THE BEGINNING

172 25 30
                                    

The Beginning

Naranasan mo na bang magmahal ng gago, babaero at manloloko? Anong feeling? Masakit diba? Pwes, kung inaakala niyong isa ako sa biktima ng mga ganung lalaki ay nagkakamali kayo.

Hindi ko alam kung bakit ang daming naiinlove sa mga lalaking ganun. Yung mga lalaking gwapo pero babaero? Sarap lang pagsasapakin ng mga babaeng umiiyak dahil sa kanila tapos sasabihin, "Eh mahal ko eh," o kaya "Binigay ko naman lahat! Bakit kulang pa rin?"

Ay weh. Binigay mo lahat? Pati ang mga buhok na nakatago sa katawan mo? Pati ba yung kulangot na dati'y sipon at ang mga ngipin mong bulok at kulay ginto?

"Ang sakit lang, eh! Akala ko ako lang, yun pala meron pa!" Pagwawala ng babaeng kakapasok lang ng cr habang puno ng uhog at luha ang mukha.

Tinitignan ko siya at iyong kaibigan niyang tumatahan sa kanya. Ngumingiwi 'yung kaibigan niya habang pinapanood na nagpupunas ng sipon at luha sa mukha gamit ang braso.

Eww! What the hell?

"Hayaan mo na Bessie. Kakarmahin din ang lalaking iyon." Sabi ng kaibigan sa kanya.

Umirap ako at tinapos ang paglalagay ng kulay pink na lipstick sa labi ko. Ilang beses ko na bang narinig ang sumpang iyon? Halos matawa ako. Hindi pa minamalas ang lalaking iyon... sa ngayon.

"Miss anong pangalan mo?" Tanong ko sa babaeng umiiyak at sabay silang humarap sa akin.

Namumula ang ilong at mata ng babae habang nagpupunas ng luha. Kalat na din ang makapal niyang make up sa buong mukha. Napangiwi ako.

"J-Jessica..." sagot niya kahit nagtataka.

Ngumiti ako at hinarap ang kasama niya. Yung ngiting pang-asar lang? Ang sama ko ba? Di hamak naman na mas masama ang lalaking gumawa nito sa kanya.

"Eh ikaw, anong name mo?"

"Kyla. Bakit, anong problema mo sa amin, miss?" Tanong niya at nakakunot ang noo.

"Wala. Naninigurado lang." Sagot ko sabay ngiti sa kanila, "Sige una na ako ha! Na-entertain ako sa drama niyo!"

Narinig kong nagmura iyong babae nang makalabas ako ng cr.

Sa isang pader na nadaanan ko ay naroon at nakapamulsa ang lalaking dahilan kung bakit nagkaroon ng dramarama sa loob ng cr.

Ngumisi siya agad ng makita ako at lumapit sa akin. Tumingin ako sa paligid at nakitang kaming dalawa lang ang nandito. Malamang ay dahil may klase. Nagpaalam lang akong magsi-cr kaya nakalabas.

Umirap ako bago nagsalita.
"Gago ka talaga, ano?"

"Oh! Ano na namang ginawa ko?" Tanong niya habang natatawa pa.

"Rodge! Grabe ka. Kawawa si Jessica!" Sabi ko sa kanya. "At kadiri ha! Akalain mo ba namang pampunas niya ng luha at sipon niya sa mukha ay ang braso niya? So eww."

Humalakhak siya sa sinabi ko at hinapir ang bewang ko. Hinampas ko iyon. Napakamanyak talaga ng lalaking ito.

"Arte. Bewang lang hahawakan eh..." aniya at hinapit pa ako lalo. "Hindi naman boobs mo dahil wala ka naman pala nun. Ano, cutting tayo?" Tumawa siya at sinapak ko na ang gago.

Seducing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon