Red String of Fate - Chapter 2
Still Mika's P.O.V
Naghiwa-hiwalay na kami nila Camille, Cienne, at Ate Mowky dahil hahanapin pa namin ang mga dapat hanapin na archers. Habang hinahanap ko si puti, nakabusangot na ko at halatang iritado na. Kasi naman eh. Huhu.
Palabas na ko ng Razons Sports Complex ng makita ko si Thomas. Thomas Torres. Isa siya sa mga ka-close ni Jeron. Malapitan nga. Baka alam kung saan nag sususuot yung puti na yun.
"Thomas!" Sigaw ko at agad naman siyang napalingon sa akin. Lumapit ako sa kanya. "Oh Mika! Bakit? Need something?" Tanong niya. Tumango naman ako.
"Nasaan yung kaibigan mong puti?" Tanong ko sa kanya. Nung una ay di niya magets kung sinong tinutukoy ko pero mukhang nagets naman niya after a few seconds.
"Puti you mean Jeron?" Paninigurado niya.
"Oo! Oo! Na saan yun? Kailangan ko siyang kausapin." Ngumiti naman ng nakakaloko si Thomas. "Hoy Thomas Christopher Bulado Torres! Anong ngini-ngiti-ngiti mo dyan ah?" Dagdag ko.
"Bakit mo siya hinahanap? Uy Mika ah! Iba na yan!" Binatukan ko siya at agad niyang hinawakan ang binatukan ko. "Aray ha!"
"Ikaw kasi eh! Kung ano ano agad iniisip mo! Eh kakausapin ko lang naman yung puti na yun dahil sa subject ko!" I can't help it mukhang mabe-beast mode ako dito ah.
"Okay chill. Wag masydong defensive!" Natatawang sabi ni Thomas.
"Aba't..." May sasabihin pa sana ako kaso pinigilan niya ko.
"Magiging defensive at mag rereklamo ka pa dyan or sasabihin ko kung na saan si Jeron?" Ay nako! Huminga ako ng malalim at tumango.
"May class pa siya sa oras na ito eh. Kung gusto mo I'll give you his number na lang." Pag suggest niya. Wala na 'kong choice kung di hingin ang number ni puti.
"Thanks. Sige una na ko sa dorm. Bye!" Umalis ako agad at tumungo na sa dorm para makapag pahinga.
Pag bukas ko ng pinto nakita ko si Ara at Kim nanonood ng movie sa may sala. Napatingin sila sa akin.
"Oh Mika, bakit nakasimangot ka dyan?" Tanong ni Ara at sumubo ng chips.
"Mamaya ko na lang ikukwento sa inyo. Inaantok ako. Kapagod today kahit isa lang subject ko. Huhu 3 hours ba naman. " Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at umakyat na ko sa room namin. I need a nap. Maybe a looooong nap.
Kailangan kong mag relax.
Chill.
Jeron's P.O.V
Hello! Jeron Alvin Uy Teng here! Team Captain of the DLSU Men's Basketball Team. Syempre school ko DLSU. Ewan ko na lang kung sino di pa makaalam kung saan ako nag aaral. Hahaha. I'm a sophomore. So far naman maganda ang pag stay ko dito sa La Salle. Masaya actually kahit mahirap...
"We have 20 minutes more but tapos na ang lesson natin for today so, class dismiss!" Nag sitayuan na kami at inayos ang gamit para makalabas na ng room.
Malapit na ko sa pintuan ng tawagin ako ng Prof ko. "Mr. Teng, can you please go here first." Lumapit ako agad sa kanya. "Ano po yun Sir?"
"Although matataas naman ang grades mo sa class ko, bibigyan pa rin kita ng pagkakataon na magkaroon ng extra points. Gusto mo ba?" Tanong niya sakin. Well, nag aaral naman ako mabuti and masipag naman ako. Yun ang tingin ko at tingin ng parents ko.

BINABASA MO ANG
ON HOLD
FanficAccording to this myth, the gods tie invisible red string around the ankles of men and women who are destined to be soul mates and will one day marry each other. The two people connected by the red thread are destined lovers, regardless of time, pla...