Chapter 3
"Becca! Uy!" Kinalabit ako ni Joana, bestfriend ko.
Nakangangang tinignan ko siya. Parang tanga lang eh. Kanina pa siya salita ng salita kahit obvious naman na di ako nakikinig. Bait ko ano?
"Oh bakit?" Tanong ko.
"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Kumunot ang noo niya.
"Hindi." Sabi ko at humagikgik. Binatukan niya ako at ngumuso.
"Kainis naman 'to! Sabi ko, eh kung magtapat na kaya ako kay Rodge? Napansin ko kasi this fast few days eh wala siyang girlfriends bukod sa ikaw ang palagi niyang kasama." Aniya sabay kagat sa burger.
Nandito kami ngayon sa Wendy's. Sabado naman kaya naggala kami. Akalain mo pa nga namang may bestfriend pa akong isa bukod kay Rodge. Buti at natagalan talaga ni Joana ang ugali ko.
At infairness din sa akin dahil natagalan ko ang ugali niya noh! Hirap kayang may kaibigang babae na walang ibang ginawa kundi ang magtatalak tungkol sa one sided love niya sa isa ko pang bestfriend. Parang naipit ako dun ah?
"Hmm... pwede rin. Gusto mong tulungan kita?" Suhestiyon ko at ngumiti.
Nagningning ang mata niya sa sinabi ko at napabitaw pa sa burger para lang hawakan ang braso ko.
"Talaga? Oh my god! Thank you best! Grabe! First time mong may masabi at magawang maganda!" Tuwang tuwang sabi niya.
Pinandilatan ko siya at tinawanan niya ako. Kita niyo pa, makapagsabi na first time kong may magawang maganda sa kanya parang hindi ako bestfriend ah?
"Joke lang! Masyado ka namang seryoso." Sabay ngisi niya.
Napailing na lang ako. Pagtapos naming kumain ay nanood kami ng sine. 'Yung sineng hindi ko alam na napanood na pala niya.
Kaya naman habang nanonood kami ay panay ang salida niya.
"Ay! Ayan! 'Yan yung part na maghahalikan na sila! Gosh--"
"Sshh!" Sabay sabay naming saway sa kanya.
Umirap siya pero tumahimik na din. Pero madalas ay ganun pa rin ang nangyayari. Kaya ayun, mas nauna pang natapos ang kwento niya kaysa sa pinapanood ko. Langya, kung sana alam ko na napanood niya pala yun edi sana nagpakwento na lang ako. Sayang sa pera!
"Sana kinuwento mo na lang sakin, ano? Wala tuloy akong naintindihan sa palabas!" Sabi ko sa kanya nung pauwi na kami.
"Ha? Hindi ko naman alam na gusto mong magpakwento eh! Akala ko ba mas gusto mong nanonood?" Tanong niyang naguguluhan, nakakunot pa ang noo.
At talagang siya pa ang nagsabi niyan ah?
"Oo nga! Eh paano ko nga mapapanood ng maayos kung nagdadaldal ka habang nanunood? Mas nauna pang natapos ang kwento mo kesa sa palabas eh." Sabi ko at binuksan ang pinto ng kotse niya.
Pumasok na rin siya sa kotse. Binuhay ang engine pagtapos ay tumingin sa akin.
"Hindi mo naintindihan? Oh sige, ikukuwento ko sayo mula umpisa hanggang..."
"Shut up and just drive! Baka gusto mong bawiin ko ang sinabi ko kanina?" Pananakot ko pero hindi ko naman talaga gagawin.
May isang salita ako. Kapag sinabi kong gagawin ko, gagawin ko.
Tumawa siya at agad hinampas ang braso ko.
"Huy grabe ka! Binibiro lang eh," sabi niya, "Basta Becca ah? Yung sinabi mo!"
"Oo na." Sagot ko at pinaandar niya na ang kotse.
Pagdating ko sa bahay ay hinintay ko munang umalis ang sasakyan niya. Nang masiguro kong wala na siya ay agad kong tinawagan si Rodge.
"Rodge? Nasaan ka?" Tanong ko nang sinagot niya ang tawag.
"Sa puso mo." Sagot niya.
Umirap ako. "Baliw! Saan nga?"
"Spiker. Punta ka?"
Kumunot ang noo ko. Spiker ang pangalan ng bar na madalas niyang puntahan. Bakit nandoon siya eh hapon pa lang?
"Bakit ang aga-"
"Ugghh..."
Natigil ako ng marinig ko ang angil niya. What the hell happened?
"Rodge? Diyan ka lang ah. Pupunta na ako." Sabi ko at agad pumara ng taxi na dumaan.
Binaba ko na ang tawag at sumakay sa taxi. Hindi naman iyon ganun kalayo kaya mga sampung minuto ay nakarating na ako. Nagbayad ako agad at lumabas.
Alas tres ng hapon nagbubukas ang Spiker. Mag-aalas kwatro pa lang ngayon. At ang punta ni Rodge sa bar ay alas siete ng gabi.
Pagpasok ko ay wala pa gaanong tao kaya madali kong nakita si Rodge. Nandoon siya sa counter at may katabing babae. Dumapo ang tingin ko sa kamay ng babae na nasa hita ni Rodge.
What the fuck? Akala ko may nangyari sa kanyang hindi maganda pero yun pala... ugh! Langya.
Lumapit ako at narinig kong nagsalita si Rodge.
"Do you want me to fuck you?" Lasing niyang sinabi at humalakhak.
Humagikgik ang malanding babae. Sa suot pa lang niyang mini tube na kita ang cleavage niyang mas pinapakita niya pa ay halatang pokpok 'to. Eww! Isang hila na lang yata sa laylayan ng damit niya eh makikita na ang buong dibdib niya!
"Yes.. sure. At your place?" Kumindat pa iyong babae.
Halos magwala na ang loob ko. Hindi pwede! Hindi pwede ang gusto niyang mangyari dahil hindi pa nakakaamin si Joana! Sisiguraduhin ko munang hindi na mambababae si Rodge bago ko siya ilakad kay Joana.
"RODGE!" Sigaw ko at natigil ang pagtawa nilang dalawa.
Sabay silang tumingin sa akin. Hindi ko pinansin iyong babae. Nakita kong mapupungay ang mata ni Rodge habang tinitignan ako. Ngumisi siya at tumayo.
"Hey.." pigil ng babae pero hindi siya pinansin.
"Oh! Andito pala ang girlfriend ko eh... Helloooo Rebecca!" Aniya at ikinabigla ko ang biglaang paghalik niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Seducing You
Humor"Hindi ko makakalimutang playboy ka at hindi marunong magmahal." -Rebecca