“Minsan ba naiisip mo pa si Luna?”
Hindi malaman ni Alexis kung bakit bigla na lang niyang naitanong kay Jacinto ang bagay na iyon. Nang araw na iyon ay pareho silang nasa sala ng bahay nito habang inaayos ang mga gamit na binili nilang dalawa para sa baby. Natulala ito sa kanya, tila hindi nito alam kung anong sasasabihin sa kanya. Sinubukan nitong ibuka ang bibig ngunit walang salitang namutawi rito. He just stared at her.
“Hah!” He said. She smiled. Hindi pa rin talaga ito nagbabago. Ganoon ang palagi nitong sinasabi sa tuwing wala itong maisip sabihin.
“O, natahimik ka? Dalawang buwan na tayong magkasama, malaki na nga iyong baby bump ko, natural lang na mapag-usapan natin siya. Parte siya ng buhay natin.” Walang abog na wika niya. Jacinto sighed. Binitwan nito ang hawak nitong mittens at saka tumingin sa kanya.
“Minsan…” Pag-amin nito.
“Mahal mo pa?” She couldn’t help but ask. JC sighed.
“Bakit nga natin ito pinag-uusapan?” Biglang tanong nito sa kanya. She just smiled.
“Best friends tayo. Magiging mommy pa ako ng baby mo, dapat alam ko.” Mapait ang ngiting ibinigay nito sa kanya. Napailing ito at saka muling ngumiti. Hindi niya alam kung anong umiikot sa utak ni Jacinto sa mga oras na iyon at gusto niyang malaman kung ano nga ang nasa utak nito. Mahal pa kaya nito si Luna? Si Luna pa rin kaya?
“Hindi mo ba masagot?” She asked. “Ganito na lang. Bakit mo ba pinatulan si Rose noon?” Tanong niya dito. Si Rose ang kapatid ni Luna na alam niyang mahal na mahal ni Jacinto, pero in the end, si Rose ang naging girlfriend nito habang si Luna, nawala na lang basta. Ni hindi ito nagpaalam kay JC, umalis na lang ito nang walang paalam, ni hindi ito nag-iwan ng kahit na ano para sa kaibigan niya.
Luna left her a diary, iyon iyong araw-araw yata niyang binabasa. Sinumulan niyang basahin iyon limang taon na ang nakakaraan matapos niyang ma-realize na mahal niya pala ang kaibigan niya.
“Mag-kissing session na lang tayo.” Sabi nito sa kanya sabay ngisi.
“Tarantado, tinatanong kita ng maayos eh.” Inirapan niya ito. “Seryoso ako, bakit mo pinatulan si Rose eh si Ate Luna naman ang gusto mo.”
“Mahirap i-explain…”
“Try natin.” Sabi niya dito. Dinutdot niya pa ang balikat ni JC at saka hinatak ang manggas ng damit nito. He sighed.
“Fine.” He took a deep breath. Bumaling ito sa kanya at saka nangalumbaba. “Matagal ko nang gusto si Rose, thirteen pa lang ako, gusto ko na siya, so when she told me she loved me, I jumped into her. Alam ko bad move kasi that time, girlfriend ko si Luna, akala ko okay lang kami. I mean, she was a close friend of mine, she used to call me her for hire knight in shining armor kasi every time she’s in trouble, I save her tapos hihingi ako ng kapalit na kahit na ano, until one moment, I realized that I’m in love with her na pala. Pero nabale-wala iyon noong mahalin ako ni Rose. I took a risk, and that hurt her. I was sorry that she left pero noong kasama ko na si Rose, hinanap-hanap ko si Luna. Naisip ko, siya ang mahal ko.”
“Ganoon naman diba?” She said to him. “Laging nasa huli ang pagsisisi.” She said.
“Oo, so I broke up with Rose. I tried looking for Luna pero ayaw sabihin ng mga magulang niya. Maybe because they knew that I had hurt her so much.”
Sa lahat ng ito, mataman siyang nakikinig kay Jacinto. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya, ang nakakapagtaka ay wala naman siyang hapdi o sakit na nararamdaman dahil sa nangyaring pagtatapat nito sa kanya. She just sighed. Marahil siguro ay dahil iyon sa matagal na niyang alam ang tungkol kay Luna. Minsan pa nga ay naiisip niya na kung sakali man na hindi talaga sila ni Jacinto ang para sa isa’t-isa, mas matatanggap niya na kay Luna mapunta ang kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
The JC chronicles (PUBLISHED - PINK AND PURPLE)
RomanceBest Friend - The one friend who is closest to you. But what if you fall in love with your very own best friend?