One year later
June 02, 2013
“I need those papers tomorrow, Alex.”
Alexis smiled at her boss. Minsan ay iniisip niya kung ngumingiti pa ba ito, palagi kasi itong nakasimangot at parang may galit sa mundo. Kung gaano kabait sa kanya ito ay ganoon naman ang palagiang pagsimangot nito. Gwapo sana ang boss niya, pero hindi lang talaga ito palangiti.
“Sure, boss.” Sagot niya dito. Tulad ng dati ay pinaglalaruan na naman nito ang stress ball nito habang nakatingin sa malayo. She sighed. Minsan iniisip niya na may kung anong dinaramdam ang boss niya kaya hindi ito makangiti palagi. Marahil, dumating din ito sa punto ng buhay nito kung kailan nalugmok ito sa sobrang kalungkutan, tulad ng nangyari sa kanya ngayon.
“Ay, boss, tumawag po ang kakambal ninyo. May gig daw po kayo mamaya.” Noon lamang ito tumingin sa kanya, at tulad noong una niya itong nakita, halos isang taon na ang nakakaraan ay una ap rin niyang napansin ang mala-aong mata nito. He took ma deep breath.
“Sinong mas gwapo, ako o siya?” Nakangiting tanong nito pero hindi naman umabo ang ngiting iyon sa mga mata nito. Nagkibit-balikat siya.
“Si Sir Caleb, boss. Palagi kasi siyang nakangiti. Try ninyong ngumiti pag may time, sure ako, popogi din kayo.” Biro niya dito. Napailing na lang ito. Marahil ay sanay na ito sa kanya. Halos mag-iisang taon na rin siyang nagtatrabaho sa toy company nito. Nagsimula siya bilang assistant of the secretary. Ayaw niya sanang iwan noon ang trabaho niya pero alam niyang mas makakabuti iyon. Swete naman na nakapasok siya sa kompanyang iyon. Mas maayos ang trabaho, hindi pa siya talo sam puyat at pagod.
“Sige na, alis.” Sinenyasan pa siya nito. Nginitian niya lang ito at saka kumaway.
“Bye, boss Cal.” Lumabas siya ng opisina upang bumalik sa pwesto niya. Inaayos niya ang mga papeles na kailangan ng kanyang boss nang may bumati sa kanya.
“Afternoon, Alex. Si Cal?” Agad siyang ngumiti nang makita ang dalawang nagga-gwapuhang lalaki. Si Lex Marquez at si Kerky Kerkmez – mga kaibigan ng kanyang boss.
“Nasa loob mga sir!” She greeted them. Nginitian siya ng mga ito. Hinayaan niyang pumasok ang mga ito sa loob at saka muli siyang bumalik sa trabaho, bago iyon ay tumingin siya sa relo niya. Fifteen minutes na lang uwian na. Makakauwi na siya, makikita na niya ang Nanay niya at si Apollo. Excited siya dahil sabi ng kapatid niya ay may surpresa ito sa kanya.
Birthday niya kasi…
She sighed. Noong isang taon, puro luha lang ang handa niya noong birthday niya; Luha dahil may isang taong nakalimot na naman sa kanya, pero ngayon, masasabi niyang may ngiti sa kanyang labi dahil sa unang pagkakataon, makalipas ang mahabang panahon, wala na siyang ibang iniisip kundi ang kanyang sarili. Pamilya na niya ang una sa listahan at hindi ibang tao.
“Happy birthday, Alex!” Napangiti siya nang bigla na lang may naglagay ng kung bulaklak sa kanyang table. Nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang kanyang mga kasamahan na nakatayo sa harapan niya. May dala pang cake ang isa.
“Naku! Thank you!” Sabi niya at saka tumayo. She took the flowers and smelled them.
“Oh, blow mo na ang candle tapos make a wish!” Sabi ng mga ito. And she did, she closed her eyes and made a wish. Maluwag sa kanyang pakiramdam ang hiling na iyon, sa unang pagkakataon, hindi kaawa-awa ang kanyang hiling. She just wished for another god year.A healthy life, hindi tulad noon na ang gusto niya ay mahalin ng taong walang pakialam.
“Saan tayo mamaya?” Tanong ng isa niyang kaopisina, si Marilyn.
“Ha? Naku, may dinner kasi ako kasama si Nanay at ang kapatid ko.”
BINABASA MO ANG
The JC chronicles (PUBLISHED - PINK AND PURPLE)
RomanceBest Friend - The one friend who is closest to you. But what if you fall in love with your very own best friend?