Chapter 6

84 15 10
                                    

Chapter 6

"Hay! Kapagod!" Bumuga ako at sumalampak sa malambot na couch sa bahay nila Rodge.

Grabe ngayon ko lang na feel ang init mula kanina doon sa labas. Tirik na tirik ang araw at wala pa akong dalang payong.

At sino ba namang matino pa ang nagsuot ng long sleeve at pants?

Ay shet.

"Nauuhaw ka?" Tanong ni Rodge sabay upo sa tabi ko.

Tumango ako. "Oo. Pwedeng pahinging tubig? Yung maraming yelo ah. Ay, juice na lang pala. Ayos lang?" Sabi ko.

Tumango siya at tumawag ng kasambahay para magtimpla ng juice. Tinanggal ko naman ang suot kong doll shoes at pinatong na ng tuluyan ang paa doon sa couch.

Feel na feel ko na bahay ko 'to talaga eh?

Napangiti ako ng maalala ko ang nangyari kanina sa may taxi. Like oh my gosh! Bigla akong napabangon at nakaharap si Rodge.

"AY!" Sabi ko sabay tulak sa mukha niya.

Ngumisi ako ng makitang bumusangot siya.

"Gwapo ko naman para itulak mo lang!" Singhal niya.

"Kaya nga kita itinulak eh! Kasi ang gwapo mo!" Biro ko sabay tawa.

"Ah, so inamin mo nang may HD ka sa akin? Ha? Ikaw ha?!" Sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko kaya napatawa ako ng malakas.

Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang malakas na tawa. Pero si Rodge kasi amputek! Hindi ako tinigilan hanggang sa dumating yung inumin namin.

"S-sir i-ito n-n-a po yung juice niyo." Ani ng isang kasambahay na babae na sa tingin ko ay kasing edad lang namin.

Pinanood ko siyang namumula doon habang nilalapag sa mini table ang tray na may juice.

Ngumuso ako nang makita kong sumulyap siya kay Rodge bago sa akin. Tumaas ang kilay ko. Agad naman siyang umalis.

"Sino yun? Bagong kasambahay?" Tanong ko sabay tingin kay Rodge na nakatingin na pala sa akin.

Kumunot ang noo niya at nagkibit balikat. "Oo yata."

"Anong yata? Di mo alam eh ikaw nakatira dito?" Tanong ko bago sumimsim doon sa juice.

"Hindi naman ako ang nag hire sa kanya. Malay ko ba." Suplado niyang sabi.

"She likes you." Sabi ko at hinintay ang kahanginang sasabihin niya.

"Gwapo eh. But anyway, doon ka muna sa guest room mag-stay? Or if you'd like, in my room." Ngumisi siya.

Umirap ako at sinapak ang braso niya. "Gago! Magtigil ka pwede? Doon na lang ako sa guest room," sabi ko. "Sure ka bang okay lang kina Tita? I want to make it sure!"

"Tss. Oo nga. Kakatawag ko lang nga kanina eh."

"Really? Pwedeng pakitawagan at kakausapin ko?"

"Wait a sec." Tumango ako at hinintay siyang i-dial ang parents niya.

Napailing na lang ako habang iniisip yung babae kanina. Kung ako sa kanya, magre-resign na ako agad agad. Knowing Rodge, hindi yun makakatiis na walang naikakama sa mga babaeng nagakakagusto sa kanya.

Baka masama pa siya sa mga taong tangang patay na patay sa kanya. Mahirap na at baka isang araw lang eh makikinita ko siyang umiiyak habang dala dala ang maleta na papalabas ng bahay na 'to. Ngayon pa na wala pala sina Tita Rochelle.

"Hello? Yes, she's here. She wants to talk to you, mom." Binigay sa akin ni Rodge ang phone niya habang ngumingiwi.

"Hi Tita Roch!" Maligaya kong bati sa kabilang linya.

"Hi Baby Becs! Feel at home ka lang diyan ha? Saka bantayan mo 'yang si Rodgerion! Sumasakit ang ulo namin ng daddy niya sa kanya. Hay nako." Bumuntong hininga siya sa kabilang linya.

Nginisian ko si Rodge. Sumimangot siya lalo.

"Sure po tita! Thanks po sa pagpapatira. Tutulong po ako sa mga gawaing bahay, promise." Sabi ko, ngumingiti.

Nanlaki ang mata ni Rodge at agad kinuha sa akin ang phone niya. "Hoy!"

"Mom! Huwag na huwag kayong papayag na tumulong siya dito. Baka imbis na tumulong eh makasira at makasunog pa siya." Paninira sa akin ni Rodge.

"Baliw ka talaga!" Sabi ko ng i-end niya na ang tawag.

"Naninigurado lang." Aniya at kinuha na ang maleta ko.

Sumunod ako sa kanya papunta sa itaas. Alam ko kung saan ang guest room na tinutukoy niya dahil doon ako madalas natutulog kapag nago-overnight ako dito kasama si Wendy.

Sa pagkakaalam ko rin ay meron pa akong ilang damit at pajama sa closet.

Iniwan niya na ako para maayos ko na ang gamit ko. Panigurado kasi na kung di siya aalis at puro kabalastugan lang ang lalabas sa bibig niya eh baka akalain kong siya ang closet ko. Ipaghahagis ko talaga sa mukha niya ang damit at gamit ko.

Nagtext ako kay Joana.

Me:

Where are you? Wala na ako sa apartment.

Hinintay ko muna ang text niya.

Joana:

Gym. Saan ka ngayon? Let's meet.

Me:

Alright. Kita tayo sa SB. Just give me thirty mins to get ready.

Joana:

Okay.

Matapos ng huling reply niya ay inayos ko na ng mabilisan ang damit ko. Mamaya ko na lang aayusin yung ibang gamit ko.

Naligo ako ulit at nagbihis. Nag-ayos bago lumabas ng kwarto.

"Ate Becs!" Sigaw ni Wendy mula sa baba ng bumaba ako.

Ngiting ngiti siya ng sinalubong ko ng hug.

"Ate totoo ba? Dito ka na titira?"
"Pansamantala lang siguro, Wendy."

"What? Sabi ni kuya dito ka na daw eh!" Ngumuso siya.

Humalakhak ako at ginulo ang buhok niya. Ang cute cute niya talaga! Nakakagigil at ang sarap pisilin ng pisngi niyang chubby!

"Hindi pwede, Wendy. Paano kapag may dinalang girlfriend dito ang kuya mo at nakita ako? Ano na lang ang sasabihin nila?"

"But you're his girlfriend!" Parang batang sabi niya.

"Girl na friend, oo." Sabi ko sabay ngiti.

"But-!"

"Wendy, stop it. Pumunta ka na sa kwarto mo." Matigas na sinabi ni Rodge sa kapatid.

"Pero kuya, you said dito siya titira pero sabi niya--" naputol ang sasabihin niya ng magsalita si Rodge.

"Wendy!"

"Alright! Alright! Tsss!" Umirap ang cute na cute na si Wendy bago umakyat sa taas, nagdadabog.

I glared at Rodge. Nagtaas siya ng kilay. "Saan ka pupunta?"

"Makikipagkita ako kay Jo." Sabi ko at humalukipkip.

"Hatid na kita." He offered.

Umiling ako. Baka kapag nakita ni Joana na magkasama kami ni Rodge ay magselos pa siya. Mahirap na. Ngayon pang sasabihin ko sa kanya ang sitwasyon ko ngayon.

"No, kaya ko ang sarili ko Rodge." Sabi ko at lumabas na ng bahay.

Seducing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon