Red String of Fate - Chapter 11
Thursday - 7:45 AM
Mika's P.O.V.
"Yeye chill ka lang!" Sabi ni Kim na kumakain sa may dining table.
"Oo nga Ye! Bakit ka ba nagmamadali?" Tanong pa ni Carol. Ako naman takbo dito, takbo dun.
"Male-late na ko. Magkikita kami ni Jessey today eh." Saad ko tapos kumuha ako ng isang pandesal sa lamesa.
"Huy mikah! Akhin yhan!" Sabi ni Ara na punong puno ang bibig.
"Isa lang kinuha ko wag ka nga! Sige na bye guys!" Nagpaalam na din sila sakin tapos lumabas na ko ng dorm at sumakay na sa kotse ko.
Calling Jessey De Leon...
(Hello BF, asan ka na?)
"Uhm, malapit na BF." Simple kong sagot.
(Weh? Malapit na dito o Malapit na umalis ng dorm niyo)
"Psh. Kilala mo talaga ako. Nalate ako ng gising sorry."
(Di ka pa rin nagbabago BF! HAHAHA! Osiya, ingat sa pag drive.)
Binaba na ni Jessey yung call at nag drive na ko papuntang espanya.
After 45 minutes.
Malapit na ko sa dorm nila Jessey. Sabi niya kasi dun ko na lang daw park sa tapat ng dorm nila yung kotse ko para mas safe kasi parang subdivision naman yung location ng dorm nila.
Buti nga at katamtaman lang yung traffic ngayon dahil tapos na ata ang rush hour. Nakakamiss din talaga pumunta dito sa espanya.
"BF!!!" Pagtatatalon ni Jessey habang pina-park ko pa yung kotse ko.
Bumaba na ko ng kotse ko at nilock ito. Agad kong niyakap si Jessey.
"I missed you BF!" Sabi ko habang yakap yakap pa rin siya.
"I missed you too! Grabe tagal din natin di nagkita!" Humiwalay na kami sa yakap. Bigla naman may isang matangkad na babae ang lumabas mula sa dorm nila.
"Babe sino yung dumating?" Sabi nung babae habang pababa ng hagdan. Nilapitan niya si Jessey sabay tingin sakin at ngumiti.
"Babe! Buti at lumabas ka! Siya nga pala yung best friend ko na kinukwento ko sayo! Si Mika Reyes!" Pagpapakilala ni Jessey sakin dun sa babe daw niya.
"Wait, THE Mika Reyes? Yung taga La Salle?!" Manghang na mangha na tanong nung Girl at tumango lang si Jessey. "Ria, si Mika. Mika, si Ria. Babe ko"
[a/n: Hi JeRia shippers hahaha]
Nagshake hands kami ni Ria "Wow babe hindi mo naman sinabi na yung best friend mo pala is si Mika Reyes. Idol ko 'to eh!" Sabi ni Ria.
"Mine-mention ko naman sayo yung name ni Mika kapag nagku-kwento ako ah." Sabi ni Jessey at nag pout.
"Yeah you mention Mika pero never mo ata na-mention na Reyes pala ang surname niya!" Tumawa na lang kami.
"Uy BF ang dami ko atang hindi alam ah!" Sabi ko na kunyari ay nagtatampo ako.
"Sus! Wag ka nga BF, kaya nga tayo magbobonding ngayon diba!" Sabi nya at hinawakan ang wrist ko. "Babe alis na kami ah! See you later bye!"

BINABASA MO ANG
ON HOLD
FanfictionAccording to this myth, the gods tie invisible red string around the ankles of men and women who are destined to be soul mates and will one day marry each other. The two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of time, pla...