Jacinto sighed as he walks out of the precinct. He couldn’t believe his luck. Oo nga at nakita niya si Alexis pero ipinapulis naman siya nito at ang pinakamasakit sa lahat – mas masakit pa kaysa sa katotohanan na isang taon siya nitongt natiis, ay umasta ito na parang hindi siya nito kilala. He sighed again. Ganoon ba talaga kasama ang loob nito sa kanya na nagawa siya nitong kalimutan na lang basta?
Ang tagal niyang hinanap ito. Sinalo nga niya lahat ng galit at inis ni Apollo dahil umaasa siyang sasabihin ng babaeng iyon kung nasaan si Alexis pero wala rin siyang napala, tapos ngayon na nagkita naman sila, ipinapulis naman siya nito, hindi lang iyon, ipina-blotter siya nito para dawn kung may mangyaring masama dito ay siya ang huhulihin ng pulis. He sighed again. Para bang sasaktan niya ito. Kung sabagay, nasaktan na niya ito…
Ngunit, hindi naman niya sadya iyon.
He sighed again. Inis na inis siya sa sitwasyon, masakit ang bibig niya dahil di sinasadyang nasiko siya ng guard kanina doon sa office nina Alexis. Namaga kaagad iyon at ngayon ay may pasa na siya. Gusto sana niyang upakan iyong guard, kundi lang siya masyadong nabigla sa nangyari sa kanila ni Lexy.
“Boss, huwag ka nang babalik dito.” Wika pa sa kanya ng isang pulis. Tinanguan niya lang ang mga ito at saka nagpatuloy sa paglakad. Nakayuko ang kanyang ulo at napapailing siya. He kept thinking about Lexy, bakit ba nito ginawa iyon sa kanya? He sighed again. Nang makarating siya sa parking lot ay napansin niya ang isang pares ng itim na high heels, nakatayo ang may-ari niyon sa harapan niya at tila walang balak umalis. Dahan-dahan siyang nag-angat ng ulo at ganoon na lang ang pagkabigla niya nang makita niya si Alexis na nakatayo sa kanyang harap na tila ba naghihintay sa kanya.
“Ayos ka lang?” Tanong nito sa kanya. He grinned.
“Pinapulis mo ako tapos tatanungin mo ako kung okay lang ako? Nahawa ka nab a sa kapatid mo?” Nangigigil siya. Kahit na gaano kalaki ang kasalanan niya dito hindi naman yata fair na ipinapulis siya nito. She just sighed.
“Halika, gamutin natin iyang pasa mo.” Tumalikod ito. Napailing na naman siya. Hindi niya alam kung anong trip ni Alexis pero kahit ganoon ay sumunod pa rin siya dito. Nagpunta sila sa pinakamalapit na 7/11. Naupo siya sa may counter habang si Alexis naman ay namili ng cube ice, tissue paper at alcohol. Maya-maya ay tumabi na rin ito sa kanya. Humarap ito sa pwesto niya at saka pinahiran ng alcohol ang pasa niya sa gilid ng labi. All the while, he was just looking at her. He could see very well the changes she had undergone sa nakalipas na isang taon. Isang taon lang iyon pero parang ang tagal-tagal niyang hindi nakita ito.
The last time he saw her, maikli pa ang buhok nito, pero ngayon, umabot na iyon sa panga nito, may kulay na rin iyon. Iba na rin ang pananamit ni Alexis, hindi tulad noon na palaging nakapantalon at t-shirt, right now, she was wearing a corporate red dress, naka-blazer pa ito.
“You smell different.” Hindi nakatiis na sabi niya pero ni hindi man lang ito nagsalita. The next thing he knew, dinadampian na ni Lexy ng yelo ang bibig niya. Napangiwi siya.
“Hindi ka talaga magsasalita?” He asked her. “Halikan kaya kita? Kakausapin mo kaya ako?” He said to her. Pero wala, wala itong reaksyon. “Alexis….” Tawag niya sa pangalan nito. Nang matapos ito sa pasa niya ay kinuha nito ang bag na dala nito at saka tumayo na. Akmang aalis na ito nang bigla niyang hablutin ang braso nito.
“Galit ka sa akin dahil di kita mahal sa paraang gusto mo? Hindi ko naman kasalanan na na-in love ka sa akin, Alexis.” Iyon ang totoo. Iyon ang matagal na niyang gustong sabihin dito. Hindi naman niya kasalanan iyon, he wasn’t aware na may feelings na ito para sa kanya. Best friends sila at kung may nagawa man siya dito na nagbigay dito ng maling pag-asa, o kung anuman, hindi niya naman alam. He wasn’t aware of the fact that his best friend was in love with him.
BINABASA MO ANG
The JC chronicles (PUBLISHED - PINK AND PURPLE)
RomansaBest Friend - The one friend who is closest to you. But what if you fall in love with your very own best friend?