August 21, 2001
Dear Heart,
I was determined to finally tell him how I feel. I don't care kung masira ang friendship namin. I just really wanted him to know. Hindi naman pwedeng ganito lang kami, I love him with all my heart at nasasaktan ko na nakikita ko siyang may kasamang iba habang ako naghihintay sa kanya. I'm telling him. I'm taking the leap.
xxxx
Alexis woke up in the middle of the night craving for some pandesal and some cheese spread. Laway na laway siya, gusto niyang makatikim ng pandesal na may cheese spread. She sighed. Naupo siya sa gitna ng kanyang kama at iniisip kung babangon ba talaga siya para kumain. Napahawak pa siya sa kanyang simura na para bang pinakikiramdaman ang kanyang gutom, she sighed. Sa huli ay tumayo rin siya upang magpunta sa kusina.
Hinalughog niya ang ref pero walang cheese spread doon at wala ring pandesal. Napabuntong hininga siya. Gusto niyang kumain ng pandesal, nagugutom siya. Agad niyang naisip si Apollo. Muli siyang umakyat upang gisingin ang kapatid. Hindi nagla-lock ng pinto si Apollo kaya nakapasok agad siya, umupo siya sa gilid nito at saka pilit itong ginigising.
"Apollo!" Yugyog niya dito. Paulit-ulit niyang ginawa iyon pero ni hindi man lang ito naalimpungatan. Napalabi siya. Kahit talaga kailan mantika matulog ito. She bit her lower lip, gusto niyang kumain, pero hindi naman siya pwedeng lumabas, alas tres pa lang ng madaling araw. Natatakot siyang lumabas. Napatingin siya sa bedside table ng kapatid, nakita niya roon ang cellphone nito, agad niyang kinuha iyon at saka hinaluhog ang contacts ni Apollo. Nakita niya ang number na hinahanap niya. Utak ng Katipunan: 09273102725. Pinindot niya ang call button at saka itinapat iyon sa tainga niya. The other line was ringing and she was patiently waiting. Maya-maya ay sinagot nito iyon.
"H-hello?"
"Jacinto! Bili mo ako ng pandesal!" She said to him. Matagal ito bago sumagot. She was biting her lower lip habang hinihintay ang sagot nito.
"Lexy? Akala ko si Apol ka." Sabi nito. Halata sa boses nito na galing ito sa pagkakatulog. Ikinapagtaka niya iyon, dati three am na pero buhay na buhay pa ito.
"Bili mo ako ng pandesal saka cheese spread." Sabi niya ulit.
"At three in the morning?" Tila natatawang sabi nito. "Sige, sige. I'll buy you. Wait mo ako."
Umabot hanggang tainga ang kanyang ngiti. Ibinaba niya ang phoe at saka bumaba sa sala. Binuksan niya ang pinto at tumayo roon. Makalipas lang ang halos labinlimang minute ay pumarada sa tapat ng bahay niya ang motorbike ni JC, lumabas agad siya ng bahay upang buksan ang gate para dito.
JC was only wearing a white sando and a pair of boxer's shorts, naka-tsinelas lang ito. natawa siya dito.
"Lumabas ka ng nakaganyan ka lang?"
Ngumiti ito sa kanya.
"Naka-havaianas naman ako." Sabay tingin sa tsinelas nito. She just made a face.
"Ikaw nga, may towel ka, wala kang bra no!" Namula ang kanyang pisngi. Alam niyang binibiro lang siya ni Jacinto pero hindi niya maiwasan ang hindi mailing. She remembered the first time he ever unclasped her bra. Napanganga siya.
"Gago!" Sabi niya dito. Napahalakhak si Jacinto.
"Fifty pesos iyang pandesal mo ha. Ang aga mo naman mag-breakfast." Komento pa nito.
"Nagutom ako, tara sa bubong tayo." Aya niya dito. Kumuha siya ng dalawang bote ng tubig sa ref, kutsara, plato tapos ibinigay niya iyon kay Jacinto. Siya na ang nagdala ng pandesal. Sabay silang umakyat ng hagdan, papasok sa kanyang silid. Doon kasi ang daan patungo sa bubong ng bahay. Nauna si Jacinto na lumabas ng bintana, sumunod siya, inalalayan siya nito.
BINABASA MO ANG
The JC chronicles (PUBLISHED - PINK AND PURPLE)
RomanceBest Friend - The one friend who is closest to you. But what if you fall in love with your very own best friend?