Red String of Fate - Chapter 8
PART 2...
Thomas' P.O.V.
"ENCHANTED KINGDOOOOOM!" Tili nilang dalawa. Natawa na lang kami ni Jeron. Nagulat kami ng yakapin kami nung dalawa.
Grabe di naman halata na sobrang natutuwa sila 'no? Bumitaw na sila sa pagkakayakap samin pero ang lalapad pa rin ng ngiti nila.
"Thank you talaga!! Namiss ko pumunta dito!" Narinig kong sabi ni Mika kay Jeron. Medyo lumayo kasi sila sa amin ni Ara.
"Grabe thank you Thomas ah!" Nakangiting saad ni Ara.
"Wala yun! Buti nga at free ka ngayon eh."
"Yun nga eh. Kaya pala sabi mo simple lang suotin ko tas magdala ako ng cap at shades." Napatingin naman ako sa suot niya. Oo nga simple lang nga suot niya at bagay sakanya.
She's wearing a mock neck crop top then shorts. Yung sapatos niya vans na white. Hindi niya pa sinusuot yung cap niya but nakashades na siya. She's cute.
[a/n: Imaginin niyo na si Ara yung nasa picture na 'to. Ang cute diba? huhu bagay sakanya. Credits ulit sa owner nung picture :))]
"Uy bakit? Panget ba yung suot ko? Bakit mo ko tinititigan?" Nahihiyang tanong niya.
"No! Bagay kaya sayo yung suot mo." Sabi ko at ngumiti. I don't know kung namalik mata lang ako pero parang namumula siya.
"T-talaga?" Tumango ako at ngumiti. Ngumiti na lang siya pabalik.
"Guys! Tara na pasok na tayo!!!" Sigaw naman ni Mika. Napa-iling na lang kami nila Jeron dahil sa aming apat, si Mika ang pinaka excited at tuwang tuwa.
Third Person's P.O.V.
Pumasok na silang apat sa loob. Nagtatatalon na si Mika lalo na nung nalaman niya na rides all you can sila.
"So saan niyo gusto muna sumakay?" Tanong ni Jeron sakanila. Si Mika at Ara ay halatang nag iisip kung saan.
"Oh ito yung Park Map." Inabot ni Thomas sakanila yung mga nakuha niyang Map. "Tignan niyo kung saan niyo muna gusto sumakay." Saad ni Thomas.
Tinignan iyon ni Ara at Mika. "Space Shuttle kaya?" Tanong ni Mika.
"Aish. Bakit yun agad? Mamaya na yun." Sabi ni Ara at tumingin na ulit sa Map.
BINABASA MO ANG
ON HOLD
FanfictionAccording to this myth, the gods tie invisible red string around the ankles of men and women who are destined to be soul mates and will one day marry each other. The two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of time, pla...