“Sigurado ka na bang titira ka sa bahay ni Jacinto, Alexis?”
Hindi alam ni Jacinto kung anong magiging reaksyon niya sa paulit-ulit na pagtatanong ng Nanay ni Alexis. Halos dalawang araw na ang nakakalipas nang mapagkasunduan nila ni Alexis na habang buntis ito ay doon muna titira sa bahay niya. Mas mabuti iyon dahil mas mababantayan niya ito. Ang akala niya ay kaagad papayag ang Nanay ni Lexy pero ang hirap din nitong kumbinsihin. Sa huli, pinaliwanagan niya ito at sinabi niya na gusto niyang siya mismo ang mag-alaga kay Lexy at sa magiging anak nila. Um-oo ito, at ngayong araw sana niya susunduin si Alexis at iuuwi sa bahay niya pero parang ayaw na naman itong pakawalan ng Nanay nito.
“Baka ma-Jose Rizal si, Alexis sa bahay ng Utak ng Katipunan.”
Narinig pa niyang pasaring ni Apollo. He looked at her. Kung anu-anong lumalabas sa bibig nito. He sighed.
“Aalagaan ko naman po si Lexy doon. Hindi ko naman po siya aapihin.” Wika niya sa mga ito. He took one glimpse of Lexy and he wandered, normal ba talaga para sa isang buntis ang gumanda ng ganoon?
“Nay, diba nag-usap na po tayo?” Tanong pa ni Alexis dito. He sighed again. Kanina pa sila nakaupo sa sala pero parang walang nangyayari sa usapan nila. He sighed again.
“O, sige sige, hoy Jacinto, utak ng katipunan, ibibigay ko sa’yo ng buo ang panganay ko, kapag ito ibinalik mo sa akin ng may galos, sinasabi ko sa’yo,” Hindi nito itinuloy ang sinabi, instead, Lexy’s mom looked at him intently tapos ay muli itong nagsalita. “Putol.”
He swallowed hard. Kung anuman ang puputulin nito ay hindi na niya gustong malaman pa. He grabbed Lexy’s hand and tried to smile.
“Uwi na tayo sa bahay natin.” Sabi niya dito. Tumayo na siya at saka kinuha ang maleta ni Lexy. Mabilis pa sa alas kwatro na nagpaalam siya sa Nanay at sa kapatid nito tapos ay lumabas ng bahay. He got in his car and waited for Lexy. Nang makasakay na ito sa kotse ay saka lang siya nakahinga ng maluwag.
“Nakakatakot si Tita.” Wika niya. Napatingin sa kanya si Lexy.
“Katagal mo nang kilala si Nanay, ngayon ka pa natakot sa kanya?” Tila hindi makapaniwalang wika nito. He just smiled. Honestly, masaya naman siya dahil nagawa niyang kunin si Lexy sa bahay ng mga ito. He really wanted her to live with him until she gives birth, at least ngayong magkasama sila, mas sigurado siya na hindi siya nito iiwan.
He continued driving, panaka-naka ay sinusulyapan niya si Lexy na sa mga pagkakataong iyon ay busy sa paglalaro ng candy crush sa I-pad nito.
“Argh! One jelly na lang naubusan pa ng move! Kainis naman eh!” Nagmamaktol na sabi nito. Natawa naman siya.
“Hindi ka ba nagugutom?” Tanong niya dito. Tumingin sa kanya si Lexy.
“Gusto ko ng siomai, siopao saka choapan!” Sigaw pa nito.
“Baka naman magmukhang pao-pao ang baby natin paglabas?”
“Nakakainis ka kamo!” Sinuntok siya nito sa balikat. Napangiwi siya. Kahit talaga kailan, ang bigat ng kamay nito. Dinala niya si Alexis sa pinaka malapit na Chowking. Hindi talaga siya mahilig sa Chinese food pero dahil iyon ang gusto nito ay ibibigay niya. Sabi kasi ng Mama niya, masama daw tanggihan ang buntis.
They settled on the table near the window. In-order lahat ni Alexis ang pagkaing gusto niya, he, on the other hand settled for the halo-halo and as she munch in, pinapanood niya lang ito.
“Lexy…” Tawag niya dito. Tumingin ito sa kanya. “Masaya ako, sumama ka sa akin.”
“Ano ka ba?” Sabi nito sa kanya. “Sabi ko naman sa’yo kasi hindi ko naman itatakas iyong baby. Pumayag lang naman ako kasi ang kulit-kulit mo.” Natatawang sabi nito sa kanya. Ngumiti pa rin siya. Wala namang problema kahit na ano pang dahilan nito sa pagsama sa kanya, basta masaya siya. Masaya siya dahil kasama na niya ito at sigurado siya ngayon na hindi mawawala sa kanya si Lexy.
BINABASA MO ANG
The JC chronicles (PUBLISHED - PINK AND PURPLE)
RomanceBest Friend - The one friend who is closest to you. But what if you fall in love with your very own best friend?