Huling Hirit

105K 2.8K 254
                                    

 May 31, 2013

“Uwian na! Tara, Alexis! Labas tayo!”

I smiled at my officemates. Tulad nang dati ay inaaya na naman nila akong lumabas, nakasanayan na lang yata nilang gawin iyon kasi kahit naman anong aya nila sa akin, hindi rin naman ako sumama.

“Pass muna, uuwi na ako.” Sabi ko sa kanila. Agad kong kinuha ang bag ko at saka nagmamadaling lumabas ng building. Uuwi na talaga ako. I know it’s too early but I’ve been doing this – going home early – since the day Jacinto Emilio left me. I sighed as his memories crossed my mind. I miss him terribly. I guess this is the feeling of loving someone pero hindi mo pa makasama.

Nang makalabas ako ng builing ay agad akong nagpunta sa pinaka malapit na convenience store para mamili ng ice cream, ganoon lang naman ang routine ko, bahay, trabahi, store, bahay… Maaga aong umuuwi lagi kasi iniisip ko na sana, pagbalik ko sa bahay, nandoon na siya, hinihintay ako. Pero isang taon ko nang iniisip iyon, hindi pa rin siya dumarating.

Pumara ako ng taxi, iniisip ko pa rin si Jacinto. Hindi ko alam kung nasaan siya, wala akong balita sa kanya. Hindi ko naman naisip na when he said that we needed time and distance, didistansya siya ng bongga. Mag-iisang taon na siyang wala sa isang buwan, gusto ko na talaga siyang makita, miss na miss ko na siya.

I sighed again, that day when he said goodbye was also the day he told me he loved me. Ang pinaka hindi ko makakalimutan sa lahat ay iyong sabihin niya that he loved me even before I loved him – noong una ay hindi ako naniniwala but then, he told me the moment when he realized that he was in love with me and I automatically believed him.

Lahat ng sinabi ni Luna sa akin nang gabing iyon ay totoo. Everything Jacinto did was because of me, he loved me even before he realized it, he loved me with all his heart at sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na pinagdaanan naming nang magkasama, natatawa ako kasi sa huli, ako pa pala ang hindi nagpahalaga masyado. I hated the fact that I didn’t see that Jacinto was treating me more special than any of his girlfriend. Siguro kung nakita ko iyon noon, hindi na sana kami umabot sa punto na kinailangan pa niyang umalis.

Kung sabagay, naiintindihan ko naman siya. Kahit mahal naming ang isa’t-isa, kung may nasasaktan naman kami, hindi rin kami magiging masaya.

At iyon lang naman ang gusto ko, ang maging masaya kasama ang mahal ko. And I guess waiting for him doesn’t bother me at all, bakit? Kasi nakapaghintay naman ako sa kanya ng halos ilang taon bago niya sabihin sa akin na mahal niya ako, hindi na mahirap ang hintayin pa siyang muli.

Waiting was never easy, pero alam kong babalikan niya ako, that makes everything else much easier for me to deal with.

“Para na manong.” Sabi ko nang tumapat na ang sasakyan sa gate ko. I paid him then I got off the car. I walked towards the gate pero bigla akong natigilan, I saw one long stemmed pink rose na nasa labas ng gate ko. I picked that up and I looked around. Wala namang tao, sinong mag-iiwan noon doon?

Napansin ko na may card na nakalagay doon. Kinakabahang binuksan ko iyon and I got the biggest surprise of my life when I read what was written in there:

I miss you. <3 JC

My tears started falling, I wasn’t crying because I’m sad, I’m happy, it’s just that I’ll be happier if he’s here. Idinkit ko sa dibdib ko ang sulat niya kasama ng rose. At least after almost a year, may paramdam na siya. Alam ko, nararamdaman kong babalik na siya, konting hintay na lang…

---------------------------

June 01, 2013

 

The JC chronicles (PUBLISHED - PINK AND PURPLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon