Red String of Fate - Chapter 4
Mika's P.O.V.
It's already 9:45 when we arrived at St. Luke's. Dali dali akong tumakbo papunta sa floor kung saan ang kwarto ng kapatid ko. Mangiyak ngiyak na ko habang tumatakbo pero Mika, NO. WAG KANG IIYAK LALO NA AT KASAMA MO SI JERON.
Sa lahat kasi ng ayoko ay yung umiiyak sa harap ng tao. Ayoko nun. Ayoko kasi majudge. Ayoko makarinig ng masasakit na salita. Ayoko. Ayoko. Ayoko.
Alam kong sinusundan lang ako ni Jeron ngayon kahit saan ako pumunta. Ayoko naman maging rude sa tao at paalisin siya kaya hinayaan ko na.
Room 213. We're finally here. I closed my eyes, holding back those tears that wants to fall down. I'm trying to catch my breath. When I felt that I'm already calm, I slowly opened the door.
Nakita ko si Mama nakahiga sa gilid ng bed ni Miko. Natutulog sila. Nilapitan ko agad agad si Miko at niyakap.
"Okay ka lang ba bro? Andito na si Ate." At hindi ko na napigilan umiyak.
Mag iisang linggo na rin kasing may lagnat si Miko. At hindi ako nakabisita sa bahay namin dahil sobrang busy ko sa school. Kapag tine-text ako ni Mama sinasabi niya na gusto daw ni Miko na umuwi ako pero hindi talaga kaya ng oras ko eh. Kaya siguro lumala ang lagnat nito.
"Mika.." Nagising na pala si Mama. Pinunasan ko na ang mga luha ko at ngumiti. "Ma.. Ako na magbabantay kay Miko. Sige na po uwi na po kayo. Di na po muna ako papasok sa school. Mag eexplain na lang din po ako kay coach na hindi ako mag t-training ngayon."
"Sigurado ka ba dyan nak? Kaya ko naman alagaan 'tong kapatid mo eh. Tsaka bumaba na rin naman ng konti yung lagnat niya." Umilig ko hudyat na hindi ako pumapayag.
"Kaya ko Ma. Sigurado po ako. Parang di pa po kayo nasanay sakin Ma." Tumawa ako ng konti.
"O siya. Wala naman ako magagawa eh. Pano ka nga pala nakapunta dito? Mag isa ka lang?" Nang tanungin yun ni Mama naalala ko na kasama ko pala si Jeron! Pero wala siya dito sa kwarto.
Lumabas ako para silipin kung andun siya. Nakita ko siyang nakaupo lang sa may tabi. Nag ce-cellphone.
"Bat ayaw mo pumasok?" Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. "Ha? Ah eh. Nakakahiya naman. Tsaka sinamahan lang talaga kita."
"Pumasok ka na dito. Aalis na si Mama sabi ko ako na lang magbabantay kay Miko." Pumasok na ko agad sa kwarto at sumunod naman siya.
Pag pasok niya nagulat si Mama. "Nak, boyfriend mo?" Nagtatakang tanong ni Mama. Nanlaki ang mga mata ko pati si Jeron nagulat.
"Ma naman! Wala pa kong nagiging boyfriend noh! Tsaka diba di ko naman kailangan nun ngayon? Aral muna!" Mabilis kong sagot. Nakakahiya talaga si Mama!
"Mika, kalma lang. Tinatanong ko lang naman eh. Osiya, alis na muna ako ah? Mag papasuyo na lang ako kay Manang Elsie na dalhan ka ng damit dito." Tumango na lang ako at umupo ako sa tabi ng kama ni Miko.
"Ikaw, hijo, anong oras ka uuwi?" Tanong ni Mama kay Jeron. "Ah siguro po samahan ko na lang si Mika mag bantay po. Jeron nga po pala." Nakita kong nag shake hands sila at tuluyan ng umalis si Mama.
Hindi ko na siya kinibo at nag suot na lang ako ng earphones. Di ko namalayan nakatulog na pala ako.
- - - - -
BINABASA MO ANG
ON HOLD
FanfictionAccording to this myth, the gods tie invisible red string around the ankles of men and women who are destined to be soul mates and will one day marry each other. The two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of time, pla...