Chapter 4
"Ayos ka lang? Kanina ka pa tulaley ah." Puna sa akin ni Joana.
Bumuntong hininga ako. Three days passed. Hindi ko pa rin pinapansin si Rodge dahil sa ginawa niya.
I know that was an accident pero kahit na! Alam niyang ako 'yun! Alam niyang hindi ako basta bastang pumapayag na magpapahalik kahit kanino! Kahit siya pa!
Pero nakakainis lang eh. Kahit na bestfriend ko siya at nag sorry na siya, hindi ko agad makakalimutan iyon. That was my first kiss. At nakareserba yun sa unang magiging boyfriend ko.
"Oh my god, she looks like a creep!" Ani ng isang kunwari'y kaibigan ko na nakikisama sa table namin.
Her name's Blue. Bagay sa mata niyang kulay asul. Transferee, maganda pero maarte at malandi. Ang hard ko ba? Hindi, nagsasabi lang ako ng katotohanan.
"Pakisara 'yang bibig mo kung ayaw mong masapak ng wala sa time." Umirap ako.
Ngumuso siya. "Ba't ang harsh mo sakin? I'm being friendly here!" Aniya.
Tumaas ang kilay ko at humalakhak. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko.
"Harsh ako kasi masyado kang FC. Friendly? O baka pakialamera? Pero don't worry, kaibigan ka naman na namin. 'Wag sasama ang loob ha?"
"Wala na. Nagtataray na. Hindi na lutang si bestfriend!" Tumawa si Joana. "Uy, nga pala. Akala ko ba tutulungan mo ako kay Rodge?"
"War kami ngayon. Kaya sorry ka na lang. Sa susunod na lang okay?"
"Ha? Bakit naman? Naku! Napapansin ko nambabae na naman siya." Napasimangot si Joana.
Nagkibit balikat ako. Hindi ko masyadong napupuna ang ginagawa ni Rodge dahil nga inis ako sa kanya.
"Sinong Rodge? Gwapo ba?" Kumislap pa ang matang asul ni Blue.
Parehong masama ang tingin namin ni Joana sa kanya. Alam ko na ang balak nitong babaeng 'to. Huwag lang siyang magkakamali na pati siya ay patulan si Rodge dahil talagang makakasabunot na ako ng hibang na babae. Joana is enough. With Blue is too much.
"You don't know him? God! Si Rodgerion! Kaklase natin hindi mo kilala? Tss." Umirap si Joana sa kanya.
"Ah! Oo. I know him na. Crush mo siya? Mukhang babaero. Daming babaeng kasama kanina nung nakita ko sa hallway." Tila napapaisip niyang sabi.
"Mukha ka namang lalakero. Bagay kayong magkaibigan. Magkakasundo kayo." Sabi ko na ikinagulat ko din. At nila.
"Whaaaaat! No way! Mamaya eh sila pa ang magkatuluyan! Shit! No! No! No!" Paghuhuramentado ng baliw kong kaibigan.
Pinagtitinginan na ang pwesto namin dito sa cafeteria. Binatukan ko siya.
"Hoy! Wag ka ngang OA!"
"Oo nga, Joana. Hindi ko naman aagawin sayo si Rodge. May gusto na ako." Sabay ngiti ni Blue at sulyap sa table na di kalayuan sa amin.
Sabay kaming napalingon ni Joana sa table na tinutukoy ni Blue. Namilog ang mata ko at biglang kinabahan.
Shit! Wag naman sana siya.
I looked at Joana and she stared back at me.
"Sino diyan?" Tanong ko kasabay ng mala-Sisang tawa ni Joana sa tabi ko. Tinapakan ko ang paa niya para tumahimik.
"Hmm... ayun! Yung may piercing at may panyo sa kamay."
"Hell yeah!" Humagalpak sa tawa si Joana.
Napatingin sa kanya si Blue na nagtataka. "Why are you laughing?" Maarteng tanong niya.
Umiling si Joana habang natatawa. Napairap naman ako. Langya. Hindi nga si Rodge ang pinuntirya, si Cole naman! For fuck's sake! Siya lang naman ang nag-iisang crush ko dito at mukhang may kaagaw pa akong feeling close sa akin!
BINABASA MO ANG
Seducing You
Humor"Hindi ko makakalimutang playboy ka at hindi marunong magmahal." -Rebecca