Chapter 5

549 22 0
                                    

Red String of Fate - Chapter 5


WEDNESDAY....

Jeron's P.O.V.

Madaling araw pa lang nag paalam na muna ako kay Mika. May training kasi kami ng 6:30 a.m. Sabi din naman ni Mika ok lang kung di na ko bumalik sa ospital kasi malaki ang possibility na pwede ng umuwi si Miko ngayon. Nawala na rin kasi yung lagnat niya kaya inoobserve na lang siya.

"Good morning bro!" Bati ni Thomas na nagsh-shooting mag isa. Siya pa lang ang nandito eh.

"Morning!" Binaba ko na ang mga gamit ko at lumapit na sakanya. "San ka napadpad kahapon? Di ata kita nakita."

"May emergency kasi si Mika kahapon sinamahan ko lang." Bigla naman siya ngumiti ng nakakaloko, "Aba! Friends na kayo bro?" Nabatukan ko tuloy siya.

"Lul! Hindi. Emergency lang talaga." Umiling iling naman siya. "Ano ba yan! Friends lang naman di pa magawa! Hay nako Jeron, natotorpe ka ba?"

"Alam mo Thomas, mag shooting ka na lang! Ang dami mong alam." Tumawa na lang siya at nag shooting na ulit. Baliw talaga 'to eh.

- - - - -

9:30 na natapos ang training namin. Kakatapos ko lang din magshower at ayusin ang gamit ko. Chineck ko ang phone ko.

6 unread messages.

Wow, this is new. Bihira ako makakuha ng ganito kadaming messages. It's usually 1 or 2 only. Dahil nacurious na talaga ako, binuksan ko na yung messages.

5 from Mika Reyes.

1 from Mom.

Kaya naman pala madami. Inuna ko na buksan yung message ni Mom sakin.


From: Mom

Hi Jeron! Are you free tonight anak? Let's have a family dinner. Kakauwi lang namin ng Dad mo from a business trip. Please reply asap. Miss you bunso!

To Mom:

Yeah, kahit kailan naman free ako Mom. San ang dinner? Miss you too.


Super miss ko na sila. Buti naman at hindi sila busy ngayon. Sana kahit once makanood sila ng game namin ng live. Sunod ko naman tinignan ang messages ni Mika.


From: Mika

Hey Jeron.

Wow thanks sa reply ah?

Oh, Sorry. I forgot. Nasa training ka nga pala.

I just want to tell you na nakalabas na si Miko ng ospital and papasok na ko ngayon. Meet up sa starbucks para tuloy yung interview? Andun lang ako until 11:45.

To: Mika

Ikaw pala rason bat ang dami kong messages. Anyways, I'll be there in 10 minutes.


Lumabas na ko sa Sports Complex at dumiretso na ng Starbucks.

Nang makarating ako, nakita ko agad kung saan nakaupo si Mika so nilapitan ko siya.

"Hi." Umayos siya ng upo at inayos niya rin ang mga nakakalat na papel sa table. "Anong ginagawa mo?"

"Reviewing. Di sinabi ng kablockmate ko na may quiz pala kami mamaya. Ayan cramming tuloy ako." Halatang pagod at inaantok siya habang nagrereview. "May gusto ka bang inumin? Bibili kasi ako eh."

ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon