Chapter 9
Nakatunganga ako sa kanilang dalawa nang biglang may pumilantik na daliri sa harap ko.
"Ha?" Sabi ko at tinignan si Cole.
Kumunot ang noo niya. Ramdam ko agad ang pag-init ng pisngi ko dahil natulala ako. Shit 'yan. Nakita ko lang sila na magkasama, na-starstruck na ako?
Puto 'yan. Hindi naman sila artista kaya bakit pala ako nai-starstruck? Ugh.
"May problema ba?" Tanong niya at tinignan ang kaninang tinitignan ko.
Nataranta ako bigla. Mabuti na lang ng lumingon ako ay wala na sila. Bumuntong hininga ako.
"Sorry. Ano nga ulit 'yung sasabihin ko?" Mahina kong sinabi at napakamot ng ulo.
Gosh! Nakakahiya ako! Baka maturn off siya sa akin o kaya akalaing baliw ako.
"No, it's okay. Nagtaka lang ako kung bakit bigla kang napatigil." Aniya sabay ngiti.
Ngumuso ako at agad na sumubo sa pagkain ko. Ang init! Bakit ba ang bait niya? Ang sarap din talagang tusukin ng dimple niya kapag ngumingiti siya.
"Akala ko kasi nakita ko si-"
"Sino? Sinong nakita mo?" Pagpuputol niya sa sinasabi ko.
Napalunok ako at uminom ng coke. Shet! Bakit curious ka? Bakit ha? Selos ka ba? Ayie. Kinikilig ako sa pagiging assuming ko.
"S-si ano..." namumula akong napatigil ng mag-iwas siya ng tingin.
"Sorry. Hindi mo naman kailangan sagutin." Sabi niya sabay kinain na ang cheesecake ng hindi na ako sinulyapan pa.
Kumunot ang noo ko sa biglang reaksyon niya. Anong problema nito? Umiling na lang ako at kumain na din.
Awkward kami ng pumuntang locker para kunin ko ang gamit ko. O ako lang itong awkward. Natutuwa ako dahil sinamahan niya ako pero naiinis na talaga ako sa pagiging assuming ko.
Minsan din ay naiinis ako sa pagiging mabait niya at pagiging close. Mamaya ay akalain ko talagang may gusto rin siya sa akin at sa huli, sasabihin niyang hanggang friends lang kami.
Dahil fart niya! Kapag talaga ganon ang nangyari ay baka ipa-salvage ko siya.
"Thank you pala sa libre." Sabi ko ng matapat kami sa locker ko.
"Sa uulitin?" Tanong niya habang natatawa.
Napahalakhak ako. Sa uulitin? Ibig sabihin ay may next time talaga? God, ako'y kinikilig!
"Sure! Basta libre mo eh," ngumisi ako, "baka naman pabayaran mo sa akin ang nilibre mo kapag dating ng panahon?" Tanong ko.
"Uy! Di ah. Hindi naman ako ganung tao."
"Oh sige. So paano 'yan, friends na tayo? Nanlibre ka na eh!" Sabi ko, tumatawa na.
Ang lakas talaga ng pagkafeeler ko pero bakit ba? Mas gugustuhin ko pang maging friends muna kami. Alam mo na, getting to know each other muna bago ligaw ligaw!
Ay! Talaga naman ang assumera ko.
"Bakit, hindi pa ba tayo magkaibigan?" Tanong niya nang nakanguso.
Shet huwag kang ganyan at baka makalimutan kong school ito at bawal makipaghalikan.
"Ah... hindi?" Sagot ko at ngumiti.
Ngumisi siya at lumapit. Nagulat ako at syempre nga dahil assuming ako ay inisip kong hahalikan niya ako. Pero hindi iyon ang ginawa niya. Asa pa ako. Asa pa kayo.
BINABASA MO ANG
Seducing You
Humor"Hindi ko makakalimutang playboy ka at hindi marunong magmahal." -Rebecca