June 13, 2001
“May date kayo ni Ate Luna?”
Natatawa talaga ako kay Alexis kapag tinatawag niyang at ang kababata kong si Luna. Isang taon lang naman ang tanda ni Luna sa kanya pero kung maka-ate akala mo five years na mas ahead sa kanya si Luna.
“Recital niya ngayon, nag-promise ako. Mamaya pa namang three ng hapon. Sama muna ako sa’yo.” Sabi ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya. “Saan ka ba pupunta?”
“Sa park, mag-skate ako eh. Pinag-aaralan ko iyong bagong trick ni Tony Hawk.” Sabi pa niya. Napailing na lang ako. Minsan naiisip ko na bagay talaga sa kanya ang pangalan niya. Nakita kong tumakbo siya sa loob ng bahay at nang muli siyang lumabas ay nakasuot na sa kanya ang dc cap niya at kipkip na niya ang skateboard niya sa kilikili. Tinapik niya ang balikat ko at saka inaya akong maglakad papunta sa park.
“Sabi mo sa akin liligawan mo si Ate Luna?” Tanong niya pa sa akin habang nagalalakad kami. Tiningnan ko siya. I just gave her a simple smile.
“Bakit ba ate ang tawag mo dun?” Tanong ko pa sa kanya.
“Mas matanda siya sa akin ng isang taon.”
“Eh di dapat ako kuya mo kasi ahead ako sa’yo ng two years.” Biniro ko pa siya. Alexis made a face.
“Neknek mo nga Jacinto! Iyong tinatawag lang na kuya ay iyong mga kagalang-galang.” Sabi niya sa akin. Napailing na lang ako. Nakilala ko si Alexis noong third year high school pa lang ako, second year na siya noon, napakakulit niya, noong una naman ay hindi ko siya pinapansin, pero noong ma-realize ko na iisang na lang kami ng mundong ginagalawan, naging malapit na rin ako sa kanya, mula noon, palagi ko na siyang kasama.
“Sama, akala mo naman cute.” She made a face again.
“Walang skater girl na cute. Maangas ako!” Sabi pa nito. She was only seventeen years old that time pero kilos bata pa rin siya.
“Ungas!” Binatukan ko siya. Alexis was like a ray of sunshine in my life, she makes everything sunny and warm. Nakaiwas siya sa batok ko. Huminto siya sa paglalakad at saka ibinaba ang board niya. Sumunod na lang ako sa kanya papunta sa Skate Park. I sat on one of the benches there, panaka-naka ay tinitingnan ko siya.
Okay naman si Lexy, mukhang enjoy na enjoy siya sa ginagawa niya. Nakaupo lang naman ako doon at nagpapalipas ng oras, ka-text ko rin si Luna kaya hindi ako naiinip. Maya-maya ay lumapit sa akin.
“Jacinto, nagugutom ako. Pakainin mo ako.” Sabi niya habang nakanguso. Ang cute niya talaga! Isa sa mga rason kung bakit ko siya kinaibigan ay dahil sa ka-cute-an niya. Naalala ko nga nang minsan ko siyang dalhin sa bahay noon, third year high school siya noon, ako naman first year college, nang makita siya ni Mama ay tuwang-tuwa ito sa kanya, pinakain pa nga siya ng Mama ko ng kung anu-ano, sabi ni Mama para daw nakita niya kay Lexy ang anak na babae na matagal na niyang hanap.
“Anong gusto mo?” Tanong ko sa kanya habang paupo siya sa tabi ko. Ipinatong niya pa ang mga binti niya sa binti ko.
“Hotdog sandwich saka coke.” Sabi niya sa akin. Inalis ko ang paa niya at saka tumayo para bilhin ang gusto niya. Agad akong bumalik. Natigilan ako saglit nang makita ko siyang may kausap na lalaki. She was smiling at the boy. Pareho sila ni Lexy ng attire, naka-skate shoes din ito at may hawak na skateboard. Nang lumapit ako sa kanila ay paalis na yata ang lalaki.
BINABASA MO ANG
The JC chronicles (PUBLISHED - PINK AND PURPLE)
RomanceBest Friend - The one friend who is closest to you. But what if you fall in love with your very own best friend?