Chapter 8
"Excuse me!" Sigaw ng demonyitang babae na nasa likod ko.
Umirap ako at nagpunas ng pawis. Talagang nag-excuse pa eh nasa gilid naman ako?! Anong gusto niya, sa gitna ako tumabi? Kaleche ha.
"Ano ba 'yan! Ang laking harang!" Maarteng sigaw pa ulit ang narinig ko.
Humarap ako at nakita ko si Blue kasama ang bitches niya.
Tumaas ang kilay ko. So ngayon ay talagang pinapatunayan niya na isa siya sa mga kasama niya?
"Ano ba 'yan! Ang laking demonyita!" Nakangisi kong ginaya ang tono niya.
Nakita kong namula agad siya sa galit. Humalukipkip ako at tinignan isa isa ang kasama niya.
"Gaga ka ah!" Sigaw ng isang di ko naman kilala.
"Maldita ka talaga, Becca! Kaya walang nanliligaw sayo eh. Hindi katulad ko, maraming manliligaw!" Umirap si Blue.
"Madaming manliligaw o madaming kalandian? Blue, malaki ang pinagkaiba niyon. Parang ang ugali lang natin 'yan eh. Ako maldita, ikaw demonyita." Sabi ko sa kanya.
Ang kapal ng mukha niyang sabihan akong maldita eh mas malala pa siya sa akin, ah? At ang kapal talaga ng mukha niya para sabihing wala akong manliligaw. Hello! I have suitors kaya. Hindi ko lang pinapansin dahil ayoko sa kanila.
At hello ulit, hindi pa ako pumapayag na manligaw sila eh kinokonsidera na agad nila na pumayag akong ligawan nila. Ang kakapal lang ng mukha eh. Parang make-up lang ng mga nasa harap ko.
"Lakas ng loob mong magsuplada eh mag-isa ka lang naman!" Sabi ng isa pang kasama niya na ang kapal kapal ng foundation sa mukha.
Tinignan ko ang leeg at braso niya. AT WOW! Kitang kita ang pinagkaiba ng itim sa puti! Parang toyo sa itim ang braso't leeg niya habang parang suka naman ang mukha niya!
"Oo nga! Nasaan ang kaibigan mong duwag? Iniwan ka? Ayan kasi... wala kang kwentang kaibigan." Panunuya pa ng isa.
Unti-unti ng kumukulo ang dugo ko sa mga walang kwentang pinagsasasabi nila. Bakit kailangan pa nilang idamay ang kaibigan ko dito?
Bago pa ako magsalita ay agad na may gwapong lalaki ang umepal sa usapan namin.
"Excuse me."
Suminghap ako ng makitang si Cole iyon! Oh my god! He's here? Anong ginagawa niya dito?
Oh fuck. Naalala ko bigla ang kahiya hiya naming pagtatagpo nung nakaraang araw! And omg, sa tuwing naiisip kong taxi driver siya eh parang bumabaliktad ang sikmura ko.
Langya! Bakit ba kasi kailangan niyang maging taxi driver?! Naghihirap ba sila? Hindi ko maalalang mahirap ang pamilya nila, a? At hindi ko rin maalalang mayaman sila. Ahhh! Nakakaloka.
"Cole! Hi!" Biglang nagbago ang demonyitang aura niya at napalitan ng malanding aura
Umirap ako. Sabay ganon lang? Sabagay, diyan naman siya magaling eh. Sa pakikipaglandian.
"Becca... pwede mo ba akong samahan?" Nakatingin lang siya sa akin at hindi pinansin si Blue.
Nag-init ang pisngi ko at binaling ang tingin sa dismayadong mukha ni Blue.
"Cole ako na lang ang sasama sayo." Malanding singit niya.
Napaismid ako.
"Becca, ano?" Napalunok ako at tumango sa kanya.
Ngumiti siya at hinawakan ang pulsuhan ko at umalis doon. Narinig ko pa ang pagsinghap at angil ng mga babaeng yun.
Hindi ko alam kung ngingisi ba ako o ngingiwi. Kasi naman, syempre natutuwa akong pinansin ako ni Cole at eto, hawak pa niya ako. Pero tokwa naman, kailangan ba talagang sa tuwing susulpot siya sa akin eh yung kahiya hiya ang itsura ko?
Grabe ha! Grabe talaga ang pawis ko dahil katatapos lang ng practice. Tapos biglang magpapakita siya? Shet! Hindi ba pwedeng mag-retouch muna ako?
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
Gusto kong maging kalmado sa harap niya at mamaya na ako kiligin. Kaso 'yung loob loob ko eh nangingisay na talaga sa kilig!
"Sorry," aniya at binitiwan ang kamay ko. "Nilayo lang kita doon dahil napansin kong nagkakainitan na kayo." Dagdag niya sabay ngiti ng makalaglag panty.
Ngumuso ako at nagpipigil ngumiti. Anong nagkakainitan? Hindi ah. Ngayon pa nga lang ako naiinitan dahil nasa harap kita at kausap pa kita.
"Sanay naman na akong may nakakasagutan. Pero salamat pa rin." Sabi ko sa kanya sabay ngiti.
"Uhm..." kinagat niya ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin.
Nakita kong namula ang tenga niya. Ay! Ang cute naman. Pero bakit siya namumula?
"Cole?" Tawag ko.
Napatulala siya nang tignan ako pero saglit lang iyon. Umiling siya bago nagsalita.
"Tara kain tayo? Treat ko."
Hindi na ako tumanggi. Aba, crush ko na ang nagyayaya eh tatanggi pa ako? Saka libre. Pumunta na kami ng cafeteria at um-order ng pagkain.
"Bakit mo nga pala ako biglang kinausap? I mean, hindi naman talaga tayo close right? I'm just confused, you know." Salida ko agad ng makaupo kami sa isang pwesto.
Tinikom ko ang bibig ko nang makitang ngumisi siya. Ano ba! Bakit ka ngumingisi diyan? Sundutin ko kaya 'yang dimple mo pogi, ha?
"Wala lang. I just feel like talking to you." Sagot niya at kumain ng cheesecake.
Ah ganon? Kapag feel niya lang talaga kausapin ako eh saka lang siya lalapit? Grabe siya.
"Ah okay. Pero may tanong ako sayo. Tutal eh feeling close tayo sa isa't isa." Sabi ko sabay hagikgik.
Totoo naman diba? FC kami sa isa't isa. Pero natutuwa naman ako sa pagiging FC niya sa akin. Eh siya kaya natutuwa? Baka mamaya sa isip isip niya eh gusto niya ng umalis sa harap ko, ah? LOL!
Kumain muna ako sa strawberry cheesecake ko. Talaga naman oh! Pareho pa talaga kaming mahilig sa cheesecake?
Gaga. Nanggaya ka lang naman.
Leche yung konsensya ko. Pakipatay nga.
"What's it?" Tumaas ang kilay niya.
Ayan ba ang mukhang naghihirap? May accent pa nga ang page-english niya eh. Di tulad ng iba na trying hard.
"Driver ka ba talaga?" Tumaas ang kilay ko. Mahina lang naman ang pagjakatanong ko niyon.
Natulala siya saglit. Tapos ay ngumiti bago humagalpak ng tawa. Namula ako dahil pinagtitinginan na kami dito.
"Wha- wait, talagang naniwala kang driver ako?" Hindi makapaniwalang tanong niya habang nagpipigil ng tawa.
Pasimple akong umirap. Obvious ba? Kaya nga ako nagtatanong eh!
"Ano nga kasi?" Pangungulit ko pa.
"Naniwala ka nga?"
"Slight."
Humagalpak siya ulit. Kainis ha! Kanina niya pa ako tinatawanan.
"Isa pang tawa mo sasapakin na talaga kita." Banta ko sabay sama ng tingin.
Tumigil siya sa pagtawa pero nangingiti. Nagkatitigan kami. Naramdaman kong lumabas na ang puso ko. Joke.
"Okay, sorry, Becca. Ang totoo niyan ay hindi talaga ako driver." Sagot niya sa tanong ko kanina pa.
Kumunot ang noo ko. "Kung hindi ka driver, bakit nandoon ka? Teka nga, naguguluhan talaga ako." Sabi ko sabay hilamos ng mukha.
Sumimsim ako sa coke na binili niya at hinintay ang sagot niya.
"Tinry ko lang." Simple niyang sabi.
Binigyan ko siya ng tingin. Tinry lang? Ano yun, na-tripan lang?
Bago pa ako makasagot ay napalingon na ako sa taong pumasok sa cafeteria. Hindi ko alam kung dapat ba akong mangilabot o matuwa sa nakita ko.
Si Rodge... nakaakbay kay Joana.
BINABASA MO ANG
Seducing You
Humor"Hindi ko makakalimutang playboy ka at hindi marunong magmahal." -Rebecca