Chapter 6

570 27 0
                                    

Red String of Fate - Chapter 6


FRIDAY....

Ara's P.O.V

Papunta na ko sa Razon's mag isa dahil lahat ng teammates ko na una na. Inaantok pa kasi ako kanina eh. Ang aaga nila gumising huhu.

Nakasakay na ko sa Elevator at pasara na ito nang may kamay na humarang kaya bumukas ulit ito. Pag tingin ko kung sino yun nanlaki ang mata ko.

Si Thomas pala.

Sumara na yung pintuan ng Elevator. Tahimik lang kaming parehas. Hindi siya nagpindot kung anong floor siya. Baka sa 9th floor din siya pupunta.

"Hi Ara." Napatingin ako sakanya. Then i saw him flashing his super cute smile.

"Uhm Hi" Ngumiti na lang din ako.

Tahimik na ulit. Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa ginawa ko sakanya. Yung pag lapit ko sakanya nung matamaan siya ng bola. Ni-hindi ko nga alam pano ako nakalapit sakanya eh. Basta narealize ko na lang nasa harap na niya ko.

"Thank you nga pala ulit ah." He said.

"Ay, wala yun! Hehe. Nakakahiya nga eh. Di naman tayo ganun ka-close pero lumapit ako sayo." Sabi ko at napakamot sa ulo ko.

"Hmm let's be friends then." Napatingin ako sa sinabi niya. Magkaharap na kami ngayon.

"Ha?"

He chuckled, "Hello, I'm Thomas Torres nga pala. And you are?" Bigla ko naman nagets yung sinabi niya at natawa ako. Ang conyo niya talaga.

"Hi, I'm Ara. Ara Galang." Ginaya ko bigla yung pagkasabi niya ng pangalan ko nung ininterview siya ni Billie at parehas kaming natawa dun.

Finally, nasa 9th floor na kami. Di ko alam bat ang tagal namin makarating dito samantalang wala naman pumasok sa elevator from other floors.

Parehas na kaming lumabas at naguusap pa rin kami. Both of us were smiling and we dont know why.

"Hoy Victonara Salas Galang! Bat kasama mo yang si Thomas?!" Nagulat ako ng lumapit pala si Mika samin. At talagang full name ko pa sinabi langya.

"Chill Ye." He chuckled again, "Nagkasabay lang kami paakyat dito. May nakalimutan kasi ako dun sa gilid eh." Sabi niya sabay turo dun sa gilid.

"Sige Mika, Ara, Kunin ko lang yun tas alis na din ako." Nag ba-bye na kami sakanya. Pasunod na ko kay Yeye nang hawakan ako ni Thomas sa braso kaya napatingin ulit ako sakanya.

"Oh, bakit Thom?" Ngumiti ako ng slight. Hehe baka kasi sabihin ang taray ko eh.

"Uhm.. Can I get your number? Para mayaya kita sometime lumabas." Natawa naman ako. Binigay na niya phone niya sakin at tinype ko na number ko.

Pagtapos nun pumunta na ko sa mga teammates ko. Sabi ko kay Thomas mamaya na niya tignan yung number ko pag nakaalis na siya. At sumunod naman siya.

"Huy Ara bat parang nakita ko inabot ni Thomas yung phone niya sayo?" Tanong ni Kim sakin. "Baka hiningi number ni Ate Ara." Sabi naman ni Kianna.

Dahil dun nagsi-tilian nanaman sila ay pinaghahahampas ako. May mali ba da ginawa ko? Wala naman diba? Haahaha.

Maya maya ay pumito na si Coach Ramil hudyat na mag sisimula na ang training namin.

ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon