2. Ouch lang

103K 1.7K 108
                                    

Dear Heart,

June 13, 2001

Dear Heart,

He promised he'll be at my recital. He promised and I believed him. He had never let me down before. I believed with all my heart that he'll come that night but as the people emerged, as I see those faces in the crowd and as the program started, I realized that my knight in shining armor will never come for me.


xxxx

"Ganoon ba talaga kahirap tandaan ang birthday ko?"

Iyon ang pulit-ulit na tinatanong ni Alexis sa kanyang sarili habang nakasakay sa jeep. Papasok na siya sa kanyang trabaho nang gabing iyon pero hanggang sa trabaho niya ay dala niya sa kanyang isipan si Jacinto Emilio. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit sa labing-limang taong magkasama sila ay hirap na hirap itong tandaan ang kaarawan niya, samantalang siya, halos lahat ng mahalagang event sa buhay nito ay alam niya.

She sighed. May nagsabi sa kanya noon na kahit gaano niya pahalagahan ang isang tao, may mga tao pa rin na hindi siya itinuturing na mahalaga. At kung minsan, naiisip niya nab aka si Jacinto ay ganoon sa kanya.

Siguro nga ay hindi siya mahalaga para dito.

Minsan naitatanong niya pa sa kanyang sarili kung obsession lang ba ang nararamdaman niya sa para sa kanyang kaibigan, nab aka mamaya ay hindi niya talaga ito mahal, nab aka naipagkakamali lang niya ang nararamdaman niya, maybe she was just confused but then... kung hindi siya in love kay Jacinto, bakit niya iniiyakan ang lahat ng babaeng nakakasama nito?

Naalala niya noong unang pagkakataon na ma-realize niya na mahal niya si Jacinto – that time, he was going out with Peenie – isang babaeng nakilala ni Jacinto sa university nito. When she found out about her, nalungkot siya noon, pero umiyak siya ng sobra nang malaman niyang nakipag-make love ang babaeng iyon kay Jacinto. Paano niya nalaman? She sighed again – she was Jacinto's best friend and he literally tells her everything – including all of his petty sexcapades.

And even though that hurts her like hell, wala naman siyang choice kundi ang makinig dito, best friends sila, wala siyang magagawa doon. Sometimes, she just wants to rip his face off and throw it in the middle of the China Sea – pero hindi niya naman magawa kasi nga, mahal niya si JC.

"Tanga ako..." Bulong niya habang nakapaminta sa jeep. "Kuya, para na!" Sigaw niya nang mapansin niyang nasa tapat na siya ng bababaan niya. Agad siyang umibis ng sasakyan at tumakbo papasok sa kanilang building. Maulan nang gabing iyon at wala siyang dalang payong kaya nabasa ang kalahati ng kanyang damit.

"Oh, basa ka na!" Narinig niya ang boses ni Ann habang naglalakad siya sa may lobby. She just sighed and passed her. Wala siya sa mood dahil kay Jacinto. In this time of night, hindi na niya kailangan pang isipin kung nasaan ito. She was sure that she was out somewhere, busy partying, drinking, having fun with his girls at sigurado siya na mamaya ay may kasama na naman itong uuwi. Ganoon naman ang buhay ni Jacinto, sanay na siya roon pero kahit sanay na sanay na siya ay hindi pa rin niya mapigilang masaktan.

Agad siyang naupo sa kanyang station at saka ikinabit ang headset sa kanyang ulo. Inayos niya ang kanyang computer at saka nagsimula nang magtrabhaho. She looked at the clock on her table, it was 9:45 pm, mahaba pa ang gabi at sigurado siyang buhay na buhay pa si Jacinto.

"Hay naku..." Ibinaba niya ang headset niya nang marinig na naman niya ang boses ni Anne.

"Anne," Sabi niya. "Pwede bang huwag ka munang manermon? Magtatrabaho ako." Matipid na wika niya. Anne looked at her with sympathy on her eyes.

The JC chronicles (PUBLISHED - PINK AND PURPLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon