Chapter 2

109 19 26
                                    

Chapter 2

"Yung mga babae sa likod! Wala na bang ikekembot ang katawan ninyo? Nilagay ko na nga kayo diyan para hindi kayo mapansin pero kapansin pansin ang matitigas na kembot niyo!" Sigaw ng kaklase naming choreographer din namin.

Tirik na tirik ang araw at pinagpapawisan na ako, kami. Kanina pa rin siya sigaw ng sigaw dahil sa kesyo malamya sumayaw at ang tigas ng katawan. Lahat na lang napapansin niya.

"Pwede bang break muna? Gutom na ako!" Reklamo ng isa.

Nagpameywang si Fiona, yung choreo, pagtapos ay tumaas hanggang langit ang kilay habang tinitignan ang kaklase.

"Eh baka gusto niyong mabreak-an ng buto para lumambot 'yang katawan niyo? Magsiayos kayong lahat! Ulit mula sa umpisa." Pumalakpak siya at nagpwesto na kami.

Kahit madaming nagrereklamo, sinunod pa rin siya. Syempre, kung ayaw nilang bumagsak sa apat na major subject ay kailangan nilang sumunod. Required kasi na magsasayaw ang bawat section para doon sa nalalapit na Intrams.

Ang mga hindi lang kasali sa cheering squad ay ang mga kasali na sa sports o di kaya ang muse at escort. Eh dahil gusto ko naman sa sayaw, edi dito na lang. Wala naman akong sports bukod sa badminton eh.

"Aileen! Bakit ang bagal mong pumatong?! Nahuhuli ka eh!" Sigaw niya sa isa na naman.

Pinunasan ko ang pawis ko sa noo gamit ang panyo. Dumapo ang tingin niya sa akin.

"Rebecca! Ikaw nga ang pumalit dito! Kaya mo naman siguro yung gagawin diba?"

Kumunot ang noo ko pati si Aileen. Bigla siyang nagsalita.

"Bakit siya? Ako na lang! Kaya ko naman!"

Umiling si Fiona. "Si Becca na lang. Ano, Becs ayos lang sayo?" Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay.

Ngumuso ako ng makitang umirap si Aileen sakin at masama ang tingin. Tumango ako kay Fiona bago siya ngumisi at pumalakpak.

"PA-EPAL!" Sigaw ni Aileen pagtapos ng practice.

Hindi ko siya pinansin. Isa na naman siya sa mga babaeng inggitera kaya ganyan maka-react.

"HOY! Kinakausap kita! Wag mo kong tatalikuran!" Sigaw niya.

Umirap ako at hinarap siya. Kita ko agad ang inis niyang mukha. Tumaas ang kilay ko.

"Alam mo kung sinong pa-epal rito? Ikaw yun. Kung hindi ka ba naman kasi babagal bagal eh di sana hindi ka pinalitan." Sabi ko at inirapan siya.

Nanlaki ang butas ng ilong niya. Eww ha! May ilalaki pa pala ang butas ng ilong niya? Oh my god, she's so talented.

"You could have declined her! Ba't di mo ginawa? Kasi mang-aagaw ka ng posisyon! Papansin ka!"

"Excuse me? Ako, papansin? Eh hindi nga kita dapat papansinin kasi nagpapansin ka kanina? Pero pasalamat ka at mabait ako kaya nakausap mo ang magandang tulad ko." Sigaw ko sa kanya. "Leche! Makalayas nga dito. Badtrip ka, oo. Pero mas badtrip naman ako sa mukha mo!"

Narinig kong nagtawanan ang ilang kaklase ko. Ngumisi ako at tumalikod. Kinuha ko na ang bag ko para magpunta sa cafeteria at kumain. I'm so hungry!

"WALANGHIYA KA!" Nagulat ako ng biglang may humila ng buhok ko.

"Oh fuck!" Mura ko sabay sabunot din sa kanya kahit nakatalikod ako.

Pinilit kong humarap sa kanya at pinagsasampal sampal siya. Paminsan minaan ay nagkakalmutan kami kaya ang sakit na ng braso ko.

"Inggrata!" Sigaw niya sabay hila ng marahas sa buhok ko.

Leche ha! Hindi ba niya alam na naggugol ako ng isang oras para plantsahin ang buhok ko? Pero ang walangya ay sinira lang ang buhok ko!

"Inggitera!" Sigaw ko sa kanya sabay hila ulit ng buhok.

Bilib din naman ako sa mga kaklase namin eh, noh. Ni wala man lang nagtangkang umawat saming dalawa! Grabe sila ah? Masakit na ang buhok ko! Hindi pa naman ako sanay na nakikipagsabunutan.

"Si Sir Fontanilla!" May sumigaw.

Dahil sa narinig ay pareho kaming napabitaw sa mga buhok at braso. Ang sakit ng braso ko lintek.

"I want you two girls in my office now." Aniya sa isang kalmado pero nakakatakot na tinig.

Hindi na ako umangal. Si Aileen naman ay nagsimulang magtatalak.

"Sir! Siya po ang nauna! Sinabunutan niya ako!"

Umirap ako. Ako pa talaga ang sinisi? Eh kung pisilin ko kaya 'yang nanlalaking butas ng ilong mo? Kaso kadiri kaya wag na lang.

"This is all your fault! Ugh! Lagot ka talaga saking babae ka." Talak siya ng talak habang sinusundan namin si Mr. Fonts.

Adviser namin siya. Biology teacher. Panigurado kung hindi kami madedetention ay ipapatawag ang magulang namin... o kaya community service. Jusme! Mas gugustuhin ko pang madetention na lang kahit pa kasama ko ang babaeng pinapatay na ako ng tingin. At isa pa, ang init init kung paglilinisin kami at ang hapdi pa ng sugat ko sa braso.

"Take a sit." Utas niya ng makapasok kami sa science lab.

Sinusuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri habang umuupo. Ganun din ang ginawa ni Aileen. Tss. Gaya gaya forever.

"You do know I don't tolerate this kind of behavior. I'm asking you, anong pinag-awayan niyo at nagsasabunutan kayo sa field?" Mariing tanong niya.

Tinuro ako ni Aileen. Tumingin sa akin si Mr. Fontanilla at tumaas ang kilay. Bumuga ako ng hangin ng magsimula na namang umarangkada ang bibig ni Aileen.

"Siya po, Sir! Galit siya sa akin dahil inagawan ko daw siya ng part sa cheering squad! Inggitera kasi!"

I gaped at her. Talaga lang ha?! Wala tayo sa telenobela uy! Tingin mo hindi ko alam ang mga ganyang binabaliktad ang bida dito?

"Is that true Miss Mortera?"

"Hindi po. Actually, binabaliktad niya lang po talaga-"

"Me?! Magbabaliktad ng istorya? Ang kapal naman ng mukha mo!" Sigaw niya at napatayo pa.

Umirap ako sa sobrang OA niya. Hindi ba niya kayang huminahon? Masyadong napaghahalataan lalo na nag iimbento eh.

"Stop yelling Miss Ortiz. Nasa harap mo lang ang kausap mo. At dahil diyan, pareho kayong may detention after ng mga klase niyo. Do you understand?"
Gusto kong magsalita ng, 'Yes sir, I imderstand. Eh yung babae kaya sa harap ko eh nakakaintindi?'

Instead of saying that stupid thing on his face, I nodded. Para namang may magagawa ako kung aangal pa diba? At hindi naman ito ang unang beses na mapupunta ako sa bwisit na detention room kasama ang mga ibang estudyante na gumawa rin ng kung ano mang kalokohan.

Seducing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon