Chapter 7

82 16 7
                                    

Chapter 7

"What?! Ano ba, Rebecca! Bakit ganun?! Bakit doon ka sa kanila nakitira!" Paghihisterya ng kaibigan ko ng sabihin ko sa kanya ang sitwasyon ko.

Suminghap ako. Buti na lang at nandito kami sa may dulo ng Starbucks. Hindi masyadong nakakaagaw ng pansin kahit kapansin pansin naman talaga ang sigaw niya.

"Kalma muna, okay? Panandalian lang yon!" Sabi ko.

Umirap siya sa akin at humalukipkip.

"Bakit kasi doon pa sa kanila? Pwede namang sa amin ah! Ba't hindi mo ako tinawagan?" Nanliit ang mata niya.

"Tumawag ako sayo pero patay ang phone mo. Malay ko ba kung nasa bahay ka ng oras na yun? Kaya tumawag na ako kila Rodge." Mahinahon kong sabi sa kanya.

Bumuntong hininga siya at ngumuso. Alam kong medyo naiinis pa rin siya dahil sino ba naman ang matinong bestfriend ang makikitira sa bahay ng gusto niya?

But we're just friends. Walang malisya. At may bata naman doon.

"But you can still stay on our house. Alam mong welcome ka naman dun diba?" Tinignan niya ako.

"Pero nakapagsabi na ako kay Tita Roch. Baka magalit siya." Pag-aalangan ko.

Ano na lang ang sasabihin nila kung sakaling malaman nila na aalis din ako agad sa kanila? Kakalipat ko lang at baka kung anong isipin nila.

"Fine. Basta gawin mo lang ang sinabi mo ah? You'll help me to get Rodge."

Unti-unti akong ngumisi at tumango. "Alright."

Kinabukasan ay sinabihan ko si Rodge kung pwede bang pumunta dito sa kanila si Joana. Sapilitan pa ang pagpayag niya dahil sa kakulitan ko.

Pero atleast ay makakapunta dito si Joana at ng masimulan ko na ang OPERATION MAKE RODGE FALL FOR JOANA. Or in short, Operation Marofafojo.

Ay shet. Ang weird pakinggan.

"Kinakabahan ako, Becs!" Hinawakan niya ang braso ko at naramdamang sobrang lamig nito.

"Sabi ko kanina chill ka lang. Hindi ko alam na literal kang magiging chill!" Sabi ko sabay halakhak.

Sinimangutan niya ako. Napaharap ako sa kanya at naalalang ikukuwento ko nga pala dapat sa kanya ang nangyari kahapon.

"May kwento pala ako." Panimula ko, ngiting ngiti.

"Oh ano yan?"

"Makikinig ka ba?"

"Parang may choice ako ah?" Umirap siya at tumawa ako.

"Kasi ganito, kahapon diba umalis na ako sa apartment? Nang sumakay ako ng taxi..." naputol ako dahil bigla akong tumili ng maalala ang nangyari.

Kaso napapasimangot dahil naalala kong nagtatrabaho siya bilang driver.

Shet naman! Bakit kailangan pang maging taxi driver siya?

Kung sabagay, sabi nga nila eh basta taxi driver, sweet lover.

Mukha ko. Jeepney pala 'yon!

"Tignan mo 'to! Wala pa nga kinikilig ka na. May maayos ka pa kayang maikwento niyan?" Ani Joana.

Pilit kong kinakalma ang sarili bago ko kinuwento ang lahat sa kanya. Itong babae naman, parang tanga na kasi nakanganga pa habang nakikinig. Jusko, hindi kaya pasukan ng langaw ang bunganga niya?

"Taxi driver siya? Oh hindeeeee!" Paghihisterya niya.

Umirap ako. Kala mo naman crush niya ang taxi driver eh hindi naman!

Seducing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon