15. Goodbyes

71.1K 1.6K 178
                                    

“Babe…”

Jacinto looked up and tried giving Luna a smile. He was feeling so down that he really didn’t care about how crappy he looks in front of his pretty girlfriend. Nakaupo lamang siya sa sala ng kanyang bahay habang nakatingin kung saan. It’s been a week since Alexis’ accident, nakalaba na ito ng ospital pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito nakakausap.

Paano ba naman siya makakalapt dito? Mas masahol pa sa guard dog ang bantay nito, hindi lang nangangagat, nananapak pa. He hated Apollo and Gene for hiding Alexis away from him.

“Babe…” Luna sat beside him. Isang linggo na siyang wala sa sarili at nakakahiya na dito. Humilig ito sa balikat niya. “Nag-aalala na ako.” Sabi nito sa kanya.

“Sorry.” Mahinang wika niya. Hinaplos naman nito ang kanyang mukha.

“You haven’t shaved… Ang pangit mo na.” Sabi nito. “Gusto mo bang i-shave kita?”

“Gusto ko si Lexy…” Wala sa sariling sabi nita dito. Napatingin siya sa mukha ni Luna at ganoon na lang ang pagsisisi niya nang makita niya ang mukha nito. Napabuntong hininga siya. “Babe, I’m sorry. Sana maintindihan mo. I want to see her. After what happened to our child…”

“It’s okay…” She sighed. “Bakit ba hindi mo subukang tawagan siya?” Tanong nito. Nagawa na niya iyon, pero kahit paulit-ulit niyang gawin, hindi naman sinasagot ni Lexy ang tawag niya. Hindi rin nito sinasagot ang text messages niya. She seemed to cut him out of her life. Hindi nga niya maintindihan kung anong nangyari. The last time he checked ay okay naman sila. Hindi niya alam kung anong nagawa niya dito para kamuhian siya nito ng ganoon na lang.

Maybe it was the fact na hindi kaagad siya nakapunta noong nakunan ito, pero masyadong mababaw ang bagay na iyon. He sighed again. His head was aching just thinking about the reason why Lexy suddenly became this cold. He needed answers pero saan niya naman kukunin iyon? Ni ayaw nitong makipag-usap sa kanya.

“Pagod ka na?” Luna asked him. He sighed again. Kung meron man nagpapadali ng lahat sa buhay niya ngayon ay si Luna iyon. He took her hand and kissed it. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kung wala si Luna ngayon sa kanyang tabi. Luna makes everything light and clear. Isang ngiti lang nito ay parang okay na muli ang lahat.

“Thank you for coming back to me.” He said to her.

“Thank you for waiting.” Luna said meaningfully. He smiled, he kissed her hand again and after that, he bent forward to kiss her lips. He kissed her, she kissed him back, and there is only one thing wrong – while kissing Luna, he closed his eyes and just like that, he saw Lexy’s face smiling back at him…

------------------------------

“Sigurado kang okay ka lang dito?”

Alexis smiled at Apollo. Lunes iyon at ito ang unang araw na babalik na si Apollo sa trabaho. Matapos kasi siyang maospital ay nag-leave ito para alagaan siya. Ngayong araw ang pagbabalik nito pero kahit na nakabihis na ito at lahat-lahat ay tila hindi pa rin ito ready na iwan siya.

“Nandyan naman si Nanay.” Mahinang wika niya.

“Nasa palengke si Nanay, hintayin ko na lang kaya siyang bumalik?” Wika pa nito. Tinapik niya ang balikat ni Apollo at saka ngumiti ng pilit.

“Okay lang ako. Magaling na ako.” May kung anong bumikig sa kanyang lalamunan. Magaling na siya, wala na ang sakit ng kanyang katawan pero ang sakit ng pagkawala ng kanyang anak ay hindi na yata maiibsan. Nagbuntong hininga siya. Noong nakaraan ay naisip niya na siguro ay mabuti na rin at nangyari iyon sa kanila ng kanyang anak, at least kung nasaan man ito ngayon ay hindi na ito makakaramdam ng sakit tulad ng nararamdaman niya ngayon. Sakit na dulot ni Jacinto. Naisip niya kasing mas mahirap kung nabuhay ito pagkatapos ay involved si Luna sa buhay nilang mag-ina. Mas masasaktan siya. Hindi niya kayang panoorin si Jacinto na minamahal ang babaeng iyon habang nasasaktan siya at ang bata. Tama lang siguro na siya na lang ang masaktan.

The JC chronicles (PUBLISHED - PINK AND PURPLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon