapos lang ng huling klase at nagugutom na naman siya. Anak ng tinapa naman oh! Siya na naman magyaya tapos ako ang pagbabayarin ng pagkain niya. Tss!

"Yoko. Bahala ka diyan. Papagastusin mo lang ako." Sabi ko at tumayo.

Niligpit ko ang mga gamit ko at ready to go home na. Kaya lang, may tukmol pa pala sa istorya. Hinila niya yung braso ko.

"Uy teka!"

"Ano ba, Rodge! Muntik na akong matumba!" Sabi ko ng muntik nang tumumba sa pwesto niya.

"Sasaluhin naman kita." Aniya at kumindat.

"Eww! Langya! Mahiya ka nga sa balat mo! Kadiri yang pinagsasasabi mo, ha." Umirap ako.

Tumawa siya at sinamahan na ako sa labas. Nakabuntot siya sa akin dahil aso siya.

"Suplada mo talaga kahit kailan. Kaya gusto kita eh..." ngumisi pa ang loko.

Umirap ako. Mukha mo uy!

"Ikaw rin gusto kita... gusto kitang ilunod sa lintek na poso negro sa labas ng school kapag di ka tumahimik diyan!" Sigaw ko at humagalpak siya ng tawa.

Napailing na lang ako at sumakay na lang sa kotse niya. Eto ang hirap kapag hindi ka mayaman, eh. Nakikisabay lang sa kotse ng mayayaman.

Oo, tama kayo ng narinig. Akala niyo siguro ay mayaman ako, ano? Hindi. Si Rodge ang mayaman, obvious naman. At ako? Ayun, nakikisama sa kanya para kunwari mayaman din.

Pero joke lang yun. I didn't befriend him just to make myself feel I'm as rich as him. Dahil never mangyayari iyon. At isa pa, hindi ako ang nakipagkaibigan sa kanya. Siya ang unang lumapit at nagpapakilala and then boom. Friends na!

Wala namang kaso sa kanya ang mahirap o mayaman na kaibigan. Ang gusto niya lang daw ay yung nasa tabi niya palagi sa hirap man o ginwaha. Ay! Ano daw?

Okay, nevermind.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya nang mag red ang light.

"Sa karinderya. Para sure na mura lang ang babayaran kung sakaling hindi ka magbabayad." Sabi ko at tinignan siya.

Napangiwi siya pero agad ding ngumisi.

"Libre ko naman, Becca."

"Ay hindi... ayokong sa labas kumain. Sa inyo na lang tayo." Suhestiyon ko.

Tinignan ko ang magiging reaksyon niya. Nakataas ang kilay niya sa akin at bahagyang nakanguso. Sa pagkakataong ito ay maide-describe ko ng maayos at klaro ang mukha niya.

Gwapo. Okay, yun lang description. Baka kapag kasi inisa isa ko pa eh imagine-in niyo at hanapin sa buong Maynila eh! Pero sige dagdag na rin: medyo singkit, matangos ang ilong, mapula ang labi, mahabang pilikmata, nakahulmang kilay, saka yun lang.

"WENDYYYY!" Tawag ko sa batang kapatid ni Rodge.

"ATE BECCAAA!" Tawag niya rin at nagyakapan kami.

Grabe! Ang cute cute talaga ng batang ito! Manang mana sa ate Becca niya.

Tumikhim si Rodge sa gilid ko. Naghiwalay kami at tinignan siya. Parehong tumaas ang kilay. Naks! Sabay talaga kami ah?

"Araw araw kayong nagkikita pero kung magyakapan kayo akala mo isa sa inyo na magkapatid ang nawala ng napakatagal na panahon, ah?"

"Kuya naman! You're so harsh to Ate Becca. Mamaya ipagpalit ka niya sa iba sige ka!" Sabi ni Wendy sabay ngiti ng nakakaloko.

Kumunot naman ang noo ko at nakitang nagbago ang ekspresyon ni Rodge. Mukhang nabadtrip yata sa sinabi ni Wendy? Ay hindi siguro. Baka siguro iniisip niya na baka bigla ko siyang layuan.

Kaya para gumaan ang atmosphere...

"AHAHA WENDY ANO KA BA? Syempre di ko ipagpapalit yang kuya mong siraulo sa iba pang mas siraulo ano! Diba, Rodge? Siraulo ka diba, Rodge?" Ngising ngisi pa ako habang sinasabi iyon.

Walang nagawa si Rodge kundi tumango habang masama ang tingin sa akin. Tumalikod siya at nakipag high five naman ako kay Wendy na nakangiti.

"Gusto ka talaga niya ate! Kita mo, kahit napipilitan lang eh ginawa niya para sayo!" Sabi niya.

"Hay, Wendy. Gutom lang 'yan. Tara dun tayo sa kusina niyo." Anyaya ko.

Tumango siya. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at hinawakan niya ang kamay ko.

Eight years old pa lang si Wendy pero matured na kung mag-isip. Hindi ko nga alam kung saan nagmana ito eh. Sa Dad niya kaya o sa Mom? Si Rodge kasi, walang pinagmanahan. Siya lang ang may sirang pag-iisip sa pamilya nila. Pero joke lang yun.

"Pizza! Pizza!" Pumalakpak siya ng makita ang malaking box ng pizza sa hapag.

"Oh! Oh! Ano kala mo, sayo yan? Hindi uy!" Sabi sa kanya ni Rodge.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tama ba namang patulan ang bata?

"Ateeee! Si Kuya, oh." Sumbong sa akin ni Wendy.

Pinagtaasan ako ng kilay ni Rodge. Tumaas din ang kilay ko.

"Bakit ang sama mo makatingin?!" Sigaw niya sakin.

"Eh bakit ang sama ng mukha mo?!" Sigaw ko pabalik.

"Eh put--" bago niya pa matuloy ang mura niya ay sumigaw na ako ng napakalakas.

"PAHINGI KAMING PIZZA HA?"

Talagang sa mukha niya ko siya sinigawan at siniguradong tumatalsik pa ang laway ko. Hinila ko si Wendy para kumuha ng plato at ng pizza.

Nakabusangot ang mukha ni Rodge ng lagpasan namin siya para pumunta sa kwarto ni Wendy. Humahagikgik siya sa tabi ko habang dala ang sariling pizza.

"Ayos ba?" Ngumisi ako.

"Ayos na ayos ate!" Sabay high five namin ulit at umakyat na ng hagdan.

Seducing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon