Red String of Fate - Chapter 7
SUNDAY....
Jeron's P.O.V.
It's Sunday today. Last day and it's back to normal. It hurts syempre but I need to accept reality.
Ni-hindi ko nga alam bat ako nasasaktan tuwing naaalala ko na LAST DAY NA eh.
Nandito lang ako sa kwarto ko naka-higa. Yeah, dito ako sa bahay namin natulog. Nag yaya kasi ng dinner sila mommy kagabi dito sa bahay eh medyo gabi na rin kaya di na ko bumalik sa dorm kasi hassle. Nagpaalam naman ako kay Coach. Buti nga pumayag eh.
Naghihintay na lang ako tawagin ako ni Manang for breakfast. It's still 7AM pa naman and sabi din ni Coach na 9:30 pa daw ang training namin.
"Jeron?" May kumatok sa pintuan ko. Siguro si Manang na 'to. "Jeron, kain na"
Agad akong tumayo at sinuot ang aking tsinelas. Pagbaba ko ay as usual wala nanaman ang family ko. Busy nanaman.
Napa-buntong hininga na lang ako. Wala talaga magbabago. Sanay naman ako.
Kumain na ko ng breakfast at after nun ay agad akong pumanik ulit para mag ayos ng pang training.
-----
Papunta na ko sa DLSU ngayon. Nag taxi na lang ako dahil tinatamad akong dalhin yung kotse ko. Tamad ako ngayong araw i dont know why.
Nakatingin lang ako sa bintana nang mag vibrate ang phone ko.
1 New text message.
From: Mika
Hey Jeron! Pwede tayo magkita ngayon 😊 G ka?
Di ko alam pero napangiti ako.
To: Mika
Yeah sure! I'll just go to training. Ako na bahala kung saan tayo pupunta okay?
From: Mika
Okay! Andito lang ako sa Dorm with Ara.
I didn't reply na dahil andito na ko sa tapat ng Razons.
Binayaran ko na yung taxi driver at bumaba na ko. I headed to the 9th Floor.
"Bro!" Sigaw agad sakin ni Thomas pag bukas na pag bukas ng elevator.
"Oh bro!" Lumapit na ko sakanya.
"Bakit hindi ka natulog sa dorm?" Tanong naman niya. "Thomas yung totoo? Namiss mo si Jeron?!" Sigaw naman ni Prince na naka upo dun sa bench.
"Naks!! ThoRon!! Ship ko na kayo mga bes!" Sabi ni Kib na babakla-bakla. Mga sira-ulo talaga toh. HAHAHAH!
"Mga sira!!" Sigaw naman pabalik ni Thomas at binato niya kanila Kib yung basketball na hawak niya.
"Pabayaan mo na nga yung mga yun!" Mahinang tawa ko pa.
"Anyways, may gagawin ka ba mamaya?" Tanong niya sakin.

BINABASA MO ANG
ON HOLD
FanfictionAccording to this myth, the gods tie invisible red string around the ankles of men and women who are destined to be soul mates and will one day marry each other. The two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of time, pla...