Chapter 5
"Hala sige! Lumayas ka na dito! Hindi ka naman marunong magbayad ng renta sa oras! Malulugi ako sayo, Rebecca!" Sigaw sa akin ni Aling Selda, yung may ari ng apartment na tinitirhan ko.
Niligpit ko na ang mga damit at gamit ko at siya naman ay ang ingay ingay dito sa loob ng kwarto. Kanina pa naririndi ang tenga ko sa kanya ah?
Pagtapos kong mag impake ng gamit ay lumabas na ako dala ang dalawang maleta. Nakasunod pa rin siya hanggang makalabas ako.
"Huwag ka ng babalik dito! Bwisit! Hindi nagbabayad! Walang pakundangan pa gumamit ng kuryente at tubig! Walang utang na loob!" Sigaw niya.
Umirap ako at hindi siya pinansin. Kapal ng mukha na makapagsabi ng walang utang na loob eh hindi naman sjya ang nagpapakain at nagpapaaral sa akin!
Oo aminado akong hindi ako nakapagbayad ng renta dahil ubos na ang ipon ni Papa simula ng mamatay siya. Pero leche lang, hindi naman niya kailangang ipagduldulan sakin yun!
Kaya naman badtrip akong naglakad papunta sa paradahan ng taxi na malapit sa inuupahan ko. Ang dami pang nakikiusyoso sa labas kaya naman ang sama ng tingin ko sa kanila.
"Ano ha? Ngayon lang ba kayo nakakita ng babaeng may dalang maleta? Tseh!" Sigaw ko at nag iwasan sila ng tingin.
Sumakay na ako sa taxi na nakaparada. Tinulungan naman ako ng driver na ilagay sa likod ang mga gamit ko.
Agad kong tinawagan si Joana pero out of coverage area. Sumunod ay si Rodge na sinagot agad sa pangalawang ring pa lang.
"Hello! Miss me already?" Mayabang na bati niya.
Napairap ako at bumuntong hininga. "Napalayas ulit ako, Rodge."
Pinanood kong pumasok ang driver. Hindi ko makita ang mukha niya dahil naka ball cap siya.
"Oh? Talaga? That's good! Dito ka na kasi tumira sa amin, Becca! Matutuwa pa si Wendy." Aniya sa kabilang linya.
I sighed once more. Ayoko sanang pumayag pero walang wala na akong pera ngayon. Siguro kailangan ko na ring maghanap ng trabaho?
At kailangan ko na ding kapalan ang mukha ko.
"Uhm... sure ka ba na ayos lang kina tita?"
"Yup! Nasa Davao sila ngayon at inaasikaso ang business namin doon. Ano? Saan ka na ba at susunduin na lang kita?"
Sasagot na sana ako ng magsalita yung driver.
"Saan po tayo, Miss?" Napatingin ako sa rearview mirror at nakitang nakatingin sa akin yung driver.
Muntik nang malaglag ang cellphone ko mula sa kamay. Pero siguradong laglag ang panga ko nang makita ko kung sino ang driver!
"C-Cole?" Gulat kong sinabi ang pangalan niya.
"Hey? What did you say?" Tanong ni Rodge na hindi ko pinansin.
"Rodge, I'll just call you later okay?"
"Wha-"
Pinutol ko na ang tawag at tinignan si Cole na nakangiti sa akin ngayon.
"Hi." Aniya at tinanggal ang suot na cap.
Holy shit! Totoo nga! Si Cole na gustong gusto ko eh nagtatrabaho bilang driver?! Oh my gosh! Hindi kapani paniwala sa gwapo niyang yan!
"Uh- d-driver ka?"
Tumango siya. "Oo eh. Sorry ah? Feeling close ako." Aniya at hinawakan ang batok.
Feel ko namumula na ako. Shet! Ang cute niya talaga! Pati ang gesture niyang 'yon! Kinikilig ako. Naging kaklase ko na rin kasi si Cole last year kaya magkakilala kami. Hindi nga lang close dahil mailap siya.
"Naku! Ako nga itong feeling close eh." Sabi ko at ngumisi.
Ngumisi na din siya. "So saan ka pupunta?"
Pumula ang pisngi ko at biglang nakaramdam ng hiya. Shit yan! Napaka wrong timing talaga ng pagpapalayas sa akin doon.
"Ah... pwede bang doon mo ako ihatid sa may guard house ng Green Rose village?"
"Okay." Aniya at tinalikuran na ako para buhayin ang makina.
Habang nagmamaneho siya ay hindi ko mapigilang tumingin sa salamin at suriin ang mukha niya. Fil-Am si Cole kaya naman kulay skyblue ang mata niya at maputi, kulay pink at manipis ang labi. Parang ang sarap halikan, ah?
Ay shet! Nagiging manyak na talaga ako.
"Uh, may dumi ba ako sa mukha?" Awkward na tanong niya sa akin ng mahuling nakatingin ako sa kanya.
Nag init agad ang pisngi ko. Anak ng tokwa naman talaga oh!
"A-ah wala." Sabi ko at nag iwas ng tingin.
Ngumuso ako. Hindi na kami na usap buong biyahe.
Grabe siya. Tingin ko mapapanisan ako ng laway dahil sa kanya. Ang bunganga ko eh hindi ko talaga mapipigilan pero kapag siya ang kaharap o kausap ko, para akong naputulan ng dila.
Tinamaan ang lintek.
"Dito na lang." Sabi ko sa kanya at hininto niya sa may tabi.
Kumuha ako ng pera sa wallet ko nang magsalita siya.
"Naku, wag na Rebecca! Libre ko na sayo 'to." Sabi niya sabay ngiti.
Ay putspa! Wag mo kong ngingitian ng ganyan dahil talagang mahahalay kita sa loob ng kotse na 'to!
Pero syempre joke lang yun. Ang ganda ganda ko tapos ako gagawa ng first move? No fucking way.
Kaya naman pinilit kong ibigay sa kanya yung bayad ko.
"Ano ka ba? Paano ka kikita niyan kung hindi mo tatanggapin ang bayad ko? Baka magalit pa ang boss mo!" Sabi ko pa.
Bigla naman siyang natigilan at bumuntong hininga. Inabot ko sa kanya ulit ang pera and this time, kinuha niya na.
"Ayan! Sige, una na ako ah?" Sabi kong ngiting ngiti bago lumabas.
"Ah, Rebecca saglit lang." Tawag niya at lumabas ng taxi.
Natigilan ako at tinignan siya, nakakunot ang noo.
"Bakit?"
"A-ah gusto ko lang sanang sabihing mag ingat ka." He said, flashing his boyish smile.
Bago pa ako makareact sa kilig dahil sa sinabi niyang yun eh umalis na ang taxi niya.
"OH. MY. GOD." Sabay hawak ko sa bibig at nagtititili doon.
Gosh! Grabe siya! Kailangan may ganun epek talaga? Parang jowa lang ang peg? May pa ingat ka pa siya ha! Infairness kahit di kami close!
"Miss! Baliw ka ba?" May isang lalaking mukhang jologs na gangster ang dumaan.
Natigil ang kilig moment ko dahil sa kanya. Langya! Kinikilig na ako sabay biglang may maninira?
"Hindi ako baliw koyang. Pero kung may mukhang baliw sating dalawa dito eh ikaw na yun. Baliw na jologs na gangster!" Sabi ko sabay belat.
Nanlaki ang butas ng ilong niya at nagngitngit sa inis. Nginisian ko siya.
"Lakas ng loob mong magsalita ng ganyan porket babae ka ah!"
"Kaya nga eh. Ikaw ang lakas mong magsuot ng malaking shirt at pants pati ng cap kahit alam mong baduy sayo. Okay ka lang kuya? Have you ever heard of FASHION? Ay sorry, english. Baka di mo nagets."
"Tangina mo!" Mura niya sabay umambang sasapakin ako.
Pero bago niya pa masapak ang mala-Dyosa kong mukha, nagsalita ulit ako.
"Oh? Hindi ka lang pala jologs na gangster. Bakla ka din. Pumapatol sa babae. Tsss! Makalayas na nga dito!" Umismid ako at iniwan siyang mukhang tanga doon dala ang maleta.
Nang makalayo ako doon ay agad kong nilabas ang cellphone para tawagan si Rodge.
"Hello! Nandito ako malapit sa guard house. Sunduin mo na ako bilis!" Sabi ko sabay irap sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Seducing You
Humor"Hindi ko makakalimutang playboy ka at hindi marunong magmahal." -Rebecca